Ikatatlompu’t-pitong Kabanata
Royal RivalryMahimbing pa akong natutulog nang bigla akong napabalikwas dahil nagulat ako sa biglang kumatok sa pintuan.
"Sino ba 'yan?" tanong ko.
"Buksan mo na lamang ang pinto," sagot ng kumatok.
Napakunot ang noo ko at pamilyar ang boses na iyon. Kinusot ko muna ang mga mata ko at sinuklay ng kaunti ang aking buhok gamit ang mga daliri ko tapos ay tumayo na ako at tumungo sa pintuan. Tapos ay binuksan ko ito at bumungad sa akin si Alexeus.
"Bakit ba--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lamang pumasok si Alexeus at isinara ang pinto. Takang-taka akong nakatingin sa kanya.
"Bakit ba? Anong meron? Bakit bigla ka na lang pumasok dito? Isa pa, ang aga-aga pa," sambit ko ng may pagkayamot.
"Sshh. 'Wag kang maingay," bulong ni Alexeus sabay lapat ng hintuturo niya sa labi ko. Lalo akong naguluhan sa nangyayari.
"Alexeus! Nasaan ka na ba?" Natigilan kami pareho nang marinig namin ang sigaw na iyon mula sa labas.
"Si Adara ba 'yon?" tanong ko. Tumango lamang si Alexeus bilang sagot.
"Teka, 'wag mong sabihing tinataguan mo siya?" usisa ko.
Napangiwi si Alexeus sa naging tanong ko. Ako naman ay bahagyang natawa.
"Alexeus! Nasaan ka na ba? Bakit bigla kang nawala?" sigaw pa ni Adara.
"Bakit ba? Ano bang meron?" usisa ko.
"Ang aga niya akong binulabog sa aking silid upang samahan siyang mamasyal sa Ceyx," sagot niya.
"O, 'yon lang naman pala eh. Anong problema do'n? Ayaw mo ba?" tanong ko.
Umiling si Alexeus. "Ayaw ko. Wala ako sa huwisyo ngayon upang maglibot sa siyudad. Isa pa..." sagot niya tapos ay tumingin siya sa mga mata ko.
Nabigla kami nang may bigla na lamang kumatok. Sabay kaming napatingin sa pintuan.
Nataranta bigla si Alexeus at agad na naghanap ng tataguan sa kuwarto ko. Nang makita naming umikot na ang busol ng pinto ay napatago na lang siya sa ilalim ng kama. Sakto namang bukas ng pintuan at gaya ng naisip namin, si Adara nga ang kumatok na iyon.
"A-anong kailangan mo, Prinsesa?" tanong ko habang pilit na umaaktong normal.
Nilibot muna niya ang kanyang paningin. "Nakita mo ba si Alexeus?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko pa siya nakikita. Isa pa, kita mo naman. Kagigising ko pa lamang," katwiran ko.
Tiningnan lamang ako ni Adara na para bang nag-iisip pa siya kung maniniwala ba siya. Tapos ay inikutan niya lamang ako ng mata sabay singhal tapos ay lumabas na siya sabay balibag ng pinto.
"Ayan. Wala na siya," malakas kong bulong. Mayamaya'y lumabas na rin si Alexeus mula sa pinagtaguan niya. Pinagpag niya ang kanyang sarili pagkatayo niya.
"Salamat, Charlotte. Tutuloy na 'ko. Pupunta na lamang ako sa silid-aklatan," sambit niya.
Sinamahan ko si Alexeus sa may pintuan. Pagbukas namin ng pinto ay nabigla kami nang bumungad sa'min si Calisto.
Natigilan kami tapos ay nagtinginan sa isa't isa. "A-anong ginagawa mo rito, Prinsipe Calisto?" tanong ko.
"Kakatok sana ako upang malaman kung gising ka na. Ngunit, hindi ko inaasahang ito ang bubungad sa akin," sambit niya.
"Ahm...nagkakamali ka ng iniisip, Calisto," sambit ko. Naku, paano ba ito?
"Hindi. Ayos lang," sambit niya.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...