Ika-1: Butterfly

20.9K 529 293
                                    

🚩 WARNING: I create weak and flawed female leads with a weak-to-strong development theme. You can back-off now if it's not your cup of tea and don't tell me I didn't warn you.

* * * *

Unang Kabanata
Butterfly

Nasa lugar ako kung saan wala akong kahit anong makikita sa paligid na parang isang madilim na kawalan.

Naglalakad ako. Naglalakad na hindi ko alam kung saan ako patungo.  Nakakapagtaka. Ano bang ginagawa ko dito?

Mayamaya'y may naaninag akong isang bagay na lumilipad sa 'di kalayuan. Napahinto ako upang titigan kung ano ito. Papalapit ito sa akin. At nang malapit na ito, nakita ko na nang malinaw kung ano ito.

Isang paru-paro. Kulay pula ito at may kalakihan. Nakakaakit ang kagandahang taglay nito dulot na rin ng ipinapagpag nitong makinang na pulbos.

Nakatitig lamang ako dito, hanggang sa unti-unti kong ilapit ang kamay ko dito upang abutin.

Abot-kamay ko na sana ito nang...

May naririnig akong maingay. Alarm clock ko pala. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong umaga na. Pero inaantok pa rin ako kaya't tinatamad pa 'kong bumangon. Gusto ko pang matulog kahit five minutes lang. Nang bigla na lang may humila ng kumot ko.

"Charie, wake up. You will be late," sambit ng taong humila sa kumot ko.

"Five minutes na lang, Tita," katwiran ko sabay takip ng braso ko sa mga mata ko.

"Charie..." Nag-iiba na 'yong tono ni Tita.

"Opo. Eto na po," tinatamad kong sagot.

Kahit napipilitan dahil sa antok, bumangon pa rin ako. Bumaba na 'ko sa sala para mag-almusal. Kahit kagagaling ko lang sa pagtulog, pakiramdam ko'y pagod pa rin ako. Kulang pa rin siguro ako sa tulog. Katatapos ko lang kasi mag-review para sa nalalapit naming prelims. Napaka-busy ko pa dahil sa pagiging Vice President ko ng Student Council.   

Tapos ang weird pa ng panaginip ko kanina. 

Mabilis kong tinapos ang morning rituals ko. At nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba sa sala. 

"Tita, I'm leaving!" paalam ko sa kanya. Bago ako umalis ay humalik muna ako sa pisngi niya.

"Take care!" sabi niya sa'kin ng may ngiti. Ngumiti din ako at kumaway sa kanya bago ako lumabas ng pinto. Paglabas ko, sumakay na ako sa kotse na naghihintay sa'kin.

Paglabas ng subdivision, traffic agad.

"Ow, ang aga pa para sa traffic, my God!" angal ko. Napatingin na lamang sa'kin si Mang Bert sa rear-view mirror.

"Okay lang po 'yan, Ma'am. Maaga pa naman," sambit niya.

"Yeah, pero ayaw 'ko pa rin ng traffic," sambit ko sabay kunot-noo at cross-arms. Ang aga-aga mainit na ang ulo ko. Kailangan kong makarating sa school ng maaga dahil magre-report pa 'ko sa Student Council Office. Kaya para maibsan ang pagkabuwisit ko sa traffic, nagpasak muna ako ng earphones sa tenga ko para makinig ng music sa phone ko.

"So love me like you do, la la love me like you do, what are you waiting for?" pabulong kong pagsabay sa kanta.

---

After thirty five minutes, sa wakas, nasa school na rin ako. Ibinaba na lang ako ni Mang Bert sa gate ng school at nagmadali na akong pumunta ng Student Council.

Pagdating ko, si President lang ang nadatnan ko.

"Oh, good morning, Charie!" bati niya sa'kin ng may ngiti. Kinuha ko sa bag ko ang isang bungkos ng papel at ipinatong ko sa table.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon