Ika-78: Danger

854 29 2
                                    

Ikapitompu’t-walong Kabanata
Danger

Naglalakad na ‘ko ngayon pauwi sa’min. Pagkatapos ng naging laban namin ni William, o Kokkinos ay bigla na lamang siyang naglaho. Marami pa sana akong gustong itanong at malaman mula sa kanya.

Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang bahay namin. Pumasok na ‘ko sa gate. Tapos ay dumeretso na ako sa sala pagpasok ko sa pinto.

“Mama! Tita Yvonne!” tawag ko. Ngunit walang sumasagot. Nilibot ko ang buong bahay. Nagpunta ako sa garden, sa kusina, tapos ay bumalik ako sa sala.

“Ate Lina? Ate Cely? Manang Lorna?” Nakakapagtaka. Nasaan ang mga tao?

“Kamusta, Magissa?”

Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita.

“O-Orien? Despoina?” Nakita ko silang bumaba mula sa hagdan.

“A-anong ginagawa niyo rito? Paanong…? N-nasaan ang mga tao rito? Anong ginawa niyo sa kanila?!” marahas kong tanong. Gumagapang ang kaba sa aking dibdib sa mga oras na ‘to. Halos nakikita ko na ang pag-angat ng aking dibdib dahil sa mabigat kong paghinga.

“Kalma lang, Magissa. Wala kaming ginawa sa mga kasama mo sa bahay. Pero,” sambit ni Despoina. May bigla na lamang itinapon si Orien sa harapan ko.

“Alexeus!” Agad akong yumuko upang tingnan si Alexeus. Hinawakan ko siya at inilagay ang ulo niya sa aking kandungan. Nanginginig ang aking buong katawan at pakiramdam ko’y may nakabara sa aking dibdib dahil sa nakikita ko.

“Alexeus, gumising ka! Anong nangyari sa’yo?” maluha-luha kong sabi.

May bakas ng dugo mula sa kanyang labi. May mga paso ito sa katawan at tadtad ng saksak ang katawan. Namumutla na rin si Alexeus. Wala na siyang pulso at hindi na siya humihinga.

“Alexeus…” Niyakap ko ang kanyang walang buhay na katawan at kumawala na ang mga luha sa aking mga mata.

“Huwag ka nang malungkot, Magissa. Dahil susunod ka na sa kanya,” sambit ni Despoina tapos ay narinig ko silang tumawa na talaga namang nakakapagpanginig ng laman.

Dahan-dahan kong inilapag ang ulo ni Alexeus sa sahig. Tumayo ako sa binigyan sila ng matalim na tingin.

“Fotia!”

Ilang sandali ay parang walang nangyari. Nagtaka ako.

“Aqua!”

Ngunit wala pa ring nangyari.

“Geo!”

Tiningnan ko ang mga palad ko. Wala talagang nangyayari. Wala akong nararamdamang kapangyarihan at hindi rin nagbabago ang aking anyo.

“Bakit?” bulong ko.

“May inilagay akong makapangyarihang harang na aking binuo gamit ang aking salamangka. Ang harang ay hindi nakikita ng sino man at nakabalot ito sa buong pamamahay na ito. At dahil sa harang na aking ginawa, hindi ka makakagamit ng iyong kapangyarihan bilang Magissa. Ganoon din ang nangyari sa iyong kabalyero kaya’t wala rin siyang nagawa,” sambit ni Despoina.

Napagkuyom ko ang aking palad. Ano nang gagawin ko ngayon?

“Mamamatay ka na rin ngayon gaya ng iyong kabalyero at mapapasaamin na rin ang iyong mga kosmima!” sambit pa niya tapos ay binato niya ako ng bolang apoy na kulay itim.

Napasigaw ako sa sakit at napaluhod ako sa sahig.

Mayamaya’y bigla na lang may humila ng marahas sa aking buhok. Sa pag-angat ng ulo ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Despoina.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon