27. Walkout

122 6 0
                                    

Deric's POV

"Alex"

"Hmmm?"- Sagot niya sakin. Tsk! Kainis naman. Andami kong gustong sabihin pero ni isa ay ayaw lumabas.

"Wala"- Sinamaan niya ako ng tingin pero tumango at nagcellphone na. Hay. Nakakahiya. Psh.

"Deric!"- Napalingon ako kay ate Ariana.

"Bakit po?"

"Pumogi ka ah"- Napatawa na lang ako. "Hoy Zach!"- Sigaw ng pinsan niya.

"Owww!?"

"Dito na muna tayo!"- Bilang masunuring bata, sumunod. Paalis na sana kasi yung lalaking yun para mag pa gala-gala nang tawagin siya ni ate.

"Kwento naman diyan"- Sabi niya.

"Mauna na muna ang mga loko"- Napa"Tsk!" Na lang si ate Ariana.

"Hayaan niyo na 'yan. Zanea, JB. Pakwento naman ng love story"- Napatawa naman kami pero nagblush lang ang dalawa.

"Avah. Pakwento nga"- Tinaasan naman siya ng kilay ni Avah. Ngumuso lang siya at para bang tinuturo ang dalawa. Napaayos naman siya ng upo.

"OK. Gan'to kasi yun. Si boy, nagpatulong sa amin na gumawa ng plano para masabi kay girl na "Gusto kita. I'll court you mabasted man ako o hindi" blah blah. Tapos itong si girl naman, si playboy ang gusto. Tapos nagmove on si girl dahil alam niyang si Pag-asa ang gusto ni playboy. Kaya ayun. Hanggang sa narealize ni girl na gusto na din niya si boy. Tapos umamin si boy kay girl sa beach, inamin din ni girl na gusto niya si boy, nangligaw si boy, umoo si girl, naging sila, pa-PDA, and blah blah"- Ang galing po ng explanation. Palakpakan! Tss.

"Opp. Narinig kong may "Pag-asa" and "playboy". Hmm. Anyaree sa dalawa. Hope and Zach. Pa-explain nga"- Sabi ni ate.

"Sapakin kita. 1, 2, thr---"

"Inamin ko sa kaniya tapos umamin din siya sa akin. Tapos hindi ko siya niligawan pero mag mu lang kami. Happy now?"- Tipid na pagpapaliwanag ni Zach. Nagblush naman ang dalawa. Tsk.

"Ohhh. OK"- Sagot naman niya.

"Andre. Single ka pa pero alam kong may crush ka. Pashare"- Sabi ni ate.

"Uhh... umm... ano... ah s-si... ah..."- Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Okay na 'yan Drey. Next time na lang. Kahit sila na muna"- Napabelat naman si Andre. Hay. Baliw. Bigla namang may binulong ang pinsan niyang si Zach. Napatawa naman siya ng malakas.

"Talaga?"- Paniniguro pa niya. Napatango lang si Zach tsaka umupo sa tabi ni Alex.

"OK. Di niyo kasi sinabi. Psh"- At nagpipigil pa siya ng tawa.

"Deric! Umamin ka nga. Sinong crush mo"- Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Napatawa naman ang lahat maliban kay Alex. Sinamaan ko ng tingin si Zach. Pasalamat siya at bahay ito ng tita niya kung hindi. Hay.

"Aamin na yan! Aamin na yan!"- Sunod-sunod pa nilang pangloloko.

"Oo na!" "Si Alex na"- Kahit napabulong ko yun sinabi, alam kong narinig naman niya yun. Pinanlakihan ako ng mata eh.

"Hahahahhahahahaha!"

"Anong nangyayari?"- Tanong ni tita Jianne habang buhat buhat si Axel. Psh.

"Si Deric po kasi eh. Haahhahahha"- Sasapakin ko na talaga 'tong si Zach. Tinaasan pa siya ng kilay ng mommy ni Avory.

"Hay. Kasi nga crush niya po si Alex"- Pag-explain ni ate.

"Hahahahah. Grabe kayo. Gusto niyong manood na muna? Or makisama sa backyard? Pwede din kayong magkwentuhan sa guestroom. Ano?"- Umiling lang si Zach.

