JB's POV
Grabe naman! Andito na si Zach! Alam niyo, hindi naman sa nabwibwisit ako kay Zach kundi medyo lang naman. Alam niyo kasi, aasa nanaman kasi si Zanea na baka magustuhan siya ni Zach, na baka magkaroon ng chance na masolo niya si Zach. Bakit ba naman ganoon? Bakit siya pa? Pwede namang ako diba? Hay nako!
"Excited na ako grabe"
"Excited saan?"
"Siyempre sa mga hangouts. Ano ka ba naman"
"Alam mo Zanea, baka mabanggit na yan ni ma'am mamaya"-Oo, tama kayo.
Kasama ko si Zanea ngayon. Andito kami sa pool area. Nakaupo kami ngayon sa bleachers at nagdadaladalan. Buti na lang at pumunta sila ni Avah(bestfriend niya), Wayne, at Alex sa isang cafiteria.
"Sana nga"-Sagot naman niya.
"Nga pala, san ka ba sasali?"-Tanong ko sa kanya.
"Musician's hangouts"-Sagot naman niya. Tumango naman ako bilang sagot. "Ikaw?"-Tanong niya sakin.
"Siyempre, san pa ba?"-Sagot ko habang medyo natatawa.
"Ah, oo nga pala. Sorry"-Sagot niya habang nakapeace sign. "Anong oras na?"-Dagdag pa niya.
"11:52"-Sagot ko naman. Oo, 11:52 na ang oras. Uso yata kasi ngayon ang EARLY dismissal.😒 nagpalinis pa kasi si ma'am ng classroom! Kainis!
"I'll take a nap muna"-Tumango lang ako bilang sagot. *rememberd something* Ah, oo nga.
"San ka matutulog?"-Tanong ko.
"Pool area to diba?"
"Oo"
"Edi dito sa bleachers"
"Sure ka?"
"Oo"-At ayun na, natulog na si Sleeping Beauty-Super Beautiful. Wait lang, parang may naaalala ako.
*Flashback*
Nasa may rooftop kami ni Avah. Rooftop ng mall. Habang kumakain ng tsitserya ay nagdadaldalan kami.
"Lou, may sasabihin ako sayo"
"Ano?"
"Diba nga, si Zan ang girlbestfriend ko"
"Oh, tapos?"
"Tuwing lagi kaming magkasama o kapag dalawa lang kami ang magkasama, nahuhulog ako sa kanya"
"What?"
"I'm falling for her"-pabulong kong sabi pero alam ko namang dinig niya yon dahil sa nagpipigil siya ng tawa.
"Then?"-Sabi niya na medyo natatawa pa rin.
"Nagseselos kasi ako kay Zach. Siya kasi ang gusto niya eh. Sabi pa niya, hanggang mag 'bestfriends' lang daw kami".
"Oh, I see"-Sabi niya pero seryoso na siya. "Know what? I also felt that before. But then, I realized that..."-Tinaasan ko siya ng kilay. Nagbuntong hininga muna siya bago ituloy ang sasabihin niya.
"...I realized that he's not the right guy for me. Pero realize nga ba, or pagkakaalam lang?"
"Ayun nga eh, ayun ang problema"
"See, just. Just go with the flow. Sumabay ka lang sa agos. Maghintay kang malaman mo kung siya nga ba o may naghihintay talaga diyan sa isang tabi na alam niyang balang araw, magiging kayo din"
"Ha? Ba't ang gulo"
"Magulo talaga yan sa una. Pero sa huli, magiging malinaw din ang lahat"
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.