Ikatatlompu't-dalawang Kabanata
The Power WithinNakapulupot ang mga braso ko sa walang malay na katawan ni Alexeus habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na parang ayaw nang tumigil pa.
Biglang bumalik ang mga alaala ko mula nang matagpuan ko ang mahiwagang salamin sa library. Puno ako noon ng kaba at takot nang dalhin ako nito sa mundong 'to at ang tanging nasa isip ko lamang ay kung paano ako makakauwi sa amin.
Ngunit isang gabi, nakilala ko si Alexeus bilang misteryosong lalaki na nakatakip ng puting tela ang mukha maliban sa kanyang mga mata kaya't iyon ang una kong napansin. Dahil na rin siguro maningning ang mga ito at kulay bughaw.
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga matang iyon na nagniningning sa ilalim ng sinag ng buwan. Napakaganda, at talaga namang kahali-halina na mistulang ang pakiramdam ay lumilipad ka sa alapaap.
Sinong mag-aakalang ang masungit na prinsipeng 'di ako magawang pagkatiwalaan noong una ay ang siyang magiging aking kabalyero sa paglalakbay tungo sa paghahanap ng mga kosmima?
Tadhana. Tama. Mukhang nakatadhana ngang mangyari ang lahat ng ito. Mula sa pagkakatuklas ko sa salamin na iyon.
Ngunit dito na nga ba matatapos ang lahat? Nakatadhana nga bang mabigo ako sa aking misyon dito sa mundong ito? At ang mas masakit pa, mamamatay na nga ba 'ko dito?
Narinig kong umalingawngaw sa paligid ang nakakairitang tawa ni Despoina.
"Kabalyero nga siya. Ibinuwis niya ang sarili niyang buhay para lamang sa iyo!" nanunuya niyang sambit.
"At ngayong wala nang sagabal sa'kin, matatapos na kita ngayon ng walang kahirap-hirap, Magissa," sambit niya. Tapos at itinaas niya ang kanyang isang kamay at ikinumpas ito. Nabigla ako nang biglang lumutang ang katawan ni Alexeus.
"Teka sandali! Anong gagawin mo--" At ibinagsak lamang niya ang walang malay na katawan nito sa may altar ng templo.
"'Wag kang mag-alala, susunod ka na sa kanya!" sambit niya nang may nakakakilabot na ngiti tapos ay ikinumpas niya ang kanyang hintuturo at naglabas ito ng kulay itim na kidlat at kinuryente nito ang aking buong katawan.
Umaalingawngaw ang lakas ng aking sigaw sa buong lugar dulot ng sakit na dinadanas ko ngayon. Masakit pa rin ang saksak ko sa dibdib tapos ngayon ay nararamdaman ko sa aking mga ugat ang pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente sa aking buong katawan at sobrang sakit nito na para bang pumuputok na ang mga ugat at kalamnan ko.
Hindi ko na magawang lumaban pa. Wala na akong lakas pang natitira. Wala na rin akong pag-asa. Gusto ko nang sumuko. Kung ito ang nakatakdang mangyari sa akin, bahala na. Tatanggapin ko na lang ng buong puso.
Blangko ang aking isipan ngunit bigla na lamang umagos muli ang mga luha ko, habang tinitiis ang ginagawang pagpapahirap sa'kin ni Despoina na mistulang tuwang-tuwa sa ginagawa niya.
Ayaw ko na.
Gusto ko nang mamatay...
Mayamaya'y itinigil niya ang ginagawa niyang pagkuryente sa'kin.
"Naiinip na 'ko. Nakakatamad kang kalabanin. Hindi ka naman kasi lumalaban. Nakakawalang gana. Ang hina mo pala," tinatamad niyang sambit.
Nakahiga lamang ako na mistulang walang narinig mula sa kanya. Ano ba talagang gustong mangyari ng isang 'to? Bakit hindi pa niya 'ko patayin?
"Walang kuwenta kung papatayin lang kita nang hindi man lang ako nilalabanan. Mabuti pa 'yong kabalyero mo, inaliw muna ako bago ko siya tuluyang tinapos," sambit pa niya.
"Nakakainip," reklamo niya. "Ah alam ko na! Tutal hindi ka naman lumalaban dahil mahina ka na, paglalaruan na lamang muna kita bago kita tuluyang tapusin!" Nakangiti niyang sambit na para bang napakaganda ng naisip niya.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...