Ika-72: Jealousy - The Concert

851 33 10
                                    

Ikapitompu’t-dalawang Kabanata
Jealousy - The Concert

(#ProjectAusten part 3)

Charlotte

"Hello?" sambit ko sa kausap ko sa phone habang naglalakad ako papunta sa gawi ni Alexeus. Medyo malayo-layo pa siya. Tanaw ko lang siya mula sa puwesto ko kahit maraming tao pa akong nasasalubong.

[Nakita ko na si Arriane, Charie,] sambit ni Hazel sa kabilang linya.

"Ako din. Nakita ko na si Alexeus," sagot ko naman.

[Magkita na lang tayo sa lobby ng hotel,] sambit ni Hazel bago tuluyang ibaba ang tawag.

Tapos ay inilagay ko nang muli ang phone ko sa aking bulsa. Ngunit napahinto ako nang makita kong niyakap ni Alexeus ang isang babae.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at naninikip na rin ang aking dibdib. Nanginginig ang buong katawan ko at biglang bumigat ang mga paa ko. Hindi ako makahakbang, ni makagalaw man. Pakiramdam ko huminto ang mundo ko sa nakita ko.

Hindi ko talaga siya kayang makita na may kasamang iba. Bakit naman kaya? Anong dahilan niya't niyakap niya 'yong babae?

Itinulak no'ng babae si Alexeus at mukhang nainis ito. Maganda 'yong babae. Halos kasinglaki ko lang siya. Maputi, balingkinitan, at singkit ang mga mata. Kamukha ni Sandara.

Nakatitig lang ako sa kanila mula dito sa kinatatayuan ko. Kahit gusto kong lumapit doon at alamin ang nangyayari, ay 'di ko magawa. Nag-aalinlangan ako, at natatakot din ako sa 'di malamang dahilan. Marahil ay natatakot akong malaman ang dahilan ni Alexeus kung bakit niya 'yon ginawa dahil alam ko na masasaktan ako.

Lalong nakapagpadagdag sa sakit na nararamdaman ko ay ang pagkausap niya do'n sa babae nang may magandang ngiti. Ewan ko ba. Alam kong walang masama do'n pero nasasaktan pa rin ako. Napabuntonghininga na lang ako ng malalim.

Mayamaya'y may lumapit sa kanilang isang lalaki. Makisig din ito, at 'di maipagkakailang pang-model ang hitsura mula ulo hanggang paa. Mukhang kasama ata siya no'ng babae. Matapos ng sandaling usapan, naglakad na papalayo sa kanila si Alexeus.

"Magandang araw!" pahabol na sambit sa kanya no'ng magandang babae. Medyo napangiti ako ng bahagya nang makita kong piningot siya no'ng kasama niyang lalaki.

Sa wakas ay nahagip na rin ako ng mga mata ni Alexeus. Nakita ko ang malapad niyang ngiti tapos ay binilisan niya ang paglakad patungo sa'kin.

"Charlotte! Masaya ako't nakita kitang muli. Napahiwalay tayo sa isa't isa dahil sa kumpulan ng mga tao kanina," sambit niya sa'kin. Ngumiti lang ako ng kaunti. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko 'yong nangyari kanina.

"May problema ba, aking diyosa?" nag-aalala niyang tanong sa'kin habang nakatingin sa mukha ko.

Umiling ako. "Wala naman. Halika na. Hinihintay na tayo ng ating mga kasama," aya ko sa kanya. Nauna akong lumakad sa kanya. Ayaw kong makita niya ang kinukubli kong nararamdaman matapos ng nakita ko kanina.

Mga ilang sandali ang lumipas ay narating na namin ang lobby ng hotel. Nagpalinga-linga ako para makita ko sina Arriane at Hazel.

Sa wakas ay nakita ko na rin sila matapos nila kaming kawayan.

"Mabuti na lang at nagkita kayo ni Alexeus. Bigla kasi siyang nawala kanina habang kasama ko," sambit ni Arriane.

Natawa si Alexeus. "Paumanhin. May nakita lamang akong isang binibini na tila yata balisa at wala sa kanyang sarili kaya't tinulungan ko siya," sambit niya.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon