Ika-65: The Empress' Favor

1K 38 2
                                    

Ikaanimnapu’t-limang Kabanata
The Empress' Favor

"Alexeus-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang hilahin ni Adara si Alexeus.

"Alexeus, bakit mo 'ko iniwan? Hindi pa tayo tapos magsayaw," sambit nito.

"Pero sandali lang-"

At tulyan na ngang walang nagawa si Alexeus sa pagkakatangay sa kanya ni Adara papalayo sa akin at pilit na nakipagsayaw sa kanya.

Pumunta na lamang ako sa isang bakanteng sulok kung saan mag-isa kong pinagmamasdan ang lahat.

Mayamaya naman ay may lumapit sa akin.

"Mawalang-galang na, Magissa.Nais pong makipagkita sa inyo ng Mahal na Emperatris sa labas ng bulwagan," sambit ng kawal.

Napaisip ako at nagtaka kung bakit niya ako ipinatatawag.

---

Lumabas ako ng bulwagan at inilibot ang aking panigin. Nakita ko sa isang sulok sa may bandang kanan ang Emperatris na naghihintay. Napansin ko kaagad na parang aligaga siya. Hindi siya mapakali.

Nilapitan ko siya at nagbigay-galang, "Mahal na Emperatris."

"Mabuti at nandito ka na, Magissa," sambit nito. Napakunot ang noo ko dahil sa pagiging aligaga niya.

"Ipinatawag niyo raw po ako?"

"Oo," sambit niya. Tapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Malambot ang kanyang kamay ngunit malamig.

"Hihingi sana ako sa'yo ng pabor," sambit niya.

"Ano po 'yon?"

"Nais ko sanang manatili ka rito sa palasyo kahit mga ilang araw lang. Pakiusap. Maaari ba?" sambit nito. Bakas ang takot at alinlangan sa kanyang mukha.

"Maaari ko po bang malaman, Kamahalan?" tanong ko.

"Ano kasi-"

"Arcanea." Napatingin kami sa nagsalita.

"Basilious."

"Narito ka lang pala. Mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan ninyo ng Magissa," sambit nito tapos ay inakbayan niya ang kanyang asawa.

"W-wala naman. Personal ko lamang siyang binati sa pagpunta niya rito sa ating imperyo," sambit niya.

"Talaga, Magissa?" usisa sa akin ng Emperador.

Tumingin muna ako sa Emperatris at nabakas ko sa kanyang mukha na may nais pa siyang sabihin ngunit nag-aalinlangan siya dahil dumating ang Emperador.

"Opo, Kamahalan," sagot ko.

Ngumiti sila sa akin tapos ay bumalik na sila sa loob.

Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa loob at bumalik ako kung saan ako nakapuwesto kanina.

"Charlotte."

"O, Alexeus."

Tinitigan niya 'ko sandali, "Bakit ganyan ang hitsura mo? May nangyari ba?" usisa niya.

"Wala naman. Iniisip ko lang si Emperatris Arcanea," sagot ko.

"Bakit naman?"

"Para kasing may nais siyang sabihin sa akin na parang ayaw niyang ipaalam sa iba."

"Talaga? Sa tingin mo, ano kaya iyon?" usisa ni Alexeus.

"Wala akong ideya," sagot ko.

---

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon