Ika-26: Confession - Leaving Poulí

3.1K 133 54
                                    

Ikadalawampu’t-anim na Kabanata
Confession - Leaving Poulí

Narito na kami ni Alexeus sa Poulí. At dahil nga basang-basa kami, pinahiram muna nila kami ng damit nila. Mukha itong chiton, tawag sa damit ng mga sinaunang Griyego.

Kaso 'yong suot ko, may maikling manggas dahil pagmamay-ari talaga ito ng isang batang Poulían. 'Yon lang daw kasi ang kasukat ko eh. Pero ayos lang, komportable naman sa pakiramdam.

"Charlotte." Nilingon ko ang tumawag sa'kin.

"O, Alexeus." Mukhang bagay din sa kanya ang chiton. Kitang-kita ang mga braso niyang may kalakihan.

"Aalis na tayo dito sa Poulí bukas. Kailangan na nating makausad sa paghahanap ng mga kosmima," sambit niya.

"Naintindihan ko," sagot ko sabay tango.

Paglabas namin ni Alexeus sa aming tinutuluyan, nabaling sa amin ang atensyon ng mga Poulían na mukhang may pinagpupulungan.

Napatingin na rin sa'kin si Aviar. Bigla na naman akong kinilabutan dahil sa sindak. Tapos lumapit pa siya sa'kin. Napakapit tuloy ako sa damit ni Alexeus ng 'di oras.

Nabigla ako nang tumawa siya.

"Mukhang natatakot ka nga sa akin, mortal," magiliw niyang sambit.

Nagulat at napakunot ang noo ko sa inasal niya. Nakakapagtaka. Ano kayang nakain nitong si Aviar? O baka naman may nasinghot siyang masamang hangin? O 'di kaya nama'y may sanib?

"Nakikita ko sa iyong mukha ang pagtataka, binibining mortal," sambit niya. Tama naman kasi siya.

"Nais ko lang naman sanang magpasalamat sa ginawa mo. Ngayon, mapapayapa na ang lahat sa pagitan ng Poulí at Lykos," nakangiti niyang sambit.

Napatingin ako kay Alexeus, tapos ay ibinalik ko na rin ang tingin ko kay Aviar, "Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.

"Nang dahil sa'yo, naliwanagan na si Lykoias. Sa'yo lang pala siya makikinig," sambit niya sabay tawa.

"Maraming salamat," nakangiti niyang sambit sa akin kaya't ningitian ko na rin siya.

Tinapik ni Aviar ang balikat ko, tapos ay umalis na siya.

--

Aviar

Narito ako ngayon sa aking silid at nakaupo sa aking tanggapan habang umiinom ng paborito kong tsaa. Bumuntonghininga ako nang may kapanatagan.

Lubos talaga akong nagpapasalamat kay Bathalang Boreas sapagkat natapos na rin sa wakas ang alitan namin sa mga taong lobo. Matatahimik na rin ang aming mga tribo matapos ng dalawampu't limang taon.

Bigla namang may kumatok sa aking pintuan. "Sino 'yan?"

"Ako 'to, Ama." Ah, si Kuro pala.

"Tuloy ka, anak," sambit ko. Pumasok naman siya pagkatapos.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

Umiling siya. "Nakita ko ang pakikitungo mo kay Charlotte kanina. Hindi ka na ba galit sa kanya?" usisa niya.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Alam ko ang iniisip niya. At ang nararamdaman niya para sa mortal na nagmula sa Stavron.

Tumawa ako. "Hindi, sapagkat siya ang nagligtas sa ating tribo. Kung hindi siya nagsalita kay Lykoias ay hindi mahihinto ang alitang ito."

Ningitian lamang ako ng aking anak. Tapos ay nagsalita pa ako upang ikuwento naman ang nagyari sa amin ni Lykoias.

Nagkita kaming muli ni Lykoias upang magtuos. Handa na ako sa anumang pag-atake. At nang pakiramdam ko ay handa na ako, sinugod ko na siya.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon