Ikapitompu’t-anim na Kabanata
A Day With YouNasa classroom ako habang nakapalumbaba at nakatanghod sa bintanang katabi ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring teacher na dumarating.
"Charie!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin.
"Bakit, Hazel?" tanong ko. Magkatabi lang ang upuan namin.
"Bakit kaya wala pa rin tayong teacher? Twenty minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nadating," sambit niya.
"Oo nga, eh. Baka may meeting na naman ang faculty," sambit ko.
Pagkatapos ay tumayo si Hazel at may nilapitan na isa naming kaklase. Pagbalik nito sa upuan niya ay may dala na itong gitara.
"Charie, oh," sambit nito na may nanunuksong ngiti habang inaabot sa'kin ang gitarang hiniram niya.
Natawa ako ng bahagya tapos ay kinuha ko na sa kanya ang gitara.
"Ano bang puwedeng tugtugin?" sambit ko.
"Kanta ng Red Serenade!" mungkahi niya.
"Hazel, wala akong alam na kanta nila. Puro lumang kanta lang pati alam ko. Alam mo na. Five years na mula no'ng tumigil ako," sambit ko.
"Sige, kahit ano na lang na maisip mo," sambit niya.
Napaisip ako ng kaunti hanggang may isang kanta na sumagi sa isip ko. Si Papa ang nagturo sa'kin maggitara noong pitong taong gulang pa lang ako. Tinugtog ko na ang kanta gamit ang gitarang hawak ko.
"Uulit ulitin ko sa'yo ang nadarama ng aking puso,
Ang pag-ibig ko'y para lang sa'yo,
Na kahit kailanma'y hindi magbabago,
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw,
Ikaw ang nais ko tuwina ay natatanaw,
Ikaw ang buhay at pag-ibig wala na ngang iba,
Sa aking puso'y tunay kang nag-iisa."
---
Nagpasya kaming lumabas ni Hazel ng classroom. Gusto raw niyang magpasama sa'kin sa canteen dahil nagugutom na raw siya. Hindi ko naman siya matanggihan.
"Ano kayang masarap kainin?" tanong niya habang naglalakad kami at nakakapit siya sa braso ko na parang bata.
Mayamaya ay huminto si Hazel kaya't napahinto na rin ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Look, Charie. May pinagkakaguluhan ang mga girls banda ro'n. Tingnan natin?" sambit niya.
"Pero 'di ba sabi mo bibili ka pa ng pagkain?" sambit ko.
"Oo nga. Pero gusto ko lang malaman kung anong pinagkakaguluhan nila ro'n. Hindi ka ba curious?" katwiran niya.
Kaya naman hinayaan ko na siyang hilahin niya ako do'n sa mga babaeng nagkukumpulan. Habang papalapit kami ro'n ay parang natatanaw ko ang buhok ng isang lalaki. Kulay light brown ito. Sa tingin ko'y isang lalaki ang pinagkakaguluhan nila.
Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit kami. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Ch-Charie. 'Di ba si prince charming with blue eyes 'yon?" gulat na sambit ni Hazel habang titig na titig sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae.
Lumapit pa ako ng kaunti. "Alexeus?" sambit ko.
Napalingon sa'kin ang lahat ng babae at humawan ang daan. Si Alexeus nga. Anong ginagawa niya rito? Nang Makita naman niya 'ko ay namutawi ang isang matingkad na ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...