Wayne's POV
Matapos kong saluhin si Jane, dumeretsyo akong nakangiti ng abot tenga papuntang basketball court. Bigla naman akong sinalubong nila Andre at Zach.
"Ayos brad, ha? Dagdag pogi points"- Salubong sakin ni Zach.
Nagsi-akbayan naman kaming tatlo pabalik sa court.
"Papaano mo nalaman?"- Tanong ko sa kaniya nang makarating na kami sa court.
"Balita nitong reporter mo"- Sabay tingin niya kay Neil.
"Uy Neil!"- Nagpeace sign naman siya kaagad nang tinawag ko siya.
Tinawanan ko na lang siya at humiwalay na sa dalawa.
"Uy, brad! Isa pa, iisa lang naman ang dahilan kung bakit ka ngumingiti ng abot tenga"- Dagdag pa ni Andre habang naglalakad kami papunta doon sa bench na inuupuanan ng mga players.
"Peram"- Sabi ko sa isang kasama ko.
Ibinigay naman nun yung bola. Inikot ikot ko lang yun hanggang sa makarating kami sa bench.
"OA mo rin minsan"- Sabi ko kay Andre nang makaupo na ako sa bench.
"Hindi minsan, lagi"- Sabi ni Zach bago siya umupo.
Nagtawanan lang kami doon.
"Psst, Wayne. Ayos nun, ha?"- Sabay upo din niya sa bench.
Nagdribble lang ako - kahit na nakaupo - habang iniisip ko kung anong isasagot ko sa kaniya.
"Uyy, no comment"- Sabay siko pa niya sakin.
"Oww!"- Reklamo ko habang tumatawa.
Tumawa na lang din sila.
Tinignan ko siya habang sumasandal sa poste na nasa likid namin.
"Di wow"- Sabi lang niya tsaka tumawa nanaman.
Ewan ko ba kung bakit niya tinatawanan ang mga nonsense niyang sinasabi. Nakikisabay na lang kami ni Andre para di naman siya magmukhang baliw na tumatawa mag-isa.
"Practice na lang kaya tayo"- Pag-aya ni Andre sa amin.
"Sige, tara"- Ihinagis ko ang bola.
Buti sinalo nung isang kasama ko yung bola. Alam naman na nila kung nagsisimula na kaming maglaro o hindi. Kaya ito, dun nagsimula. Hanggang sa naglalaro na talaga kami.
***
Matapos maglaro ay nagpahinga ako sa student's park. Kung gusto niyo namang malaman kung sino nanalo, siyempre kami nila Andre. Talo sila Zach. Haha! Pero siyempre, practice pa lang naman yun.
Habang nagpapahinga sa student's park, biglang may dumating.
"Wayne"- Ah, si Chloe pala.
"Oh, Chloe. Bakit?"
"Ah, haha. Nga pala, ibabalik ko na yung hiniram kong libro kay Avah. Ikaw kasi yung nakita ko kaya sayo ko na binigay. Pakibalik na lang to sa kapatid mo at pakisabing 'thank you' "
"Ah sige. Makakarating"- Sabi ko habang kinukuha yung libro na pinapabalik niya.
"Nga pala..."- Bigla naman niyang kinamot ang batok niya.
"Bakit?"
"Pakisabi kay Jane na, ano... sorry"
"Ha? Bakit? Ano bang nangyari?"
"Ano kasi, sobrang stressed ako kanina eh, bigla siyang dumating sa Student's council. Pinapabigay niya kay pres yung mga papel na hawak niya. Bigla ko naman siyang natarayan doon"
![](https://img.wattpad.com/cover/82334408-288-k299079.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.