𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒

2.1K 67 10
                                    

Epilogue
The Finale

Tatlong buwan na mula nang makauwi ako rito sa amin pagkatapos kong mailigtas ang buong Aglaea bilang ang hinirang na Magissa. Isang buwan na lang at matatapos na ang school year. Next year, grade 12 na ako. Ako na rin ang itinalagang President ng Student Council. Nabakante kasi ang posisyon na 'yon mula nang mawala si William.

Alam niyo kung anong nakapagtataka? Walang nakakaalala na kahit sino man kay William Salazar na para bang hindi siya nag-exist sa mundong 'to. Basta ang alam lang nila, biglaan ang pag-transfer ng dating Student Council President sa ibang school. Pero kapag tatanungin mo sila kung sino 'yon, ang sasabihin lang nila, nakalimutan nila ang pangalan.

Ganoon din si Alexeus. Hindi na siya naaalala nina Arianne at Hazel. Ang naaalala lang nila, kaming tatlo lang ang nagpunta noon sa Tanza Oasis concert. At wala kaming Alexeus na nakasama.

Tuwing P.E. class namin, humahanga sa akin ang mga kaklase ko dahil sa husay na pinapakita ko sa Archery. Marunong naman talaga ako sa paggamit ng pana at palaso. Ngunit napansin nilang mas mahusay na ako ngayon. Lagi kong tinatamaan ang bull's eye ng target range. Kaya ko rin pagsabayin hanggang tatlong palaso sa pagtira at walang mintis 'yon.

Mas lumakas din ang aking resistensya. At dahil do'n, mas hinangaan ako ng klase. Lagi nila akong tinatanong kung paano ko nagagawa ang mga 'yon. Lagi kong sinasabi na practice lang. Kahit ang totoo niyan, nakasanayan na ito ng katawan ko noong nahirang akong Magissa sa Stavron.

Pagkatapos ko sa school, nagpupunta ako sa café na 'di kalayuan sa school. 'Yong café na pununtahan namin noon ni Alexeus.

Lagi akong nakaupo sa puwesto namin sa tabi ng glass wall. Minsan ino-order ko 'yong iced black coffee at chocolate cake na pinatikim ko sa kanya. Sariwa pa sa alaala ko ang naging reaksyon niya nang una niyang matikman 'to.

At saka no'ng pinanood namin ang sunset mula rito. Kung paanong nakita ko ang kagandahan ng paglubog ng araw mula sa kanyang mga mata. Naghalo ang kulay bughaw at kahel sa kanyang magagandang mata. Tila nalusaw ang puso ko no'ng araw na 'yon.

Ngayon, sa tuwing naaalala ko 'yon, nadudurog ang puso ko.

Pumupunta rin ako sa mall kung saan ko siya minsang dinala. Naaalala ko kung anong reaksyon ng mukha niya sa mga bagay na nakikita niya sa paligid. 'Yong may halong tuwa at pagkamangha. Napapangiti ako ng mapait sa tuwing naaalala ko ang mga sandali namin dito.

Sa tuwing nakakakita naman ako ng malalaking salamin dito, 'di ko maiwasang lapitan at hawakan ang mga ito. At nagbabakasakaling lumiwanag ang mga 'to at dalhin akong muli sa Stavron upang masilayan ko man lang si Alexeus.

Alam kong isa 'yong malaking kahibangan. Dahil alam kong kahit kailan, hindi na ako makakarating pa ro'n.

Ang kuwarto ko naman ay punong-puno rin ng mga alala niya. Dito sa kama ko, nanonood kami ng kung anu-ano sa laptop ko. Sa may bintana ko, nandito kami nakatayo habang nakatingala sa langit at iniisip kung nasa ilalim lang ba ng iisang langit ang mga mundo namin. Naaalala ko kung paanong sumasalamin ang pagkinang ng mga bituin sa kanyang mga mata.

Kaya madalas, bago ako matulog, tumitingala muna ako sa langit na puno ng mga bituin. At iniisip ko na baka nakatingin din siya sa langit doon sa kanyang mundo.

Mabuti na rin at nasa gallery pa ng phone ko ang mga pictures namin. At ang lahat ng 'yon ay pina-print ko kahit wallet size lang. Tapos ay nilagay ko sa isang maliit na photo album. Para kung sakaling mabura 'yon sa phone ko, mayroon pa rin akong pisikal na kopya. Katabi ko rin lagi sa pagtulog ang teddy bear na binigay niya sa'kin noon. Niyayakap ko 'yon hanggang sa makatulog na ako.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon