Ikaapatnapu’t-walong Kabanata
The Knight of Fire and IcePatuloy lang ang banggaan ng kanilang mga espada at maririnig mo ang bigat nito sa mga pagkalansing nito kada magtatama ang mga ito. Matapos magbuno ang dalawa gamit ang kanilang mga espada ay mabilis na naglayo sila sa isa't isa.
Pagwasiwas ni Despoina ng kanyang itim na espada ay naglabas ito ng itim na apoy at bumulusok ito papunta kay Alexeus na siya namang sinangga niya gamit ang Flago kaya't nalihis ang apoy at tumama na lamang sa pader.
Si Alexeus naman ang nagwasiwas ng espada at bumulusok rin ang apoy nito papunta kay Despoina ngunit nasangga niya ito ng kanyang ginawang itim na harang. Mabilis na tumakbo si Alexeus papunta kay Despoina. Bumuwelo siya ng talon sabay atake ng espada rito.
Dumaing si Despoina at nakita namin ang hiwa sa bandang braso nito. May kahabaan ang hiwa at patuloy ang pag-agos ng kulay itim na dugo mula rito.
"Magaling ka, ha?" maangas na sambit ni Despoina.
Inilabas ni Despoina mula sa kanyang isang kamay ang latigo niyang gawa sa itim na kidlat. Inihagis niya ito papunta kay Alexeus at pumulupot ito sa Flago na ikinabigla naman nito. Naghihilahan sila ngayon mula sa magkabilang dulo. Kitang-kita ang mahigpit na paghila nila mula sa magkaibang panig, tinitingnan kung sino ang unang bibitaw.
Ngunit mas malakas humila si Alexeus kaya't nadala si Despoina at napaluhod ito sa lupa. Tapos ay pinutol niya ang latigo gamit ang espada niya. Agad namang nakatayo si Despoina at bakas na sa kanyang mukha ang labis na inis.
Mabilis na nakalapit si Alexeus kay Despoina upang umatake ngunit nakapaglabas muli ng espada si Despoina at nasangga ang atake ni Alexeus. Mabigat na nagkakalampagan na naman ang kanilang mga espada at mahigpit na nakikipagbuno sa isa't isa.
Hanggang sa malakas na bumuwelo ng atake si Alexeus at tumalsik ang espada ni Despoina. Sinamantala si Alexeus ang pagkabigla ng kalaban at tinadyakan nito ang sikmura ng kalaban. Napaupo naman ito sa lupa sabay tinutukan niya ang leeg nito.
Bubuwelo na si Alexeus upang tagain ng kanyang espada ang leeg ni Despoina ngunit napahinto siya nang magsalita ito.
"Sige, subukan mo!" sigaw nito.
Tapos ay tumingin sa aking gawi si Despoina kaya't napatingin na rin sa akin si Alexeus. Nagulat ako nang bigla na lamang naputol ang kadena ng kanang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang kusang dinampot ng kamay ko ang patalim na katabi ko at tinutok ko ito sa aking dibdib.
"Charlotte!" sigaw ni Alexeus.
Tumawa naman na parang demonyo si Despoina. "Nasa ilalim siya ngayon ng aking kapangyarihan, kabalyero," sambit niya.
"Sige Magissa! Patayin mo ang iyong sarili!" sigaw niya.
Bumigat ang aking paghinga habang pilit na pinipigilan ang sarili kong saksakin ang aking dibdib.
"Charlotte!" sigaw muli ni Alexeus sabay agad na tumakbo papalapit sa akin. Ngunit napahinto siya nang may pumagitan sa aming kulay lilang harang na gawa sa kuryente.
"Ano 'to?" tanong niya sabay taas ng kanyang Flago at paulit-ulit na sinaksak ang kulay lilang harang. Ngunit sadyang napakatibay nito at hindi man lang nagkakagasgas o kahit basag man lang.
"'Wag mo nang pilitin, kabalyero. Dahil kahit anong gawin mo, hindi 'yan mawawasak ng kahit ano man," panunuya ni Despoina habang patuloy pa rin si Alexeus sa pagtangka sa pagsira dito.
Nang mapagod si Alexeus ay huminto rin siya at nilingon si Despoina.
"Tanggalin mo ang harang na ito!" utos niya.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...