Ikalabing-isang Kabanata
The Knight of Magíssa"Mayroong tagapagtanggol ang Magissa?" tanong ko. Ang mga nasa silid ang nabigla at tila nag-aabang sa sasabihin ng Punong babaylan
"Isinaad siya sa propesiya bilang magiging tagapagtanggol ng dalagang magmumula sa kabilang mundo. Isinilang siya upang ialay ang kanyang buhay at katapatan sa hihiranging Magíssa, ang kanyang kabalyero," saad niya.
Tumingin siya kay Alexeus. "Walang iba kundi ang lalaking isinilang na may mga matang 'sing bughaw ng langit," sambit niya.
Lalaking..may mga matang 'sing bughaw ng langit? Iyon ay si... Napatingin naman kaming lahat sa prinsipe.
"Alexeus?" sabay-sabay naming sambit ng mga magulang ni Alexeus. Napatingin naman si Alexeus sa Punong babaylan na mukhang nabigla sa nalaman niya.
"Ako po? Tama ba, Punong babaylan?" tanong niya na halata ang pagkabigla.
"Ang iyong mga bughaw na mata ang simbolo ng pagkakahirang sa iyo ni Panginoong Mulciber bilang tagapagtanggol ng Magíssa," nakangiting sambit ng babaylan habang nakatingin kay Alexeus. Tila hindi pa rin kami makapaniwala sa sinabi ng babaylan. Si Alexeus? Na prinsipe ng imperyong ito at siya ding tagapagmana ng trono ng kanyang ama?
"Ngayon naintindihan ko na. Heto pala ang sinabi mo sa akin noon na may gagampanang espesyal ang batang isisilang ko, noong ipinagbubuntis ko pa lamang siya," manghang sambit ng Emperatris.
Nagkatinginan kami ni Alexeus. Tinungo niya ang ulo niya at inilagay ang kanang kamao sa kanyang puso.
"Ako si Prinsipe Alexeus, ay nangangako na gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ang hinirang kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Iniaalay ko rin ang aking buong katapatan bilang iyong magiting na tagapagtanggol, Magíssa." Tapos ay tumingin na ulit siya sa'kin at ngumiti.
"Kung ang aking anak ang hinirang na kabalyero ng Magissa, ibig sabihi'y manganganib na rin ang kanyang buhay," sambit naman ng Emperador na mistulang nag-aalala.
"Ama, huwag kayong masyadong mag-alala sa aking kaligtasan. Naniniwala akong ito ang aking tadhana. Kaya naman alam kong poprotektahan ako ng ating diyos na si Mulciber. Isa pa, para na rin naman ito sa ating imperyo, hindi ba?" sambit ni Alexeus sa kanyang ama. Kahit bakas pa rin ang pag-aalala ng Emperador sa prinsipe ay ngumiti na lamang ito sa kanyang anak sabay tapik nito sa balikat niya.
"Siya nga pala, Punong babaylan," sambit ko.
"Ano iyon?" tanong niya sa'kin.
"Maaari ko po bang magamit ang kapangyarihan ng mga kosmima?" usisa ko.
"Tungkol ba do'n?" sambit niya.
"Kahit bilang proteksyon lamang sa aking sarili kapag nanganganib ang buhay ko. At para hindi naman ako gaanong umasa sa aking kabalyero," sambit ko.
"Ang sagot ay oo, Charlotte. Subukan mo," nakangiti niyang sambit sa'kin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Paano?" tanong ko.
"Ilahad mo ang iyong palad kung saan naroroon ang stefani na iyong suot." utos niya sa'kin. Kahit nag-aalinlangan ay ginawa ko ang iniutos niya.
"Isipin mo ay apoy. Kailangan mong maglabas ng apoy sa iyong kamay," utos niya.
Nakatitig ako sa aking palad at binlangko ko muna ang aking isipan upang makapag-isip ng mabuti at magawa ng ayos ang pinagagawa sa'kin ng babaylan.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong uminit ang palad ko. Mayamaya'y umusok ito. Nagulantang ako dahil dito at nawala bigla ang usok.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...