33. Always be my friend (Partly Edited)

119 8 0
                                    

Ann's POV

Maka grouphug naman ang mga 'to, parang mga first timers.

Napatawa ako sa nakita ko sa aking peripheral view. Tsk! PDA!

May observations ako sa kanila, ha? Sina JB at Zanea, laging naghihiraman ng mga gamit. Lalong lalo na ang cp. Para daw malaman kung may tinatagong sikreto sa isa't isa. FYI, mag 1-1 month pa lang sila.

Sina Zachary at Hope naman, ganun pa rin. Si Zach, super cheesy. Feeling naman niya na sila na. Well, feeling lang niya 'yun. Masyadong feelingero. Itong si Hope naman, kahit na ang cheesy cheesy at ang corny corny, nagblublush at nagagawa pa ring makilig.

Itong dalawang 'to, pa-PDA masyado. Siguro ayun lang muna ang observations ko kasi bagohan lang sila.

"Ann"- Tawag sa akin ni Avah. Nakita ko kasi siya sa right side ng peripheral view. Humarap ako sa kaniya at tinaasan ng kilay.

"Excited si Xia. Mag-1-1 na daw, 'di pa tayo umaalis. Baka maclosan daw tayo eh, 10:00 naman ang closing noon. Tapos may curfew pa tayo na 10:00"- Napatawa lang kami ni Avah sa sinabi niya.

"Tara na nga!"- Sumunod naman silang lahat.

"O.A."- Bulong ko kay Xia na nasa tabi ko ngayon na nakaupo sa loob ng dyip.

"'Di woah"- Irap niya sakin. Tinawanan ko lang siya at inirapan.

"Tsk!"- Sigaw ko.

"Why nanaman?"- Tanong nila. Well, uminom lang naman ako ng Vodka kagabi. Nadamihan yata kaya ganyan.

"Masakit ang ulo ko"- Tipid kong sagot at umupo sa bench na nasa harapan ng mall. Hinawakan ko lang ang magkabilang gilid ng noo ko.

"Samahan na kita"- Tumingala ako sa nagsalitang Joe.

"No, it's okay. Mag-enjoy na lang kayo sa loob. Uuwi na lang ako"- Nang tumayo ako ay tinanguan ko silang lahat. Tinaasan nila ako ng kilay na parang tinatanong nila kung okay lang ba talaga. Tinaguan ko lang sila kaya pumasok na sila sa loob. Tumalikod na ako pero nahihilo ako. Sh*t! Tatango-tango pa kasi. Nang tumapak ako ng isang hakbang, sumakit ulit ang ulo ko. Pero kahit na, kailangan kong makauwi.

Humakbang pa ako pero 'di ko na talaga kaya, masakit na talaga. Uupo sana ako sa isang bench kaya lang may nag-alalay sa aking paglalakad - si Joe.

Hindi ko na siya pinansin. Nang makapasok ako sa dyip ay tinanguan ko siya bilang pasasalamat. Umiling siya at pumasok na din sa dyip at umupo sa tabi ko.

"Hindi ka na dapat sumama pa"- Sabi ko.

"Kailangan eh"

"Kaya ko na sarili ko"

"Weh? Eh halos matumba ka na kanina eh"- Hindi ko na siya pinansin at sumandal na sa upuan ng dyip. Ipinikit ko ang mata ko dahil malayo pa ang subdivision namin. And the worst thing ever happen, yung babagsak ang ulo mo. Iniling ko na lang yun at inayos na ang sarili ko.

Inakbayan naman ako ni Joe at bumulong.

"Tulog na"- Napatawa lang ako at sumandal na sa dibdib niya. I don't care kung may iniisip ang ibang tao. Basta, he's just my friend. He'll always be my friend.
It felt like 10 minutes lang yata ang byahe at ang tulog ko. Nag kibit balikat na lang ako at pumasok na sa subdivision. Sa paglalakad, may umakbay sa akin, si Joe. Hindi ko na siya pinansin at inakbayan ko na din siya. Parang mag pare lang. Haha!

"Naks. Bait today"- Sabi ko at sinuntok ng mahina ang dibdib niya.

"Tsk!"- Ngumisi lang siya at tumawa. "Ano bang nangyari? Bakit masakit ulo mo ngayon?"

"Vodka"- Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Nasobrahan?"- Tatanguan ko san siya kaya lang, itinigil niya sa pamamagitan ng pag hawak sa mga pisngi ko. "H'wag kang tumango. Sasakit lang iyang ulo mo. Oo o hindi or Yes or no lang"

"OK?"

"At OK"

"OK"

"Dito na"- Sabi niya nang makarating na kami sa bahay.

"Thanks, ha?"

"Papasok ako"- Napangisi lang ako at tumawa ng sarkastiko.

"Ay. Haha. Thanks, ha? Punta ka na kaya sa mall"- Irap ko sa kaniya. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Wow! As in wow! What's funny and, bakit kailangan na guluhin pa ang buhok ko. Not funny.

"What's funny?"

"You. You're funny"

"What?"- Sa halip na sumagot ay nag kibit balikat lang siya at nag doorbell. Naguguluhan ako sa lalaking 'to. Sobra.

"Napaaga kayo?"- Tanong ni mommy nang makita kami ni Joe sa salas.

"Masakit po ulo niya kaya sinamahan ko"- Ngumuso lang si mommy.

"'Di mo na dapat sinamahan 'yan. Nag-eenjoy ka na sana sa time zone ngayon"

"See"- Sabi ko kay Joe. Umiling lang siya at tumawa.

"Magpapalibre po kasi mga yun"- Tumawa lang doon si mommy.

"Sige. Ipapacheck-up ko lang si Shenna, ha? Mag meryenda na din kayo. May binake akong cupcakes"

"Okay. Thanks"- Sabi ko at hinila si Joe.

"Thanks tita"

"Thank you din, Joe. Nga pala. First aid kit's under the table. Pinaglaruan ni Shenna nung pinapainom ko siya ng gamot"- Tinanguan lang namin si mommy. Ganun din ang ginawa niya at pumunta nasa taas para kunin si Shenna.

"Hey"- Bati sa amin ni ate Jie. Kumakain siya ng cupcake samantalang si kuya Vincent naman ay nagluluto.

"Hellers!"- I replied.

"Oh. Ba't andito kayo?"- Tanong ni kuya Vincent nang tumalikod siya.

"Masakit ulo ko. Sinamahan niya ako. No more questions, kakain na ako"- Tipid kong sagot.

"Naks! Rhyming"- Sabi niya tsaka bumalik na sa pagluluto niya.

Umupo na kami ni Joe sa kitchen table at kumuha ng tig-isang cupcake.

"Anong niluluto nu'n?"- Tanong ko.

"Dinner. Para daw maaga eh, baka lumamig"

"'Di magmicrowave"- Singit ni kuya.

"Arte. Pwedeng painitan na lang"- Nakangising tanong ko.

"Pwede naman"- Tatango-tangong sabi ni kuya Vincent.

"Tsk!"- Irap ko sa kaniya.

"Iwan na namin kayo"- Biglang sulpot ni mommy na binubuhat si Shenna.

"OK po. Ako na po magsasara at magbubukas ng gate"- Presenta ni Joe. Napatawa lang si mommy at tumango.

"Thank you, Joe"- At tuluyan na silang umalis.

"Hmm? Parang, parang may gusto yun sa'yo"

Author's note:

Hashtags of the day:

#AlwaysBeMyFriend
#ParangMayGustoYunSayo
#TulogNa
#Vodka
#Mall
#FirstTimers
#Sarkastiko

Naks! Haha! Charott! Walang kuryente at walang ganang magreview today. Haha! Bye!(Sat, 29 0ct. 2:42 pm)

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon