Ika-35: Welcome Back to Stavron

3.2K 115 42
                                    

Ikatatlompu’t-limang Kabanata
Welcome Back to Stavron!

Kababalik lamang namin ni Alexeus dito sa palasyo ng Stavron, ang kanyang tahanan. Mainit kaming sinalubong ng lahat ng tauhan ng palasyo. 'Di maipagkakaila ang kanilang tuwa na makita kaming dalawa na makabalik dito sa imperyo ng ligtas.

Agad kaming nagtungo ni Alexeus sa aming sariling mga silid upang makapagbihis at makapag-ayos na. Nagbabad ako sa paliguan ng kulang-kulang isang oras. Na-miss ko rin kasi ang ganitong klaseng buhay. Ang sarap talaga sa pakiramdam magbabad sa maligamgam na tubig.

Matapos no'n, dumeretso ako sa aking silid at binihis ang nakahandang damit na nakalatag sa kama ko. Suot ang aking kulay pula na meron ding halong puti na Victorian era style ball gown, ay lumabas na ako ng aking silid.

Dumeretso ako kung saan naroon ang hapag-kainan. Nadatnan ko na doon ang maharlikang mag-anak na nakaupo na sa kani-kanilang mga puwesto sa mesa.

"Charlotte!" masiglang bati sa'kin ni Prinsesa Airlia na nakaupo sa upuang katabi ng kanyang Inang Emperatris. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. 

"Magissa, halina't maupo ka na. Magsisimula na tayong kumain pagdating ni Alexeus," nakangiting sambit sa akin ng Emperador.

Ngumiti rin ako at umupo sa aking puwesto, sa tabi ng puwesto ni Alexeus. Ilang sandali lamang ay nandiyan na rin si Alexeus. Tapos ay umupo na rin siya sa puwesto niya, sa tabi ko.

"Ngayong kumpleto na tayo, halina't kumain," sambit ng Emperador.

Habang kumakain kami, bigla namang nagsalita ang Emperador.

"Maaari ba kayong magkuwento tungkol sa naging inyong paglalakbay sa labas ng imperyo?" nakangiti niyang sambit.

Napahinto kami ni Alexeus at nagtinginan. Tapos ay iginala namin ang aming mga paningin sa kanila. Mukhang nasasabik sila habang naghihintay sa aming mga sasabihin.

"Sisimulan namin ang kuwento sa Ajax," panimula ni Alexeus. At iyon na nga ang simula ng pagkukuwento namin ng mga dinanas namin sa kamay ng mga rebelde, at ang una naming engkuwentro, kay Zelion.

"Oo nga. Napakasama ng Zelion na iyan. Dinala siya rito ng mga guwardiya sibil ng Ajax at kasalukuyan siya ngayong nakakulong sa isang bartolina," sambit ng Emperador.

Isinunod naman namin ang kuwento ng pakikipagsapalaran namin sa Hagnos. Ang pagkakapadpad namin sa Pouli, ang tribo ng mga taong ibon.

"Totoo nga talaga ang mga kakaibang nilalang doon. Akala ko noon ay mga haka-haka lamang sila o mga kathang-isip lamang. Totoo pala dahil nakasalamuha niyo mismo sila," manghang sambit ng Emperador.

"Oo, Ama. Sa katunayan niyan," sambit ni Alexeus sabay tingin sa'kin, tapos ay ibinalik din niya ang tingin niya sa kanyang ama.

"Nagkagusto kay Charlotte ang isa sa kanila. Ang Poulian na anak ng mismong pinuno ng kanilang tribo na nagngangalang Kuro," sambit ni Alexeus na parang may halong inis sa kanyang tinig.

Namangha sila't nakaawang ang kanilang mga bibig sa kanilang narinig. Pasimple naman akong tumingin kay Alexeus at kinunutan siya ng noo. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at nagkibit-balikat.

Narinig naming tumawa ang Emperador. "Hindi naman iyon kataka-taka, anak ko," sambit niya.

Tapos ay itinuloy namin ang pagkukuwento hanggang sa pagkakadawit namin sa digmaan nila ng mga Lykosian, mga taong lobo.

"Aba! At pareho pala kayong naging bihag ng mga Lykosian!" gulantang na sambit ng Emperador. Gano'n din ang naging reaksyon ng Emperatris at ni Airlia.

"Opo, Kamahalan. Sa katunayan nga," sambit ko tapos ay ibinaling ko ang tingin ko kay Alexeus tapos ay ibinalik kong muli sa Emperador.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon