36. Tumbler

102 7 0
                                    

Joe's POV

Pumunta ako sa kwarto ko at isinara ang pinto ng sobrang lakas. Nilock ko ang pintuan saka kinuha ang cellphone ko. Paksh*t naman kasi! Diskarte o buhay ng pinsan mo? Ano!? Atleast ang diskarte, pwedeng maulit eh ang buhay, hindi na pwedeng bawiin, di na pwedeng makuha ulit, di pwedeng bilhin ang buhay, at di rin pwedeng buhayin pa ulit ang taong wala ng buhay. Pero...

... Paano na kung may darating na peste sa buhay?

Paano kung may kalaban na ako pagdating kay Ann?

Tsk! Gusto ko nang sabihin sa kaniya na gusto ko siya kaya lang umaatake ang pagkatorpe ko. Dati nga noong may mga crush ako, 'di ko inaamin. Mga 1 week after ko masasabi. Tapos pag nasabi ko na, pwedeng magustuhan ka nila, pwedeng basted ako kahit wala naman akong balak mangligaw.

Tsk! Ano nanaman ba itong iniisip ko? Psh.

*knock knock*

Bumalik ako sa katinuan nang may kumatok.

"Sino 'yan!?"

"Palock lock pa! Si Dexter 'to!"- Agad-agad kong binuksan ang pintuan at bumungad ang pagmumukha ng pinsan ko.

"Bro---"- Hinila ko na siya papasok at nilock ulit ang pinto. "Woah! Wazzup?"- Sinuntok ko lang ang balikat niya. "Ano nanamang---"- 'Di ko na siya pinatapos at kinuha na ang pagkaing dala niya.

"Ba't andito ka?"- Pinanlakihan niya ako ng mata at tinapon ang unan ko.

"Malamang kasi bumisi---"

"Alam ko. Bakit ka pumunta dito sa kwarto ko?"

"Wala lang. May sasabihin kasi ako"

"Sus! H'wag mo nang sabihin. Alam ko namang bakla ka"

"Kapal mo din ano? H'wag mong sabihin 'yan lalo na't may chicks akong nakita!"

"Sino nanaman 'yan? Sus! One day lang ata 'yan!"

"Hindi! Matagal ko na siyang gusto since umalis kami dito at pumuntang Baguio"

"Eh sino nga"- Lumapit siya sa'kin at bumulong.

Processing...

Teka, teka. Ano!?

"Ano!?"

"What?"

"Lang hiya ka!"- At sinuntok ko pa ang balikat niya.

"Wow! Kanina ka pa, ha!?"- At ibinato niya sa akin ang unan kong isa.

"Bibisita ka na nga dito at papasok ka pa sa kwarto ko ayan ang sasabihin mo! Layas layas!"- Pagtataboy ko sa kaniya.

"Bakit!? Bawal!?"

"Bawal talaga! Layas na!"- At tuluyan na niyang binuksan ang pinto at umalis na. Nilock ko ulit ang pinto at padabog na umupo sa kama ko.

Sa dinami dami ng mga babaeng pwede niyang magustuhan diyan sa tabi-tabi, eh? Bakit si...

Ann pa!?

Tsk! Mahirap na! Wala ngang kalaban mahirap na, may kalaban pa kaya? Sana 'di na lang ako torpe. Pero h'wag namang yung makapal ang mukha. H'wag naman ganoon kasobra! 'Yung 'di torpe lang naman ang hinihingi ko, eh. Ayun lang! Psh.

Pero, paano kung sasabihin ko na kay Ann ang nararamdaman ko para sa kaniya ngayon?

***
Ann's POV

"Gusto mong pumasok muna?"

"H'wag na lang. Hanapin ko na lang si ate mo"

"Sigurado ka?"

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon