Ikapitompu’t-tatlong Kabanata
Promise, my love(#ProjectAusten part 4)
Sa mga energetic performances na ginawa ng Red Serenade sa pangunguna ng kanilang bokalista na si Aidan Lustre, talaga namang dalang-dala ang mga damdamin ng bawat taong nandirito. Halos lahat ng mga manonood dito ay tila punong-puno ng enerhiya sa pagsabay sa mga tugtugin nila.
Hindi maipagkakaila na si Aidan Lustre ay isa talagang 'total performer'. Magaling siyang magdala ng audience sa kanyang performance. Kay lalakas na hiyawan mula sa audience na mistulan ding mga nakikisabay sa kanilang bawat pagkanta na halata mong alam na alam nila ang mga awitin ng Red Serenade.
Kahit kami ni Alexeus ay 'di na rin napigilan ang madala sa sitwasyon ng paligid namin. Napapa-headbang na rin kami ng marahan lang naman. Natutuwa nga akong makitang gano'n si Alexeus. Pati paa niya napapasabay na rin. Pero no'ng una talaga, halos nawindang si Alexeus dahil sa lakas ng tugtugan. Matapos ko siyang i-orient, okay na sa kanya hanggang nasanay na rin siya sa ingay ng concert.
Isa din sa mga nakapagpahanga sa'kin kay Aidan Lustre ay nang kumanta siya ng isang malumanay na kanta.
"You are my everything
The one that brings life into me
Oh, can't you see?
I need you here with me..."
At ang nakakamangha dito, tahimik lamang na nakikinig sa kanya ang audience at ramdam mong dinadama ng lahat ang bawat lyrics ng kanta niyang ito. 'Yong iba pa nga parang naiiyak na. Para talagang may magic ang boses niya.
"And then I'll write a song about you,
And how you make life so complete by staying by my side,
I'll do anything for you, I promise you that,
I'll stay here, for as long as you are mine..."
Talagang kahanga-hanga ang boses ni Aidan na versatile mong matatawag. Kaya niyang ibagay ang boses niya sa kung anong genre ng kanta. 'Di talaga kataka-taka kung bakit napakarami niyang taga-hanga.
"Tila nahuhumaling na yata ang aking diyosa kay Ginoong Aidan," sambit bigla ni Alexeus malapit sa tenga ko. Nabigla ako't napatingin sa kanya.
"H-hindi naman sa nahuhumaling. Ngunit siguro'y napapahanga lamang niya 'ko ng kanyang kakayahan bilang isang mang-aawit," sagot ko.
Tumango-tango naman siya. "Hindi ko man lubusang maintindihan ang ipinararating ng awiting iyan ni Ginoong Aidan, sa palagay ko nama'y maganda ang mensaheng nais iparating nito," sambit ni Alexeus malapit sa tenga ko.
"Oo. Isang awitin na may kalakip na pag-ibig," nakangiti kong sagot sa kanya. Ningitian niya rin ako habang nakatingin sa mga mata ko sabay naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko.
"Siya nga pala, Charlotte," sambit niya bigla.
"Hmm?"
"May nakabunggo akong isang binibini kanina habang abala ang lahat sa pagsabay sa nakagigimbal na pagtatanghal ng mga ginoong iyan na nasa entablado. Ako'y nagtaka lamang sa kanyang wangis," sambit niya.
"Bakit naman? Ano bang hitsura niya?" usisa ko.
"Siya ay isang magandang binibini na matangkad, mas mapusyaw ang kulay ng kanyang balat, may tila kulay mais na buhok, at higit sa lahat...bughaw ang kanyang mga mata?" pagtataka niya.
"Mayroon palang ganoong uri ng tao dito sa inyong mundo?" dagdag pa niya.
Napangiti na lamang ako. "Sa pagkat ganoon ang hitsura ng mga taong Kanluranin dito sa aming mundo," sagot ko. Nabakas naman ang pagkamangha sa mukha ni Alexeus dahil sa narinig niya.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...