87. Sweet Summer Vacation (Part 2)

150 6 0
                                        

Wayne's POV:

"Sige, tuturuan kita." Sabi ko kay mi amour.

"Pero mi amour, natatakot ako." Nanginginig niyang sambit. Umahon ako mula sa 5 feet pool at niyakap siya. Niyakap rin niya ako pabalik. Nang kumalas na ako ay hinay-hinay kong hinawakan ang magkabila niyang braso.

"Mi amour, tignan mo ako sa mata." Sabi ko at sinunod naman niya. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at saka siya kinausap muli.

"H'wag kang matakot ok? Andito lang ako. Sasaluhin kita kapag tatalon ka. Babantayan ka kapag lumalangoy ka. Aalalayan kita pag aahon ka na. At higit sa lahat, ililigtas kita kapag malulunod ka. Naiintindihan mo ba iyon?" Napatango na lang siya kaya nginitian ko siya at tumalon na sa tubig.

Dahil 5 feet lang ito, lampas ako sa pool kaya nakatayo ako.

"Gawin mo ang sasabihin ng mi amour, ok?" At napatango ulit siya. I stretched my arms forward so that I can catch her after she jumps.

"Tatalon ka pagkatapos ng three, ok?"

"Ok."

"I, 2..." Sinalo ko siya agad nang itulak siya ni JB.

Ramdam ko naman ang takot niya nang mahigpit na mahigpit siyang yumukap sa akin. Gamit ang aking kanang kamay, nayakap ko siya pabalik at hinaplos ang kanyang buhok.

At gamit naman ang aking daliri sa aking kaliwang kamay, dinuro ko si JB tsaka sinigawan.

"Bakit mo ginawa yun?! Sa mismong kapatid mo pa?!" Nanggagalaiting sigaw ko. Padilim na at kaming barkada na lang ang nasa 5 feet pool.

"Ano nanaman to?!" Sigaw ni Zanea papalapit kay JB at nakatingin sa akin.

"Eh yang boyfriend mo na naman kasi, itinulak niya ang kapatid niya papunta rito sa pool. Hindi ba niya alam na hindi siya marunog lumangoy?! Oh, sabihin na nating mas matangkad siya kaysa sa swimming pool na ito ngunit paano kung nagkamali siya ng bagsak?! Nadulas?! Nauntog?! Nabagok?!"

"JB! Ano nanaman ba kasi yang kalokohan mo, ah? Hindi ba't sinabi ko nang h'wag kang gumawa ng kalokohan ngayon unless buong barkada ay umagree? Diba dapat positibo ang lahat?" Tanong ni Zanea sa boyfriend niya. Huh? Dapat lang niyang tanungin yang lalaking yan! Niyakap ko si Jane ng mahigpit na mahigpit gamit ang dalawa kong kamay ngunit kay JB pa rin ako nakatingin.

"Eh paano matututo iyan kung lagi na lang siyang binabantayan?" Tapos tinuro pa niya si mi amour.

"Baliw ka na ba?! Hindi pa siya na-expose kaya ganiyan!" Sigaw ko. Natahimik naman si JB.

"JB..." Ang sabi ni Zanea habang nakakrus ang mga braso niya.

"B*tch, sor---"

"Sila muna ang hingian mo ng paumanhin. Magsorry ka kay Jane dahil tinulak mo siya. Magsorry ka kay Wayne dahil pinakaba mo siya. Magsorry ka sa buong barkada dahil sa kalokohan mong ginawa. At magsorry ka rin sa akin mamaya. Ikaw naman Wayne, magsorry ka kay JB dahil sa pagsisigaw mo sa kanya." Tinaasan ko naman ng kilay si Zanea at saktong dumating ang kapatid ko at tumabi kay JB.

"She's right. You should say sorry sincerly to JB because you yelled at him. You should've talked to him in a nice way."

"Sorry na Wayne, hindi ko na uulitin. Jane, sorry din. Dapat di na kita tinulak pa." Nakipag fistbomb na lang ako at tumango lang si Jane kahit na di niya tinitignan si JB.

"Sorry din, brad."

"Sorry, b*tch." Niyakap naman ni Zanea si JB at hinalikan sa noo.

"I think I should go. I have swimming lessons today with sir A." Natawa na lang kaming lahat maliban kay Jane na nakayakap pa din sa akin. Umirap lang siya bago umalis.

The Love Band (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon