JB's POV
"Okay, tas dito mo na gagawin yun!"
"Yes po ma'am Avah, kahapon ko pa po alam!"-Umirap ang siya sakin at hinanap na si Zach. Lammo naman yang Zach na yan diba? Pakalat-kalat. Eto namang Avah na to, laging hinahanap ang bestfriend niya.
"Oh ano? Nadownload mo na ba yung Survivor?"-Tanong ni Deric.
"Yups!"-Tumango lang siya.
"Hoy brads!"-Kumaway lang kami kay Wayne na paparating samin. Tinaas lang niya ang kamay niya at tumango.
"Lam mo bang marunong yan magsoccer?"
"Aba Wayne! Marunong ka din pa lang magsoccer"-Manghang-mangha na sabi ni Jane na paparating saka sinuntok nang mahina itong Wayne na to.
"Di lang marunong, magaling pa!"-At dahil sa malokong sabi niya, kunyari uubo-ubo si Deric saka medyo tatawatawa pa. Tumawa lang kami ni Jane sa mga ginagawa nitong mga baliw.
"Nga pala, punta lang ako sa music room, ha? Maggigitara lang"
"Ok"-Sagot naman namin tumango lang siya tas umalis na.
"Tara sa rooftop?"-Tumango lang kami ni Deric kay Wayne. Nang makarating kami sa taas, kitang-kita namin ang mga iba. Nagbabasa si Andy at nagphophone naman sina Xia, Alex, at Hope. Naglalaptop naman sina Joe, at Ann. Ewan ko ba sa mga to, kanina pa gadgets ng gadgets.
"Nga pala, asan si Zan?"-Tanong ni Wayne.
"Ewan ko"-Sagot ko.
"Oh diba, pag si Zanea pinag-uusapan, maririnig agad?"-Ano ba tong sinasabi ng Deric na to?
"Anong pinagsasabi mo diyan?"-Hay! Bat parang sira ulo tong mga to? Tawa ng tawa.
"Kanina ka pa naming tinatawag na pumunta sa computer lab. Para magwifi di ka nakikinig"-Sagot ni Wayne.
"Sorry naman, ano bang malay kong may sinasabi ka?"
"Tara na nga lang!"-Sabi pa ni Deric. Nagkibit balikat na lang kami ni Wayne saka sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa computer lab., nag minecraft lang si Wayne, at nag youtube lang si Deric. Sayang naman ang oras na magwifi kaya ginamit ko nalang yun ng husto. Lahat ng alam kong apps o ano na kaylangan ng wifi ay ginamit ko na. Bale, 6:00 kasi kami pumunta dito sa school. Maya-maya ay saktong nakita ko ang oras sa computer na 7:00 na kaya inaya ko na nag mga kasama ko umalis bago mag 7:15. Mahirap ng malate.
***
Pagkatapos ng flag ceremony, naglesson na kami. Kahit salita ng salita ang teacher namin, wala namang pumapasok sa utak ko. Nasa isip ko kasi ang plano namin na sabi ni Avah para kay Zanea.
"Ok class, bring out 1 whole sheet of padpaper"-Sabi na nga ba eh!? Sana nakinig na lang ako. "I'll give you 10 minutes to review. Magbibigay ako ng quiz"-At di lang seatwork ha? Quiz pa! Tinanong ko lang si Avah kung ano ang nilecture ni teacher para yun ang irereview ko.
"Sabi na nga ba eh, di ka nakikinig. Basta yung ALGEBRA"-Bulong niya. Kahit na ayaw ko ang lesson namin, nagreview pa rin ako.
At alam niyo, nakakuha ako ng 25/30. Diba yakang-yaka ko to!
"Alam niyo ba guys, di nakinig kay teacher yang si JB kanina"
"Basta ang importante, 25/30 ang nakuha ko"-Ganti ko naman kay Avah.
"Yung Math ba yan?"-Tanong ni Ann tas uminom sa coke niya.
