Jane's POV
Pagdating ko sa table ni pres, inilapag ko agad ang mga papel.
"Pres"- Agad naman siyang lumingon sa akin. Pati na rin si Andy at ang iba pang nga officers ay lumingon.
"Oh, Jane. Andito ka na pala. Bakit?"
"Uhh, itong mga papers, ipinapasa ko na"
"Ah sige. May gagawin ka pa?"
"Ah meron. Magpreprepare lang kami at magprapractice. Pagkatapos ay magdedecorate na kami ng booth namin"
"Sige, sige. Goodluck na lang"
"Thanks pres"
"Geh"
"Bye!"- Paalam ko sa kanilang lahat.
"BYE!"- Pagkalabas ko ng student council ay dumeretsyo ako sa students park.
"ICEY!"- Sigaw ko.
Tumakbo ako papalapit sa kanila.
Tinanguan niya ako nang makarating ako doon.
"Oh, I see. So, ano? Practice na?"
"Game!"
"Kunyare ang nirequest nila ay rock n' roll"- Pumunta na agad sa harap sina Jezz at Yna.
"Good. Buti alam niyo na ang mga genre niyo"
"Of course"
"Haha"- Napatawa na lang ako.
"HAHAHAHAH!"
"So, practice na lang kayo sa mga bahay niyo. Gawin na natin yung booth"
"Okay!"
Nang mailabas na namin ang mga gamit na kakailanganin namin para sa booth, nagsimula na kaming mag-ayos.
"Jane!"- Lumingon ako para tignan ang sumigaw.
Si Avory pala. Ang leader ng We the brave warriors.
"Tulungan na namin kayo. Tutal, dito naman kami naassign"
"Geh, ito yung plan"
After kong sabihin ang plano, ginawa na namin iyon. Kinuha ko yung upuan para tumaas ako. Ikinakabit ko na ngayon yung disco ball sa taas.
"Uh-oh! Ahhh!!!"- Na out of balance po kasi ako!!!!!! Ipinikit ko na lang yung mga mata ko.
Umm? Diba dapat nasa sahig ako ngayon? Bakit parang 'di naman ako nahulog?
Idinilat ko ang mga mata ko.
0/////0
Hala! Sinalo pala ako ni Wayne. Nakakahiya. Ang bigat ko pa naman. Agad akong tumayo.
"Uh, sorry and thank you"
"Okay lang. Tsaka you're welcome. Isa pa, mag-iingat ka next time"
"Ah, okay. Ikaw rin"
"Papano? Alis na ko, ha?"- Tinanguan ko naman siya.
Tinanguan din niya ako at umalis na. Naramdaman ko namang lumapit ang mga kasama ko rito kahit naka talikod ako. Lumingon naman ako at pumalakpak.
"Back to work!"- Sabi ko.
Hmm? Sabing back to work wala namang gumagalaw.
"Uyy!"- Sigaw ko sa kanila.
Kung naka "tulala face" sila kanina, ngayon naman ay unti-unti silang ngumiti.
"Back to work sabi!"- Ang huling sinabi ko naman ay medyo tumawa ako.
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.
