Ika-55: Calidan's Annual Battle

1.4K 66 1
                                    

Ikalimampu’t-limang Kabanata
Calidan’s Annual Battle

Lumabas na kami ni Alexeus ng arena. Napansin kong tila may iniiisp siya kaya't nagtanong ako.

"Anong nasa isip mo, Alexeus?"

Tumingin siya sa'kin at saka nagsalita. "Sasali ako," sambit niya.

Napakunot ang noo ko. "Ano 'yon?"

"Sasali ako sa taunang paligsahan, Charlotte," sagot niya.

"Pero, paano? 'Di ba isa sa mga magiging panauhing pandangal ang iyong ama? Paano kung kapag nakita ka niya, bigla ka niyang ipatanggal sa paligsahan?" pag-aalala ko.

Nabasa namin kanina sa nakapaskil sa pisara sa tabi ng pasukan ng arena na isa sa mga panauhing pandangal sa nasabing paligsahan ang ama ni Alexeus, si Emperador Acanthus.

"Naisip ko na rin ang tungkol diyan. Kaya't may pupuntahan tayo ngayon," sambit niya.

Kahit nagtataka ay sinundan ko na lamang siya sa kanyang paglalakad. Matapos ang ilang sandali, nakarating kami sa isang tindahan. Nilibot ko ang paningin ko nang makapasok kami rito sa loob at napagtanto kong tindahan ito ng mga armas.

"Ginoo, maaari mo bang ipakita sa akin ang pinakamatibay mong kasuotan para sa labanan?" hiling ni Alexeus sa bantay nitong tindahan.

"Dito po tayo," sagot ng lalaki tapos ay pinasunod niya kami sa kanya.

Pagdating namin sa dulo ng kanyang tindahan ay huminto kami sa harap ng isang bagay na nakabalot sa itim na tela.

Nang hilahin niya ito ay tumambad sa amin ang isang kasuotang pandigma.

"Heto, ginoo. Gawa ito sa titanorium," pagmamalaki niya.

Sinuring mabuti ni Alexeus ang bakal na kasuotan. Hinaplos niya ito, pinitik-pitik, at tinitigan ang bawat detalye, sulok, at anggulo nito.

"Tunay nga," sambit ni Alexeus.

"Titanorium ay ang pinakamatibay na uri ng bakal ngunit ito ay magaan. Ito ang ginagamit sa paggawa ng mga kasuotang gaya nito," dagdag pa niya.

"Kukunin ko ito."

Matapos bilhin ni Alexeus ang kasuotang pandigma, napagdesisyunan niyang iwanan na muna ito roon sa tindahan at balikan na lamang sa araw ng paligsahan. Lumabas na kami at naglakad pabalik ng arena.

"Alam mo bang pangarap ko ang makasali sa paligsahan na iyon?" sambit ni Alexeus.

"Talaga?"

"Oo. Bata pa lang ako ay napapanood ko na ang taunang paligsahan na ito kasama ang aking ama.Labis akong namamangha sa mga kalahok doon. Tunay na mahuhusay at malalakas ang mga mandirigmang sumasali rito. Pinangarap ko 'yon kahit parang imposible dahil hindi maaaring lumahok ang isang maharlika," kuwento pa niya.

"Kaya't ngayong may pagkakataon na 'ko, hindi ko na ito palalampasin pa," dagdag pa niya sabay tingin niya sa mga mata ko at ngumiti.

Namalayan na lang namin na nakabalik na kami sa arena. Agad kaming pumunta sa tanggapan kung saan nagpapatala ng pangalan upang sumali ngunit mukhang magsasara na ito.

"Sandali lang!" awat ni Alexeus na ikinagulat ng lalaki.

"Maaari pa bang sumali?" tanong niya rito.

Tiningnan siya ng lalaki tapos ay binuklat nito ang kanyang listahan. Habang sinusuri ng lalaki ang listahan ay nakakaramdam ako ng kaba at mukhang ganoon din si Alexeus.

Matapos ang makapigil-hiningang sandali ay nagsalita ang lalaki.

"Mapalad ka, ginoo. Pagkat mayroon pang puwesto para sa'yo," sambit nito nang may ngiti.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon