Ika-70: The Prince of Stavron in Calabarzon

875 31 6
                                    

Ikapitompung Kabanata
The Prince of Stavron in Calabarzon

(#ProjectAusten part 1)

(Charlotte's POV)

Tatlong araw na mula nang ipadala kami ng mahiwagang puting liwanag na iyon pabalik sa mundo ko. Hindi pa rin ako halos makapaniwalang nakabalik na 'ko. Feeling ko panaginip pa rin ang lahat. Sobra kong na-miss ang lahat ng naiwan ko dito.

Kahit pa sinabi sa'min ni Aristea na panandalian lamang ito dahil pag nahanap na namin ang huling kosmima ay kusa na kaming babalik sa Stavron, sa mundo ni Alexeus.

Tatlong araw ko na ring kasama si Alexeus dito at kinakayang itago dito sa kuwarto ko. Mabuti na lamang at may kalakihan ang kuwarto ko. Puwede siyang magtago sa walk-in closet, o kaya sa banyo pag may pumapasok dito.

Hanggang kailan ko naman siya puwedeng itago? Hindi rin naman kasi ito sinlaki ng kanyang silid sa palasyo, doble o triple pa ata ang laki no'n dito.

Pag nasa school naman ako, hindi ko maiwasang alalahanin si Alexeus. Nasa kuwarto ko lang siya maghapon. 'Di kaya siya naiinip? Sa bagay, sinasabi naman niya sa'kin na ayos lang sa kanya na hintayin ang pag-uwi ko araw-araw. Pero, kahit na.

Isa pa, tinuruan ko siya kung paano gumamit ng ilang appliances sa kuwarto ko gaya ng aircon, at kung paano ang on and off switch ng mga ilaw. At mabilis naman siyang matuto. Natatawa nga ako pag naalala ko 'yong first time niya. Nagugulat siya na namamangha na ewan. Ang cute lang ng reaksyon niya.

Nandito ako ngayon sa school, partikular sa Student Council Office. Lunch break at nakatambay lang kasama ang ilan kong kapwa-officers. Mabuti at wala si William ngayon dahil may humila na naman sa kanyang babae at nagpakilalang girlfriend niya. Pambihira talaga.

"Guys!" bungad ng isang kapwa ko officer pagpasok pa lang niya ng office. Nagulat kami sa kanya at mukhang excited siya. Si Hazel, Grade 11 representative.

"O, Hazel. Anong meron?" tanong sa kanya ni Arriane, secretary namin.

"Nakakuha nga pala ako kahapon ng VIP passes para sa music festival! Ta-dah!" masaya niyang sambit sabay pakita sa'min no'ng sinasabi niyang VIP passes.

"Music festival? Saan naman? At sinu-sinong mga guests?" usisa naman ni Arriane.

"Gaganapin ito sa Tanza Oasis Hotel and Resort sa Cavite. Guys, please samahan niyo sana ako. Apat 'to oh. Sakto lang para sa'tin. Ako, si Arriane, si Charie, at si President William," masaya niyang sambit.

"Saan mo ba nakuha 'yan?" sabad ko naman. Bakit nga pala ako kasama?

"Binigay sa'kin ng kuya ko na friend ng music producer ng nasabing event. Alam kasi ng kuya ko na super duper fangirl ako ng vocalist ng bandang guest do'n!" excited niyang sambit.

"Sino bang bandang tutugtog do'n?" tanong ko.

"Sino pa ba? E di ang Red Serenade!" excited niyang sambit niyang kinikilig-kilig pa. Kitang-kita ang pagkislap ng mga mata niya.

"Red Serenade?" pagtataka ko.

Tinitigan ako nang dalawa na para bang 'di makapaniwala sa sinabi ko.

"Oh my God, Charie. Saang lupalop ka ba nagmula at 'di mo kilala ang super sikat na bandang 'yon ngayon? Grabe, I'm a super fan of Aidan Lustre kaya. Waah!" sambit ni Hazel.

"Fan din ako ng Red Serenade, lalo na ni fafa Jayden! Waah!" pati na rin si Arriane. At magkasama na ngayong nagfa-fangirling ang dalawa. Grabe. Gaano na nga ba 'ko katagal na nawala sa mundong 'to at 'di ko sila kilala?

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon