Ika-66: The Missing Prince

1.2K 36 4
                                    

Ikaanimnapu’t-anim na Kabanata
The Missing Prince

Nakadungaw na sa bintana si Emperador Basilious. Makikita niya sina Emperatris Arcanea at Aviar na magkausap!

"Oh. Ang aking asawa. Kasama ang...mga bulaklak," sambit nito

Ha? Sumilip na rin ako sa bintana. Nakita kong wala na si Aviar at nag-iisa na lamang si Emperatris Arcanea sa hardin.

"Minsan nagseselos na ako sa mga bulaklak niya sa hardin dahil minsan pakiramdam ko mas mahal niya ang mga ito kaysa sa akin," sambit niya sabay tawa. Tapos ay naglakad na ito papalayo.

---

Tanghalian na at nagtipon na kami rito sa hapag-kainan. Kasama ko ang maharlikang pamilya ng Baltsaros ngunit wala pa si Alexeus.

"Nasaan si Alexeus? Bakit wala pa siya hanggang ngayon?" usisa si Adara.

"Ano bang sabi sa'yo ng mga kawal?" tanong ko.

"Nakita raw nila si Alexeus na lumabas ng palasyo kaninang umaga. Pero hanggang ngayon wala pa rin siya," sagot niya.

"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya, Charlotte?" tanong pa niya.

"Hindi ko nga alam. Ni hindi ko nga alam na lumabas pala siya ng palasyo eh," sagot ko.

"Tama na 'yan, Adara. Huwag mo nang usisain pa si Charlotte dahil mukhang hindi naman talaga niya alam," pagsabad naman ni Calisto.

Natapos na kaming kumain at hindi pa rin dumating si Alexeus. Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa hardin ng palasyo.

Nasaan ka na ba, Alexeus? Bakit wala ka pa hanggang nagyon? Hindi kaya masama ang loob niya sa'kin dahil hindi ko sinagot ang tanong niya kagabi? Napabuntonghininga na lang ako.

"Charlotte."

"Ikaw pala, Calisto."

"Wala pa rin si Alexeus?" tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.

Mayamaya'y nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Calisto at niyakap niya 'ko.

"C-Calisto?"

"Charlotte. May sasabihin ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Alam kong matagal mo nang napapansin na gusto kita. Ngunit sasabihin ko pa rin. Mahal kita, Charlotte. Simula pa lang noong una tayong magtagpo sa pagdiriwang sa Stavron, alam ko na ang nararamdaman ko para sa'yo," sambit niya. Tapos ay naglayo na kami.

"Hihintayin ko ang sagot mo mamayang gabi. Pagsikat ng buwan, magkita tayong muli rito sa hardin, at saka mo sabihin sa akin ang iyong sagot," sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Ngumiti siya sa akin bago siya umalis. Napaisip ako sa kanyang sinabi.

---

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan ngunit wala pa rin si Alexeus. At sa pagkakataong ito, nakaramdam na ako ng labis na pag-aalala at kaba.

Saan ba siya maaaring pumunta? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?

"Pagsikat ng buwan, magkita tayong muli rito sa hardin, at saka mo sabihin sa akin ang iyong sagot,"

Oo nga pala. Sasagutin ko pa pala si Calisto pagsikat ng buwan.

Makalipas ang ilang minuto, sumikat na ang buwan at nagpakita na rin ang mga bituin. Pagkatapos ay bumaba na ako papuntang hardin. Doon ay natanaw ko na si Calisto na nakatayo at naghihintay.

"Calisto," sambit ko paglapit ko sa kanya.

"Charlotte. Mabuti't dumating ka," sambit niya nang nakangiti.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon