Ika-53: The Intruder

1.6K 59 3
                                    

Ikalimampu’t-tatlong Kabanata
The Intruder

"Zelion?"

Nananatili pa rin akong nakatulala sa kanya na pawang hindi makapaniwala. Paanong nangyaring naririto siya? Nakakulong siya sa bartolina sa isang kulungan sa Stavron. Paano?

"Matagal din tayong hindi nagkita. Marahil nagtataka ka kung bakit ako naririto ngayon gayong ikinulong niyo ako," sambit niya.

Pagkatapos ay tumawa siya nang nakakainis. "Para sabihin ko sa'yo, nakatakas ako. May isang makapangyarihang nilalang na tumulong sa akin," dagdag pa niya.

Lalo akong nagulantang sa sunod niyang sinabi.

"Tinawag niya ang kanyang sarili bilang Despoina."

"Si Despoina..."

Napansin ko ang pagbabago ng emosyon ni Zelion. Mukhang wala na siya sa kanyang sariling katinuan.

"Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa ninyo sa akin! Kayong dalawa! Sugod, mga kampon! At siguraduhing mamamatay ang Magissa!" utos ni Zelion sa isang batalyong halimaw na kasama niya.

"Iyan ang hindi ko hahayang mangyari!" sigaw ni Alexeus na nakapagpalit na ng anyo sabay sugod sa mga halimaw na sumusugod patungo sa amin.

"Fotia!" sigaw ko sabay bago ng aking anyo.

Pinalitaw ko mula sa aking kamay ang aking gintong pana at ang aking mga palasong nagliliwanag ng kulay pula.

Magkakasunod kong tinira ng aking mga palaso ang mga kampon ni Zelion. At lahat ng tinatamaan ay nasusunog hanggang sa maging abo.

Samantalang si Alexeus naman ay gamit ang kanyang nagbabagang Flago sa pagtugis sa mga halimaw. At lahat din ng mahiwa ng espada ay walang kahirap-hirap na nahahati sa gitna sabay masusunog hanggang maabo.

Paulit-ulit lang naming itong ginagawa hanggang sa umunti sila. Ngunit mukhang walang bias ang ginagawa naming ito.

Bumubuga ng itim at malapot na likido ang mga halimaw at bawat matamaan nito ay nalulusaw. Kaya't ang mga kilos namin ni Alexeus ay mabilis ngunit maingat.

"Bakit gano'n? Mukhang hindi sila nauubos?" pagtataka ko.

"Oo nga. Mukhang kailangan lang nating ituloy ang ginagawa natin hanggang sa makita natin ang kahinaan nila," sambit naman ni Alexeus.

Nanlumo naman ako nang bigla na naman silang dumami nang hindi namin alam kung saan ba sila nanggagaling.

Ngunit sa pagkakataong ito, labis naming ikinagulat ang mabilis nilang paglipad na parang sinag ng liwanag!

"Alerto, Charlotte!" sigaw ni Alexeus.

Ngunit nasagi pa rin ako ng lumilipad na halimaw. Nagkaroon tuloy ako ng sugat sa kaliwang braso na ikinahina ng aking depensa.

Agad namang tumakbo papalapit sa akin si Alexeus upang sumaklolo. At nang makalapit na siya sa'kin upang alalayan ako ay bigla naman kaming sinugod ng mabibilis na lumilipad na halimaw.

Nagulat kami nang bigla na lamang nahati ang halimaw sa dalawa sa harapan namin mismo.

"Aristaeus?" sabay naming tanong ni Alexeus.

"Kamusta, Magissa at ang kanyang magiting na kabalyero?"

"Erasmus?"

"Anong ginagawa ninyong dalawa rito?" tanong ko habang iniinda ang sakit ng sugat ko sa braso.

"Oo nga. Delikado rito," sambit naman ni Alexeus.

"Mukha kasing kailangan ninyo ng tulong at bilang mga kaibigan," sagot ni Aristaeus sabay hinati niya ang halimaw na umatake sa kanya gamit ang kanyang espada.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon