52. Weird

87 6 0
                                    

Andy's POV

"Kevin!"- Tawag ko sa kaniya.
Pagkasigaw na pagkasigaw ko ng pangalan niya ay lumingon siya.

Nakita ko ang pagtaas niya ng kilay. 'Di naman kasi siya kalayuan kaya nakikita ko pa rin ang mga reaksiyon niya.

Lumapit ako sa kaniya habang hawak-hawak ang bracelet na nakita  at napulot ko.

"Sayo ba 'to?"- Sabi ko habang nakataas ang kamay ko na hawak-hawak ang bracelet.

"Ah, oo!"- Sabi niya at hinablot ang bracelet.
Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko lang kasing malaman kung bakit siya nagmamadaling kuhanin yun, I mean, hablutin pala.

Ewan ko ba. He's such a weirdo. Kanina, ang seryo-seryoso. Tapos ngayon, parang umaacting lang siya na okay at nagmamadali.

"Na wei-weirdan ka ba sa akin?"- Napatawa ako.
He ruffled my hair and pinched my nose kaya pinalo ko yung kamay niya.

"Tsk! Itigil mo nga iyan!"

"Haha okay, sorry"

"Oo, sobra"- Sagot ko naman.
Napatawa naman siya sa sagot ko.
Eh? Hahahahaha!

"Pagpasensiyahan mo na rin ako kung minsan, ah? Minsan kasi umaatake ang kabaabnormalan ko"- Parehas kaming natawa sa sinabi niya.

"At nagawa mo pa talagang asarin ang sarili mo, ha?"

"What? Atleast I'm telling the truth"- Sabay taas-baba pa niya ng kilay.
Natawa na lang ako at napa-irap.

"Okay. Sabi mo eh"- Pareho kaming natawa.
Ewan ko ba dito. Pati rin pala sa akin. Ewan ko sa amin. Tawa lang kami ng tawa. Hay.

"Nga pala, Kevin. Bakit lagi tayong tawa ng tawa?"- Natawa nanaman kami.
Kailan ba aalis ang tawa sa mga bibig namin? Sabagay, galing din naman iyon sa tiyan.

"Hahaha! Ewan!"- O diba? Tumawa nanaman.

"Eh? Alis na ako, ha? Baka ma-late pa ako. Opp! H'wag tatawa!"- Pustahan tayo, tatawa nanaman ito kahit na sinabi kong h'wag na siyang tumawa.

"Sorry but I can't. Hahaha! Sige, ingat!"- Sabay salute pa niya.
Oh diba? Sabi na kasi sayo, eh. Haha! Tatawa pa?

"Oh siya, ingat ka rin"- At tuluyan na akong tumalikod at nag simula nang maglakad.

"Uhh... Andy!"- Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya sabay hawak sa straps ng backpack ko.

"Yes?"

"Ano, umm... Thanks pala kanina, ah! Mabuti na lang at nakita mo itong bracelet!"- Sabi niya sa akin ng pasigaw sabay taas ng bracelet.
Oh baka sabihin niyong ang bastos niya para sumigaw. Eh kasi naman medyo malayo na distansiya namin, eh.

"Ah! Wala yun! Tsaka walang anuman! Sige, ba-bye!"- I said as I wave goodbye.

Tinanguan niya ako at tumalikod na siya. Napangiti na lang ako habang pinapanood siyang maglakad palayo. Umiling na lang ako at naglakad na rin. Baka ma-late pa ako eh.

Habang naglalakad ay may naramdaman akong parang sumusunod sa akin pero di ko na lang yun pinansin. Hanggang sa may tunabi at umakbay sa aking lalaki.

"Ikaw lang pala"- Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.

"Tsk! Di ako makapaniwalang pinagkakamalan mong kidnapper itong napakagwapo kong mukha"- Tinulak ko siya kaya napalayo siya ng konti.

Kahit na walang emosyon pagkakasabi nun, alam ko namang nangtritrip nanaman yun. Nang maka recover na siya ay bumalik siya sa tabi ko pero di na niya ako inaakbayan.

"Psh! Asa ka pa! Feeling mo namang napaka gwapo mo! Hay. Ang epal nga naman kasi talaga"- Hinawakan niya ang dibdib niya.
Kunyare daw nasasaktan siya.