"Tita, sa park na lang po kami"- Sabi ni Zach.

"Oh sige. Nga pala. Ang pinunta ko dito ay sabihan kayong nasa taas ang mga bags niyo.
Alam niyo naman na siguro ang mga bags niyo diba? Andun yung mga dinalang damit ng mga parents niyo. Alis na ako, ha?"- Tumango lang kami tsaka siya pinasalamatan. Pag-akyat namin ay nagbihis ang mga girls sa room ni Avory at sa guestroom naman kaming mga boys. Mamamasyal kasi kami eh.

***
Alex's POV

Pagdating sa park ay naggroufie at nagkwentuhan lang kami.

"Guys. CR lang ako ha?"- Paalam ko.

"Samahan na---"

"Ok lang po, ate"- Tumango lang siya saka na ako umalis. Hanap ako ng hanap ng rest room saka ako nakahanap. Matapos magcr ay napatingin ako sa paligid. 0_____0 ₩#@+ +#€ #€££! Nawawala po ako. Hanggang sa nakakita ako ng playground. Makaupo na nga muna. Pag-upo ko sa swing ay may nakita akong isang batang singkit, maputi, at cute na naglalaro sa playground.

"Hi Unnie!"- Unnie. Hmm. Ah! Korean word for ate.

"Know how to speak english?"- Tumango lang siya.

"Where are your parents?"- Tinuro naman niya yun na nakaupo sa bench.

"Thanks"

"You're welcome, Unnie"- Tumango lang ako at lumapit sa parents niya.

"Good evening ma'am, sir"- Ngumiti naman sila sa akin.

"How can we help you?"- Tanong ng babae.

"Can you help me find my way? I'm lost---"

"Daughter of Mr. And Mrs. Mendoza?"- Napatango ako sa lalaki.

"Barkada ko ang dad mo. Bakit ka naliligaw?"- Tanong niya. Napakamot ako sa batok.

"Umm. Naghanap po kasi ako ng cr eh, ito. Naligaw. Pwede po bang patulong pabalik sa main entrance?"- Tinuro lang niya ang daan.

"Yun ang shortcut"

"Salamat po"- Napatango naman sila. Yes!

Sa wakas nahanap ko na sila! Woohoo!

"Why so vagal na vagal?"- Sasapakin ko tong si Xia eh.

"Naligaw"

"Sabi na kasing samahan kita"- Sabi ni ate Ariana.

"Yanna!?"

"Jie!!!"- Nagyakapan pa sila ng  babae. Nang makita kaming lahat, pinanlakihan niya ng mata si Deric.

"Deric?"-  Uhh? Bigla namang tumayo si Deric.

"De---"- At tuluyan na siyang nagwalkout.

"Susundan ko lang po"- Aalis na sana ako pero hinawakan ako sa braso ni ate Ariana.

"Delikado at madilim na"

"Wala po ba kayong tiwala sa akin?"

"H-hindi naman sa ganun pero... pero baka mapahamak ka lalo na at madilim na ang paligid"

"Ate, okay lang po. Baka mapano pa po si Deric. Sundan ko na po habang di pa siya nakakalayo"- Umiling si ate Ariana pero napatingin kami sa babaeng kausap niya kanina nang magsalita siya.

"Samahan na lang kita. Tutal ako din naman ang dahilan. Tara na"- Sabi niya. Tumango na lang ako. Tumakbo na kami. Hindi pa kami nakalabas ng gate pero lumingon ulit ako nang marinig si ate Ariana na sumigaw.

"Alex! Mag-iingat kayo! Tawagan niyo lang kami kung pauwi na kayo para di sila mag-alala dun!"

"Opo! Pero baka di po magawa dahil sa delikado ang daan!"- Napatango lang siya.

"Jie! Ingatan mo 'yang pinsan ko, ha!?"

"Oo!"- Lumingon na kami at hinawakan niya ang kamay ko para daw di kami magkalayo habang tumatakbo.

____________________________________

Author's note:

Hashtags of the day:

#Walkout
#Compliments
#Lost
#Unni

Ahemm! OK. Ayun lang po, babye! Haha. Jwk lang! Ano lang po, masaya lang kahit na brownout. Hehe.

-October 21, 2015
-2:16 p.m.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon