Ikaapatnapu’t-isang Kabanata
End of a DreamHalos wala na talaga akong ginagawang trabaho sa palasyo. Pinabukod na rin ako ni Alexeus ng kuwarto. Binigyan din niya 'ko ng sariling mag-aalaga sa'kin kapag abala siya. Walang araw na hindi ako inalala ni Alexeus.
Palagi niya 'kong pinupuntahan sa aking silid. Kinakamusta, at pinalalakas ang loob. Kahit alam naman namin sa aming mga sarili na hindi na magtatagal pa ang aking buhay.
Damang-dama ko ang sakit at panghihina ng aking katawan. Nahihirapan na rin ako minsan huminga at lumalala ang paglabas ng dugo sa aking bibig kada uubo ako. Hirap na hirap na 'ko. Pero nakakakuha ako ng lakas ng loob kay Alexeus na palaging nandyan para sa'kin.
Nawawalan na rin ako ng ganang kumain. Pakiramdam ko kasi wala nang saysay pa kung gagawin ko 'yon. Pero pinipilit ko na lang kahit para kay Alexeus. Ayaw ko kasing nakikita siyang nag-aalala sa'kin ng sobra.
"Kailan kaya matatapos ang paghihirap kong ito? Kung tutuusin napakabata ko pa para mamatay. Ngunit kung heto ang itinakda sa'king kapalaran, tatanggapin ko na lamang ito nang bukal sa kalooban. Masakit man, ngunit kailangang tanggapin."
Narito ako ngayon sa hardin. Nakaupo sa ilalim ng matayog at malilong na puno. At katatapos ko lang din basahin ang paborito kong libro.
"Melayna."
Tumingin ako sa kung sino ang dumating. "Alexeus," sambit ko sabay ngiti. Binigyan niya rin ako ng isang ngiti tapos ay lumapit siya't umupo sa aking tabi.
"Sa wakas, natapos ko rin 'tong basahin," sambit ko.
Ningitian niya lang ako sabay hinawakan ang aking kamay at ipinatong ito sa kanyang kandungan.
"Sana hindi na matapos pa ang sandaling ito," sambit niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig.
Pinisil niya nang marahan ang aking kamay. "Nais pa kitang makasama ng matagal. Panghabang-buhay," sambit pa niya.
Nakaramdam ako nang kirot sa aking puso. Biglang nanikip ang aking dibdib nang makita kong may luhang pumatak mula sa kanyang mata.
Bumuntonghininga siya nang malalim. "Iniibig kita, Melayna. Alam mo ba 'yon?"
Ang mga luhang namumuo sa aking mga mata ay kusa na lamang bumagsak. Hindi ako makaimik. Kaya naman isinandal ko na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Alam kong magkaiba ang ating katayuan ngunit hindi ito naging hadlang upang ika'y aking mahalin nang tunay." Lalong umagos ang mga luha ko nang marinig ko ang mga salitang iyon.
Alam kong hindi naman talaga ako si Melayna, kaya't pakiramdam ko'y may parte sa'kin na nasasaktan. Dahil nalaman kong ganito kamahal ni Alexeus si Melayna.
Binitiwan niya ang aking kamay at ipinatong niya ito sa kabila kong balikat tapos ay inilapit pa niya 'ko sa kanya.
"Kung maaari lang sanang ibigay ko sa'yo ang kalahati ng aking buhay ay gagawin ko magpatuloy lang ang iyong buhay upang makasama pa kita nang matagal," sambit niya nang may garalgal na boses.
"Hindi man magtagal ang buhay ko, nais kong ipabatid sa'yo na hanggang sa huling tibok ng aking puso ay ikaw lamang ang pinipintig nito," sambit ko.
Nakararamdam na 'ko ng panghihina. Nahihirapan na rin akong huminga at parang gusto nang bumigay ng mga talukap ng mata ko. Naririnig ko ang impit na pag-iyak ni Alexeus habang pinipisil-pisil ang balikat ko.
"Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko, Melayna. Hindi kailanman," sambit niya.
"Ang ganda ng kulay kahel na kalangitan," sambit ko.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...