"Yep"
"Weh? Yung ALGEBRA? Eh lahat nga kami naka 23/30"-Sagot naman ni Ann. Tumawa lang kaming lahat dun.
"Basta ang importante, lahat kami naka 28/30. Si Zel lang yata ang naka 24 eh. Haha siya lang naka 25 sa ting magbabarkada"-Tumawa lang silang lahat samantalang ako ay umirap na lang!
"Nga pala, this sunday na ang birthday ni Hope!"-Excited na sabi ni Andy.
"Oo oo oo!"-Pati pala tong mga girls na to, excited na rin.
"Oh basta ah punta kayo"
"Siyempers!"-Sagot ng mga girls
***
Zanea's POV
"No, too short. No, too long. No too old fashioned. No, para akong 6 yrs. Old dito. No, no, no, no, no!"
"Alam mo Zan. Naka batman shirt, black pants, at black converse lang ako ha? Ba't di mo kaya suotin yang long sleeves na hanging mo tas mag white pants ka"
"Lam mo, buti ka pa. Marunong kang pumili"-Kinuha ko na lang yung mga sinabi niya tas nagbihis na ako sa bathroom ko. Matapos yun ay inaya ko na siyang bumaba at hintayin na ang iba sa tapat ng bahay nila Andy.
"Haish. Bagal naman ni Joe!"-Reklamo ni Andy.
"Andito na po!"
"Hay thank you po! Tara na, lat's go shopping!"-Pumunta na kami paalis ng subdivision saka naghintay ng dyip. Nang makasakay na ay nagbayad na kami sa driver. Nang makarating na sa mall ay nag usap-usap muna kami.
"Ano, sabay-sabay o kanya-kanya?"-Tanong ni Joe.
"Op! Dalawa kami ni Avah magkasama, punta kaming bookstore at ewan ko"-Andy.
"And yeah! Dalawa naman kami ni Zanea kung saan may connection ang music at musical instruments"-Jane.
"Kami naman ni Hope ay sa bookstore din, maghahanap ng mga gamit na may connection sa arts"-Alex.
"Kami naman ni Xia ay pupunta sa dep. Store. Ah basta! Kahit saan!"-Sabi naman ni Ann.
"Kami namang mga boys eh sa NBA store"-Sabi naman ni Zach.
"Ok basta around 6:30 p.m. magkita kita tayo ulit dito"-Suggest ni Joe.
"Ok deal"-Matapos nun ay nagsi-alisan na kami.
***
"Grabeh Jane oh. Andaming magagandang gitara"-Sabi ko.
"Oo nga eh. Bilhin ko nalang tong white. Tas bibili lang ako ng pick. Bili na din ako ng guitar tuner"-Tumango lang ako.
"Nga pala Jane, maghahanap lang ako ng sakin"-Tumango lang siya sakin at nakipila na. And finally! Nahanap ko na ang perfect guitar. Color black siya tas perfect size lang sakin. Kinuha ko na yun tas pumulot na rin ng guotar tuner, etc. Matapos nun ay nakipila na ako tas binayaran lahat-lahat.
6:30 p.m.
Saktong 6:30 p.m. na nang makarating kami sa rendezvous namin. Saktong andoon na ang mga girls tas paparating na din ang mga boys.
"Ok basta, bukas ha? Yung birthday ko"-Nag-oo lang kami sa kanya. Haha, di niya alam, may regalo kaming binili para sa kanya.
며소ㅐㄱ'ㄴ ㅜㅐㅅㄷ:
꼬무ㅏㄴ ㅔㅐ! Haha, jwk! Sabi ko, thanks po! Ah! Excited na ako kung anong gagawin ni JB! :P Komting tiis na lang, malapit na!
Choose:
A) JB
B) Zach
Remember, may prize ang makakahula. Haha! :P
Hashtag/s of the day:
#Quiz
#25/30
#Mall
#GuitarAdios!

BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.