Ann's POV
"Parang may gusto 'yun sa'yo"- Bumungisngis lang ako at tumawa ng malakas.
"What?"- Tanong ni ate Jie na tumatawa pa.
"It's just... Para bang... AHAAHHAAH!"
"Anong problema dun?"- Tanong ni kuya. Todo tawa, iling, qt gestures ako.
"Nothing. Ano lang... siya? May gusto sa'kin? Oww! C'mon! Are you serious!?"- Tanong ko habang tumatawa.
"Ay, haha! Oo nga. Parang nga lang 'diba? Parang!"- Sarkastikong sabi nila ate at kuya.
"Hey!"- Napatahimik kami nang dumating si Joe. Bumalik ako sa pagkain, bumalik sa pag-inom ng juice si ate, at bumalik sa pagluluto naman si kuya.
"Uhh? Hi!"
"Hello?"- Naguguluhang sagot ni Joe.
"Wala"- Sagot ni ate Jie.
"Okay ka na?"- Tanong ni Joe sa'kin. Magsasalita sana ako pero napatikom ulit ako dahil nagsalita si kuya Vincent.
"OK na 'yan! Ang hyper, hyper eh!"- Inirapan ko lang siya kaya napatawa si kuya.
"Duh!"- Naghairflip pa ako bago kumuha ng baso ko.
"Ayaw mo yatang magmall?"- Binilisan ko ang pag-inom ng juice para masagutan si Joe.
"Nope. Masakit talaga ulo ko nun"- I replied.
"Pabalik balik? Ganern?"- Tanong ni ate.
"Oo. Pabalik balik"- Sagot ko.
"Hugot!!!"- Biglang sumigaw si kiya Vincent. Psh. Di woah.
"Oh. Pagbibigyan na kita. Anong hugot 'yan para mapakinggan namin"- Sabi ni ate.
"Buti pa ang SAKIT SA ULO, pabalik-balik. Eh ikaw na minahal ko, hindi man lang bumalik"- Bumungisngis lang si ate pero tumawa kami ng malakas ni Joe.
"Psh. Bakla. Hugotera"- Pang-aasar ko.
"Babae lang pwede?"
"'Di naman"
"Naman pala"- Inirapan ko lang siya.
"Wow, ha? Sakit sa ulo yung kontrabida?"- Tinanguan lang ni kuya si ate. Wow! As in supercalifragelisticexpialidocious! Grabs! Ano daw!? 'Di qko makarelate.
"Ha?"
"Wala"
***
Patulog na ako nang biglang pumasok si Deric sa kwarto ko. Ang respectful, ano? 'Di man lang kumatok.
"Oh? Anong kailangan mo?"
"Wala. Naks! May hatid hatid pang nalalaman si Joe!"
"'Di sa kaniya mo sabihin, h'wag sa'kin"
"Sungit!"- Ayun lang ang sabi niya tsaka umalis na sa kwarto ko. Nawala na ang antok ko kaya kinuha ko ang libro ko. The Love Project. Ang ganda kasi ng story. As in! Pang-anim na beses ko na yatang binasa 'to.
Nang matapos na ay lumabas ako sa bahay at nagpahangin. Pumunta ako sa porch at umupo sa sofa. Tinignan ko ang oras sa phone, 11:30 na. 'Di pa ako inaantok, dito na muna ako. Naglakad ako papunta sa garden namin. Naka-off na ang ilaw ng kwarto ni Xia. Sa left side naman, ganun din. Off ang ilaw ng kwarto ni Jane.
Napabuntong hininga na lang ako at nagkibit balikat. Naglaro lang ako sa phone ko.
Lowbatt na ako at 2:45 na. S*et! Quarter to 3 na pero 'di pa rin ako inaantok. Bwisit kasi 'yang Deric na 'yan. Kung 'di yan pumasok malamang, tulog na ako ngayon. Pumunta ako sa garden. Mahangin. Peaceful. Hmm...
(Everything went black)
*Ding dong*
Nagising ako nang may nagdoorbell. Pumunta ako sa gate at nakita ko ang pagmumukha nila Xia, Jane, Alex, Avah, Andy, Hope, at Zanea.
"Hmm?"- Tanong ko habang kinukusot ang mata ko.
"4:00 na. Jogging tayo"- Tumango lang ako at pinapasok sila.
"Wait lang"- Umakyat ako at kinuha ang jacket ko. Naka-jogging pants kasi ako nang natulog ako. Kinuha ko na din ang mp5, headphones, at pera ko. Maluwag naman bulsa ko kaya kasya ang mp5.
Pagbaba ko ay tinanguan ko sila. Senyales na aalis na kami. Sinuot ko ang medyas at rubbershoes ko. Okay na.
"Bakit galing ka sa backyard niyo?"- Tanong ni Xia.
"Sa garden ako natulog. Masakit ang katawan ko sa bench kaya humiga ako sa damuhan"
"Woah"- Namamangha nilang sagot. Nagpamusic na ako at nagsimula ng magjogging.
Pagsapit ng 6:30, nagbreakfast kami sa isang cafè.
"Grabe. Sa garden ka talaga natulog?"- Sinamaan ko ng tingin si Xia at umasta na parang sasapakin ko siya.
"Oo nga"
"Okay"- Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagkain.
Nakayuko akong naglalakad pauwi. Sinisipa ko din ang mga maliliit na bato na nadadaanan ko.
"Problema mo?"- Inilingan ko ang tanong ni Avah.
Pagdating sa bahay ay bumungad ang mukha ni Shenna na naka mask pa.
"Hi babe"- Bati ko sa kaniya at binuhat siya.
"Hi, ate"- Naki-apir pa siya.
"Bakit ang aga mong gumising?"
"Ubo"- Naintindihan ko na siya. Dahil sa pag-ubo niya, nagising siya. Hinalikan ko lang ang noo niya at binaba na siya. Nakikipaglaro kasi siya kay kuya Vincent.
"Kuya!"
"Opp?"
"Si ate?"
"Nagluluto"- Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa bahay. Agad akong dumeretsyo sa kusina at nadatnan si ate Jie na nagluluto. Kumuha ako ng baso at kumuha ng tubig. Uminom ako pag-upo ko sa kitchen table.
"Bakit wala ka sa room mo kagabi?"
"Bumaba ako"- Tinanguan lang niya ako. "Why?"
"Chinecheck ko kayo after 2 hrs. ng time na sinasabi niyong matutulog na kayo"
"Oh. Nga pala, why don't you live here na, ate?"- I asked.
"Malayo ang school, eh"- Tinanguan ko lang siya.
"Buti 'di ka nalalate, te"- Sabi ko.
"Kaya nga, eh"- Sabi niya at inilapag na ang mga pagkain sa kitchen table. "Kumain ka na?"- Tinanguan ko lang siya bilang sagot. "Okay then. Tawagin ko lang si Deric"
"Ako na po"- Sabi ko sa kaniya at nginitian siya. Nginitian lang dun niya ako.
*knock knock*
Mabuti naman at binuksan ako agad ng pintuan nitong si Deric.
"Oh? Bakit?"- Sabi niya habang humihikab at kinukusot pa ang mata.
"Kain na"- Tipid kong sagot. Tinanguan lang niya ako kaya pumunta na ako sa kwarto ko.
Naligo at nag-ayos lang ako. Pagsapit ng 8:30 ay nag-online ako sa fb. Wow! As in wow! 25 friend requests, 156 messages, and 85 notifications. Ugh!
Dinelete ko ang mga requests ng mga taong 'di ko naman kilala. Nagbasa lang ako ng messages at nagview ng notifications. Psh. Pacomment comment pa si Deric ng 😎. Tsk!
Mago-out sana ako kaya lang may nag friend request sa'kin.
Halos my jaw dropped nang makita ko 'yun.
*******
A/N
Hashtags of the day:
#Hugot
#ParangMayGustoYunSayoBrownout at boring (Sat, 29 Oct 10:15 pm)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.