"Ouch naman!"- Inirapan ko na lang siya at inunahan na siya.
Tss. Drama drama pang nalalaman eh. Wahahahahahaha! Zachary talaga.

***

"Okay. That's all. You may now go"- Sa wakas at tapos na rin ang huling subject namin - English.

Nag-unat muna ako bago ayusin ang bag ko para makaalis na.
Habang ipinapasok ang notebook ko sa loob ng bag ay may kumalabit sa akin. Nilingon ko siya at si Avah lang pala yun.

"Hmm?"

"I just wanna say na, sa bahay na lang tayo mag-usap tungkol sa project"- Tinanguan ko naman siya tsaka isinara ang bag ko.

"Okay, sige"- Sabi ko.

"Uhmm, ano. Mauna ka na lang sa parking lot. Ibabalik ko pa kasi ito, eh! Thank you rin pala sa paghahanap nito kanina!"- Sabi niya habang itinataas ang librong pinapahanap niya kanina.

"Haha. Okay, sige. Welcome. Una na ako"- Sabi ko sabay suot sa bag sa likod.

"Sige, sige. Bye!"- Kumaway na lang din ako at umalis na sa room.

Habang naglalakad papunta sa parking lot ay nakita ko sina Deric at Alex na naghahabulan sa di kalayuan.
Tsk! Ang iisip bata naman nung mga yun! Wahahhahaah! Peace naman sa kanilang dalawa. Hahahaha!!!

Pagkarating ko doon sa tapat ng FORD ECO SPORT ni Avah ay nakita ko sina Jane at Wayne na nagkwekwentuhan habang nakasandal sa CHEVROLETTE SAIL ni Wayne. Lumapit ako sa kanila.

"Enebe. An sweeeeet!"- Salubong ko sa kanila. Tumawa ang dalawa tsaka bumati.

"Hi, Ands! Napapansin ko lang, bakit di mo ginagamit yung Chevrolette Camarro mo?"

"Haha! Finull pa ang brand. Tinatamad kasi akong maglabas sa garage eh. Pero sige, gamitin ko na simula bukas"- Sabay-sabay kasi naming binili ang mga sasakyan namin nung isang linggo eh.

"Haha. Nga pala, hinihintay mo si Lou?"- Tanong ni Wayne.

"Oo. Mamaya pa ba kayo uuwi?"- Tanong ko.

"Hindi na. Mag convoy na lang tayo"

"Sige"- Sagot ko naman kay Wayne.

"Oh, ayan na mga mokong!"- Sigaw ni Wayne na nagpatawa sa aming lahat.

Tsk! Wahahahahaha! Naka shades pa kasi sina Zachary, at Deric. Kasunod naman nila sina Hope, Alex, at Avah. Ewan ko ba sa mga ito. Parang daig pa nila ang kaangasan ni Lucas Yoo eh. Hahaha. Pero siyempre, mas gwapo pa rin si Song Joong Ki. Wahahahahaha!!!

"Anong meron at daig niyo pa si bigboss?"- Natatawang tanong ko.

Wow! Pa-cool ha? Tinanggal pa ang mga shades tsaka ako inirapan.

"Alex, tara na sa Ferrari ko"- Sabi ni Deric sabay akbay kay Alex at umalis na.

Buwahahahaahah! Ayos din ng mokong na iyon eh ano?

"Hope. Sakay ka na rin sa Lamborghini ko"- Sabi niya sabay hawak sa kamay ni Hope.

"Feels namang sila na"- Pagpaparinig ko.

Hays. Feeling naman niyang girlfriend na niya yung kapatid ko. Pero sa kaniya naman ako boto. Wahahaha!

"Hay. Halika na nga Ands!"- Sabi naman ni Avah.

"Sige. Tara na!"- Sabi ko sa kanilang lahat.

A/N

#Weird
#Tawa
#Kevin
#ThankYou
#Bracelet
#Chevrolette
#Ford

Yeah! Hahaha! Any other cars na alam niyo? Hahaha please comment below!! Cause I need it po! Hahaha TY! Mwaaaah!

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon