Ikalimampu’t-anim na Kabanata
Magissa vs. The AssassinNasa isang sulok kami ngayon ng arena ni Alexeus kasama ang iba pa naming mga makakatunggali habang pinapanood ang paglalaban ng dalawang kalahok. Parehong nagpapamalas ng husay ang dalawang magkatunggali at mahirap tukuyin kung sino ang mananalo sa kanila.
Alam namin ni Alexeus na may tsansang maging magkatunggali kami kaya naman napag-usapan na naming ako ang magpapatalo sa aming dalawa. Kahit labag sa aking kalooban ay pumayag ako. Masyado kasing desisidido si Alexeus na siya ang magpatuloy sa laban para sa Kopa ni Gi.
Samantala sa labanan, sa wakas ay may tumumba na rin sa kanila.
"At ang nagwagi ay ang ikasiyam na kalahok! Ikaw ang magpapatuloy sa susunod na bahagi ng patimpalak!" pag-anunsyo ng lalaki.
Tapos ay bumalik na rito sa sulok ang nanalong kalahok. At nang sandaling dumaan siya sa tabi ko ay nakaramdam ako ng pangingilabot sa 'di malamang dahilan.
Kahit sandali ko lang nasilayan ang mukha niya ay alam kong tiningnan niya 'ko ng matalim na para bang may matindi siyang kagustuhang patayin ako. Nakita ko ang mga tingin niyang 'yong kahit pa natatakluban ng buhok ang kanyang mga mata.
Sa dalawampung kalahok, apat na lamang kaming natitira upang magpatuloy sa susunod na bahagi ng labanan na siyang magtatanghal na kampeon ngayong taon. Kaming dalawa ni Alexeus, 'yong lalaking nakatakip ng buhok ang mga mata, at isang misteryosong lalaking nakasuot ng itim na kalasag.
Si Alexeus ay nagpakita ng husay sa pisikal na pakikipaglaban at galing sa paghawak ng espada. Samantalang ako nama'y nagpamalas ng 'di maipagkakailang pisikal na lakas dahil taglay ko ang pagiging Magissa ng Geo at ang aking talento sa paggamit ng pana.
Hindi naging madali ang mga pinagdaanan namin ni Alexeus sa mga naging laban namin dahil napakahuhusay ng aming mga naging kalaban.
At ngayong aapat na lang kami, wala na talagang atrasan 'to. Lalaban ako para sa kosmima ng hangin na taglay ng kopa ni Gi.
"Papalapit na tayo sa bahagi ng kampeonato! Mula sa apat na ito ay isa lamang ang maaaring hiranging kampeon! At ang maglalaban ay..." sambit ng tagaanunsyo tapo ay tiningnan ang hawak na papel.
"Si Charie! Laban kay..."
Nang sandaling tawagin ang pangalan ko ay kinabahan ako bigla. Eto ang pinakanakakakaba dahil daan na 'to sa kampeonato.
"Ikasiyam na kalahok!" Nanlaki ang mga mata ko nang sambitin iyon ng tagaanunsyo. Makakalaban ko ang lalaking itinago ang kanyang pangalan at kung tingnan ako ay para na akong pinapatay sa kanyang isipan.
Pareho na kaming pumunta sa gitna ng arena habang nagpapalakpakan ang mga manonood. Pagtayo namin sa gitna ay nanahimik na ang lahat.
Bigla ko na lang naramdaman na may dumaang punyal malapit sa gilid ng pisngi ko. Sa gulat ko ay hindi ko halos ito namalayan.
Nilingon ko sandali ang punyal na kaunti na lang ay tatama na sana sa'kin. Ngunit pagbalik ng atensyon ko sa aking kalaban ay biglang nasa harapan ko na ito at handa akong sugurin!
Ang bilis kumilos ng isang 'to! Para siyang kidlat!
Mabibilis at sunud-sunod na mga suntok ang pinaulan niya agad sa akin ngunit sa kabutihang palad ay naiilagan at nasasangga ko naman ang mga ito. Sadyang napakabilis lang talaga niyang kumilos.
Nang sandaling huminto siya ay sinamantala ko ang pagkakataon. Binigyan ko siya agad ng mabilis na suntok ngunit agad mabilis niya rin itong sinangga ng kanyang kamay!
Tapos ay pinilipit niya ang braso ko patalikod sabay tinutukan niya 'ko ng punyal sa leeg.
"Malakas ka. Ngunit mabilis ako," sambit niya.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...