Ika-15: The Worried Knight

3.7K 156 56
                                    

Ikalabinlimang Kabanata
The Worried Knight

Nakakunot lang ang noo ko habang nakatitig sa lalaking ito na nasa harapan ko ngayon na nagngangalang Zelion. Kinilabutan ako sa aking narinig. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Ako? Bilang babae mo?" tanong sa kanya habang pinandidilatan siya ng mata. Nahihibang na nga ang isang 'to.

"Oo. Gagawin ko ang iyong nais kung papayag ka," seryoso niyang sambit. Nanahimik muna kami tapos ay nilaliman ko ang aking tingin sa kanya. 

"Seryoso ka ba?" inis kong tanong. Ningitian niya lang ako. Lalong nagpuyos ang aking damdamin. Hindi ako nakikipagbiruan! Isa pa, alam kong 'di maaari ang gusto ni Zelion dahil kailangan kong manatiling birhen habang ako ang Magíssa. At hindi ko rin siya asawa o anuman para ibigay ko ang sarili ko sa kanya!

"Hindi maaari ang iyong nais, Zelion," seryoso kong sambit sabay tabig ng marahas sa kamay niyang nakahawak sa baba ko.

Ngumiti siya ng masama, "Ganoon ba? Kung gayon, mapipilitan akong sugudin ang palasyo. At tuluyang pabagsakin ang Emperador."

Inikom ko ang mga kamao ko habang tinitingnan ko siya ng matalim. Ganyan ba talaga ang lalaking 'yan? Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang sunugin mula sa kinatatayuan niya. Konti na lang talaga at sasagadin na niya ang pasensya ko.

"Siya nga pala. Bihag ko ngayon si Prinsipe Alexeus," sambit niya.

Nagpanting ang mga tenga ko kaya't nanlaki ang mga mata ko. "S-si Alexeus? Narito siya?" usisa ko.

"Oo. At hindi ako mag-aalinlangang patayin siya. Sa harapan mo pa mismo," sambit niya ng may madilim na ekspresyon.

Hindi ako papayag. Hindi maaari! Isip, Charlotte. Pilitin mong gumawa ng paraan para matakasan ang sitwasyong ito. Nasa panganib ang buhay ni Alexeus at ng mga nasa palasyo.

"Pag-isipan mong mabuti, Magissa. Ang sarili mo, kapalit ng kaligtasan ni Prinsipe Alexeus at ng palasyo," seryoso niyang sambit.

Pinanginginig ng isang 'to ang buong kalamnan ko sa sobrang inis. Napagkuyom ko ang aking mga palad habang matalim na tinitingnan si Zelion na para bang pinapatay ko na siya sa isip ko.

"Huwag ka namang ganyan sa'kin, Charlotte. Nababawasan ang iyong kagandahan dahil sa iyong pagsimangot," sambit niya na parang nanunuya.

"Eh paano kung ayaw ko?" seryoso kong tanong. Tinitigan niya muna ako sabay nagsalita siya.

"Tuloy ang rebelyon laban sa palasyo. At kayong dalawa ng prinsipe ay mamamatay sa aking mga kamay," seryoso niyang sagot.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit mo naisipang tulungan at pamunuan ang mga taga-Agua para mag-aklas laban sa palasyo?" pagalit kong usisa sa kanya.

"Alam kong may iba pang dahilan, Zelion," seryoso kong sambit.

Natigilan siya na parang napaisip sa sinabi ko. Tapos ay ngumiti siya ng parang nanunuya.

"May katalinuhan din palang taglay ang hinirang na Magissa, ha?" sambit niya.

"Tama ka. May iba pa akong nais bukod sa tulungan silang pabagsakin ang palasyo," dagdag pa niya.

Lumapit siya sa'kin at inilapit niyang muli ang kanyang mukha sa akin.

"Dahil sa aking matinding pagnanasa na maging emperador ng Stavron," sambit niya.

Nagpanting ang mga tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko't napalunok ako sa kanyang sinabi. Nais niyang kunin ang trono ni Emperador Acanthus? 

"Kalokohan," inis kong sambit. Tapos ay tumawa siya ng malakas na parang sinaniban ng demonyo.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon