Ika-68: The Revelation

927 36 2
                                    

Ikaanimnapu’t-walong Kabanata
The Revelation

Nasa hapag-kainan kami ngayon kasama ang maharlikang mag-anak ng Baltsaros habang kumakain ng tanghalian.

“Orien,” sambit ng Emperador.

“Ano iyon, Ama?” tanong nito.

“Kailan ba babalik dito ang iyong asawa? Masyado na yatang matagal ang pananatili niya sa Cascadia.”

“Sa makalawa raw po siya babalik, Ama,” sagot ng prinsipe.

“Bakit naman masyadong matagal ang pagbabakasyon ni Prinsesa Ariadna sa kanilang imperyo?” usisa pa nito.

“Alam natin na malapit si Ariadna sa kaniyang pamilya. Kaya siguro ganoon. Intindihin na lamang natin siguro siya,” sambit ni Orien.

“Alam ko naman iyon, anak. Ngunit paano ninyo ako mabibigyan ng apo kung palagi siyang wala sa tabi mo?”

Tila natigilan si Prinsipe Orien sa sinabi ng kanyang ama.

“Apat na taon na kayong kasal ngunit hindi niyo pa rin ako mabigyan ng apo,” sambit pa nito.

“Ama, abala akong maghanda upang magiging susunod na Emperador ng ating imperyo. Si Ariadna naman ay naghahanda na rin upang maging susunod na Emperatris. Balak sana namin magkaroon ng anak pagkatapos ninyong ipasa sa akin ang trono,” paliwanag ni Orien.

“Ganoon ba. Kung gayon ay kokoronahan na kita sa lalong madaling panahon,” sambit ng Emperador sabay tawa.

“Calisto.”

“Ano po ‘yon, Ama?”

“May napupusuan ka na bang babae, anak?” tanong nito na ikinagulat naman ni Calisto.

“Ama…ano kasi…” Tila hindi makapagsalita ang prinsipe.

“Ano anak?”

“M-mayroon po, Ama,” sagot ng prinsipe. Nagkatinginan ang lahat sa naging sagot nito.

“Nasaan siya? Anong pangalan niya? Anong katayuan niya sa lipunan? Isa ba siyang maharlika? Prinsesa? Dukesa? O anak ng isang mayamang mangangalakal?” usisa ng Emperador sa kanyang pangalawang anak.

“Higit pa siya sa inyong mga nabanggit. Maganda siya at may mabuting kalooban. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya tinanggap ang aking pag-ibig dahil may iba nang nagmamay-ari ng puso niya,” sagot nito.

“Ganoon ba, anak? Ikinalulungkot ko. Alam kong makakahanap ka pa ng babaeng higit pa sa kanya. Maghintay ka lang,” sambit ng kanyang ama. Napayuko na lamang ako sa aking kinauupuan.

“Adara.”

“Ama?”

“Kamusta naman ang iyong pag-aaral? Balita ko’y nahihiparan ka raw sa iyong asignatura na Matematika?” tanong nito. Tila nagulat naman ang prinsesa rito.

“Hindi naman gaano, Ama. Ngunit, ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang makapasa sa asignaturang iyon,” sambit ng prinsesa.

“Dapat lamang, anak. Nais kong higitan mo sa katalinuhan si Prinsesa Calliah. Balita ko’y siya ang pinakamagaling na prinsesa sa larangan ng akademiko. Nangunguna siya sa lahat ng kababaihan dito sa buong Aglaea,” sambit ng Emperador.

“At balita ko, pumapangalawa naman sa buong bansa si Prinsesa Airlia na nakababatang kapatid ni Prinsipe Alexeus. Binabati kita,” sambit nito sabay ngiti kay Alexeus.

“Salamat, Kamahalan.”

“Bakit, Ama? Hindi naman masama na pang-anim ako sa buong bansa, ah,” ungot ni Adara.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon