Ika-5: Truth Revealed

7K 291 145
                                    

Ikalimang Kabanata
Truth Revealed

Nagtataka ako, sa kabilang banda ay kinakabahan. Ano kayang kailangan sa'kin ni Alexeus?

"Ano raw ang kailangan sa'kin ni Prinsipe Alexeus?" tanong ko sa dama.

"Wala po siyang sinabi. Basta inutusan niya lamang po ako na ipatawag ko raw kayo, Kamahalan," sagot sa'kin no'ng dama.

Sumama ako sa dama at ngayo'y naglalakad kami at nasa unahan ko siya. Habang papunta kami kung nasaan si Alexeus ay 'di mapigil ang aking dibdib sa pagkabog nito ng malakas. Ano kaya? 'Di kaya, alam na niya?

Dinala ako ng dama sa silid-aklatan ng palasyo. Sobrang laki nito. Napakalawak na parang isang National library. Ang mga booksheves ay naglalaman ng mga sinaunang libro at scrolls. Nakita ko na si Alexeus. Nakaupo siya sa upuang katapat ng mesa. At puro mapa at may malaking globo na nakapatong dito. Ano naman kayang ginagawa niya d'yan? Pinag-aaralan niya?

"Pinatawag mo daw ako. May kailangan ka ba?" sambit ko. Tumingin lang siya sa'kin. Hindi ko mawari ang iniisip niya.

"Lumapit ka," utos niya habang nakatingin pa rin sa mga binubutingting niya sa mesa. Kahit nagtataka ako, lumapit ako. Nakita ko nang malapitan ang globo at mga mapa sa mesa niya. Mukhang mga sinauna talaga ang mga gamit dito.

"Maaari mo bang ituro sa'kin kung nasaan dito ang Pilipinas?" sambit niya. Nabigla ako sa sinabi niya. Lalo akong kinabahan. Anong ituturo ko diyan? Eh hindi naman ito globo ng Earth. Pero sinipat ko pa rin ang globo. Iba ang hitsura ng mga lupain dito. Ni walang America, Europe, Asia. Nasa ibang mundo nga talaga ako. At syempre, walang Pilipinas. Naghihintay si Alexeus. Anong ituturo ko sa kanya dito? Bahala na.

"Eto." Tinuro ko na lang iyong grupo ng maliliit na pulo.

Tiningnan niya 'yong itinuro ko. Ngumisi siya, "Sigurado ka?"

Naku, patay.

"Sa pagkakaalam ko, hindi iyan Pilipinas," sambit niya. Lagot na 'ko.

"Nagsaliksik ako ng mabuti tungkol sa iyong bansang pinagmulan na sinasabi mo, ngunit walang Pilipinas akong nasaliksik," seryoso niyang sambit.

Tumingin siya sa mga mata ko gamit na naman 'yong matatalim niyang tingin. Napalunok na lang ako.

"Sino ka ba talaga? Anong pakay mo at kailangan mong magsinungaling?" seryoso niyang tanong. Sasabihin ko na ba? Maniwala naman kaya siya? Ayaw ko na namang patungan ang kasinungalingan ng isa pang kasinungalingan. 

Okay, eto na. This is it. Kaya mo iyan, Charlotte. Huminga muna ako ng malalim bago ko simulan ang speech ko.

Tumingin ako deretso sa mga mata niya, "Totoong may bansang Pilipinas, at lugar na Calabarzon. Ngunit hindi ito isang imperyo," sambit ko. 

Napakunot ang noo niya, "Anong ibig mo'ng sabihin?"

Huminga ako ng malalim, "Hindi ako taga-rito, o kahit saan man d'yan sa mapa. Dahil ako ay nagmula sa... ibang mundo."

Nakatingin lang si Alexeus sa mga mata ko na nakakunot ang noo na mukhang nag-iisip kung maniniwala ba siya o hindi. 

"Ibang mundo? Anong ibig mong sabihin? Niloloko mo na naman ba 'ko?" pagdududa niya.

"Ha? Hindi! Nagsasabi na 'ko ng totoo ngayon!" sambit ko. Natataranta na 'ko. Paano ba siya maniniwala sa'kin?

Ah, alam ko na. May naisip ako. Kinuha ko ang coin purse ko sa aking bulsa.

"Nakikita mo ba 'to?" Inilahad ko sa kanya ang laman ng purse. "'Yan ang pera sa bansang pinanggalingan kong mundo."

"Papel? Bilang pera?" pagtataka niya. Kinuha niya sa'kin ito at sinipat ng mabuti. Tumingin ulit siya sa'kin at mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon