Ika-75: The Bored Prince

780 33 12
                                    

Ikapitompu't-limang Kabanata
The Bored Prince

Alexeus POV

Narito ako ngayon sa silid ni Charlotte. Nakaupo ako sa kanyang kama habang nanonood sa TV ng mga tinatawag nilang drama. Sa mundo namin, napapanood ang mga nagtatanghal ng personal. Nagtatanghal sila sa isang malawak na entablado. At doon namin sila pinapanood.

Nakailang drama na ako ngunit hindi ko pa rin maiwasang mainip kaya naman panay ang tingin ko sa orasan. Iba ang numerong gamit nila ngunit halos pareho lang naman ang itsura ng orasan nila sa aming mundo.

Apat na oras pa bago umuwi si Charlotte galing paaralan.Pinatay ko na ang TV at humiga. Napabuntonghininga ako ng malalim habang nakatitig sa kisame. Ano bang maaari ko pang gawin habang hinihintay si Charlotte?

Napalingon ako sa mesang katabi ng kama. May nakita akong mga patong-patong na libro. Tumayo ako at tiningnan ang mga 'yon. Mga malalaking libro na may maninipis at makintab na papel.

Hindi ko naman mabasa ang mga nakasulat kaya't tiningnan ko na lang ang mga larawan dito. May nakita akong mga larawan ng lalaki na nakasuot ng modernong kasuotan dito sa mundo ni Charlotte.

Binitiwan ko ang makintab na libro at kinuha ko ang aking damit na suot nang mapadpad ako rito sa mundong ito. Nakalagay ito sa ilalim ng kama. Dinukot ko ang bulsa ng aking pantalon at kinuha ko ang supot na gawa sa tela. May laman itong ilang piraso ng ginto at pilak.

Maaari ko bang ipambili ang mga salaping ito rito sa mundong ito? Bigla kong naalala ang salaping ginagamit nila sa mundong ito. Mga baryang may ukit na mukha ng tao at mga papel na may kulay. Maaari ko kayang ipagpalit ang mga ito upang magkaroon ako ng salaping ginagamit sa mundong 'to?

Itinago kong muli sa ilalim ng kama ang aking damit at inilagay ko sa bulsa ng damit na suot ko ang telang supot. Dumaan ako sa bintana upang makalabas. Naglakad-lakad ako hanggang makalabas ako ng lugar na ito. Habang naglalakad ay may nakita akong babae sa isang tabi at nilapitan ko siya.

"Paumanhin, binibini," sambit ko. Tila nabigla naman siya sa bigla kong pagkausap sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Itatanong ko lamang kung saan ako maaaring magpunta upang ipagbili ang mga ginto at pilak?" Tila napaisip naman ang babae.

"Sa sanlaan," sagot niya.

"Sanlaan? Saan 'yon?" usisa ko.

"Malapit lang 'yon. Maglakad-lakad ka lang ng kaunti, tapos sa kanto nito makikita mo 'yong building na may green na signage. 'Yon na 'yon," sagot niya.

Napakunot ang aking noo. Building? Green na signage? Ano ba 'yon?

"Paumanhin, binibini. Hindi ko mawari ang iyong tinutukoy. Bago lamang pati ako sa lugar na ito. Kung maaari sana ay pakisamahan mo na lamang ako sa lugar na iyong sinasabi. Maaari ba?" pakiusap ko.

Nakakunot ang noo ng babae habang tinitingnan ako.

"Hay naku. Saang lupalop ka ba nanggaling? Sige na nga. Kung 'di ka lang pogi! Halika. Sumunod ka sa'kin," sambit niya. Napangiti ako nang pumayag siya sa pakiusap ko.

Naglalakad kami sa gilid ng kalsada habang nasa likuran niya 'ko. Palinga-linga ako sa paligid habang tinitingnan ang mga gusali na nadadaanan ko. Masyadong payak ang mga gusali rito. Wala man lang disenyo, hindi gaya sa aming mundo.

"Andito na tayo," sambit ng babae.

"Ayan 'yong sanlaan," sambit pa niya sabay turo sa gusali na nasa harap namin.

"Maraming salamat, binibini." Tumango lang siya at iniwan na niya 'ko.

Lumapit ako sa bintana roon na gawa sa salamin.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon