Ikaanimnapu’t-pitong Kabanata
The Fortune Teller"Anong alay ang pinagsasasabi mo?" tanong ko.
"Kailangan ko ng isang dugong-bughaw upang ialay sa aking Panginoon upang makamit ko ang walang hanggang kabataan!" sagot niya.
"Kaya't huwag kang mangangahas na makialam dahil ikaw na isusunod ko!" sambit pa niya.
"Fotia." Tapos ay nagpalit ako sa anyong may pulang buhok at pulang mata.
Inilabas ko ang aking gintong pana at pulang palaso. Tapos ay itinutok ko 'yon sa kanya. Nang tirahin ko na ito ay bigla na lamang itong napulbos bago pa ito makarating sa kanya.
Tumawa siya nang malakas. "At gagamitin naman kita upang makamit ang malakas na kapangyarihan!" sambit niya. Tapos nang ikumpas niya ang kanyang kamay ay bigla akong bumalibag papalayo.
Sumakit ang katawan ko at nahirapan akong bumangon. Nang makatayo ako ay biglang nabalot ng itim na usok ang paligid. Wala akong makita!
Bigla na lamang may humawak sa leeg ko mula sa kawalan. Tapos ay itinaas niya ako nang walang kahirap-hirap. Nagpupumiglas ako. Unti-unti na rin akong kinakapos ng hangin!
"Tumingin ka sa mga mata ko," utos niya. Umaalingawngaw ang boses niya sa utak ko at nakakarindi ito dahil paulit-ulit. Sapilitan niyang hinawakan ang mukha ko at tinitigan ang mga mata ko.
"Ibigay mo sa akin ang iyong stefani," utos niya. "Ngayon din!"
Hindi maaari! Kusang gumagalaw ang kamay ko at hinubad nito ng kusa ang stefani! Hindi!
"Magaling," sambit niya sabay tawa. Ibinigay ko sa kanya ang stefani kaya naman bumalik sa normal ang aking anyo.
Marahas niya akong binitiwan. Nauubo pa ako dahil sa pagkakasakal niya sa akin. Paano na ito? Wala na akong kapangyarihan upang labanan siya.
"Ngayon, ordinaryong tao ka na lamang at wala ka nang silbi!" Kinumpas niya ang kanyang kamay at may lumabas na bola ng itim na apoy. Tatama ito papunta sa akin. Wala akong magawa dahil hindi ako makakilos at nanghihina na rin ako. Napapikit na lamang ako.
Ngunit lumipas ang sandali at wala akong naramdamang kahit anong tumama sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako sa tumambad sa akin.
"Alexeus!" Nakatayo siya sa aking harapan hawak ang kanyang Flago.
"Hindi mo maaaring saktan ang aking Magissa. Dadaan ka muna sa akin, mangkukulam!" sambit niya.
"Hindi ako mangkukulam! Isa akong manghuhula!" Tapos ay pinaulanan niya si Alexeus ng itim na bolang apoy. Pinangsangga lamang niya ang Flago habang nakatayo sa harap ko at pinoprotektahan ako.
Kinuha ng manghuhula ang espada sa kanyang tabi. At ang espada ay nabalutan ng itim na aura. Tumakbo siya papalapit kay Alexeus at handa itong sugurin.
Nagpambuno ng espada ang dalawa. Mabilis kumilos ang manghuhula ngunit ganoon din si Alexeus. Nakikita ko ang kislap sa bawat salpukan ng kanilang mga espada at ang malakas na tagingting nito.
"Ibalik mo ang stefani kung ayaw mong mamatay!" sambit ni Alexeus sabay hambalos ng kanyang espada.
"Hindi maaari!" Sinangga naman ito ng manghuhula. Tapos ay sinipa ni Alexeus ang binti ng manghuhula at natumba ito. Nang sasaksakin na siya ni Alexeus at nagbato naman siya ng itim na bolang apoy. Tumilapon si Alexeus papalayo.
Tumakbo nang mabilis ang manghuhula papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa leeg at tinutukan ng espada.
"Mamili ka, Prinsipe. Susuko ka, o mamamatay ang babaeng ito?" sambit niya. Kinakabahan ako. Nakatitig lamang sa amin si Alexeus at mukhang nahihirapan siyang magdesisyon.
Mayamaya'y ibinaba niya ang kanyang Flago at itinaas ang kanyang mga kamay. Tumawa nang malakas ang manghuhula at binitiwan ako. Lumapit siya kay Alexeus at itinutukan siya ng espada.
Ilang sandali ay lumiwanag si Alexeus. Nabalutan siya ng puting liwanag at nang mawala ang liwanag ay nagbago ang kanyang anyo.
"Ang kabalyero ng apoy at yelo!" sambit ko.
Pagkumpas ni Alexeus ng kanyang kamay ay naging yelo ang espada ng manghuhula at ito'y nadurog. Nagulat ang manghuhula at ito'y kumumpas din. Nagpalabas siya ng itim na apoy sa kanyang mga kamay at itinira niya ito kay Alexeus.
Tinapatan naman ito ni Alexeus ng kanyang apoy kaya't hindi tumtama ang mga tira ng manghuhula sa kanya.
Pagkatapos ay kumumpas muli si Alexeus at tinira niya ng mga tulis na yelo ang manghuhula. Napasigaw ang manghuhula dahil tumama itong lahat sa kanya. Duguan ngayon ang katawan ng manghuhula.
Nanghihina siyang nakaupo sa sahig. Nilapitan siya ni Alexeus. Hinawakan niya ang ulo nito at sinaksak ng espada sa tiyan. Umagos ang maraming dugo mula sa manghuhula. Sumuka muna ito ng maraming dugo bago tuluyang nawalan ng buhay.
Nang nawalan na ng buhay ang manghuhula ay kinuha na ni Alexeus ang stefani sa kanya. Nilapitan niya ako at isinuot niya ito sa akin.
"Alexeus," sambit ko sabay yakap sa kanya.
"Lahat ng magtatangkang manakit sa'yo ay ganoon ang aabutin. Pangako 'yan," sambit niya sabay higpit ng yakap niya sa'kin.
Tinulungan niya akong tumayo at lumabas na kami mula sa bahay na iyon.
"Alexeus."
"Ano 'yon?"
"Mukhang alam ko na kung anong sagot sa tanong mo."
Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at ngumiti. "Mahal din kita, Alexeus."
Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ng makisig na prinsipe. "Masaya ako sa naging sagot mo sa akin, Charlotte."
Tapos ay hinila niya ako papalapit sa kanya at nabigla ako nang halikan niya ako. Sa una ay dampi lamang. Ngunit habang tumatagal ay gumagalaw na ang kanyang labi. Kakaiba sa pakiramdam. Mainit. Kumakabog ang aking dibdib. At parang huminto ang oras.
Nang kami ay maglayo ay niyakap niya ako nang mahigpit. Tapos ay naglakad kami nang magkahawak ang kamay.
Hanggang sa nakarating na kami sa syudad. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay may nasalubong kaming kakilala.
"A-Aviar?"
"Magissa. Kamahalan," sambit nito. Tao siya ngayon.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Galing ako kay Arcanea. Papauwi na sana ako nang makita ko kayo," sagot niya.
"Nakita ko rin kayong magkausap kaninang umaga. Bakit ka pa nakikipagkita sa dati mong kasintahan gayong may asawa na siya?" usisa ko.
"Hindi mo naiintindihan. Humingi siya ng tulong sa iyo, 'di ba?"
"Tulong?" pagtataka ko.
Napaisip ako. Naalala kong humingi siya sa akin ng pabor.
"Humingi siya sa akin ng pabor na manatili ng ilang araw sa palasyo," sambit ko.
"Hindi pa pala niya sa'yo sinasabi. Bantayan mong mabuti ang mag-ama. Sina Emperador Basilious at Prinsipe Orien," sambit niya.
"Ngunit bakit?" tanong ko.
Tapos ay tinubuan na siya ng mga pakpak at lumipad papalayo.
"Aviar!"
"Anong ibig sabihin doon ni Aviar? Na kailangan nating bantayan ang Emperador at si Orien?" pagtataka ni Alexeus.
"Hindi ko alam. Ngunit kailangan ko nang komprontahin mismo si Emperatris Arcanea."
---
Mula sa bumubuo ng Magissa: Elemental Sorceress,
Maligayang Pasko sa inyong lahat at Manigong Bagong Taon!!
Salamat sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...