Ikaapatnapu't-dalawang Kabanata
The First Magissa"Margaret?" tanong ko.
Tumango si Alexeus. "Oo. Iniligtas niya ang Stavron mula sa pagkawasak nito isan-daang taon nang nakararaan," sagot niya.
Napaawang ang bibig ko sa mangha habang tinitingala ang malaking larawan ni Margaret. Ang galing! Nakaya niyang maging isang Magissa. Ako kaya? Kakayanin ko rin ba?
"Sigurado akong kakayanin mo rin ang nagawa ni Margaret, Charlotte," nakangiting sambit ni Alexeus. Napangiti na rin ako dahil sa sinabi niya. Sana nga. Sana.
"Tamang-tama. Isa siya sa mga tatalakayin natin. Si Margaret, ang kanyang kabalyero, at kung paano nila iniligtas ang Stavron noon. Sigurado akong marami tayong aral na makukuha mula sa kanila. Sandali lamang," sambit muli ni Alexeus.
Naglakad siya tapos ay sumunod ako. Pumunta siya sa mga istante ng libro at may kung anong hinahanap. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siyang nagbubuklat-buklat ng mga libro.
Sa pagbubuklat niya, napansin kong parang naging aligaga siya.
"Bakit, Alexeus? May problema ba?" usisa ko.
"'Yong libro ni Margaret, hindi ko makita," sagot niya.
"Nasaan na kaya 'yon? Dapat narito lang 'yon," sabi pa niya.
"Alam ko na," sambit niyang muli tapos ay naglakad siya papalabas. Sinundan ko naman siya kahit wala akong ideya kung saan siya papaunta.
"Dama, pakitawag si Abeiron. Ngayon na. Sabihin mong pinatatawag ko siya. Bilis," utos ni Alexeus sa damang nakasalubong namin.
Ilang sandali lamang ay dumating na rin si Abeiron, ang mayordomo ng palasyo.
"Pinatawag niyo raw po ako, Kamahalan?" pagbibigay-galang ni Abeiron.
"Ikaw at ang iyong grupo ang taga-linis ng pangunahing silid-aklatan, hindi ba?" tanong dito ni Alexeus.
"Opo, Kamahalan. May problema po ba?" tanong naman ng mayordomo.
"Nawawala ang libro ni Margaret. Alam mo ba kung nasaan iyon?" usisa ni Alexeus.
"Ang libro ng Unang Magissa? Sa pagkakaalam ko po ibinigay na iyon ng inyong Amang Emperador sa kaapu-apuhan ng unang kabalyero, Kamahalan," sagot naman ni Abeiron.
"Ganoon ba? Kailangan namin ng Magissa ang librong iyon. Maaari mo bang sabihin sa'kin kung saan ko matatagpuan ang nagmamay-ari ngayon ng libro?" tanong ni Alexeus.
"Naka'y Blasious ang librong inyong hinahanap. At matatagpuan siya sa Lungsod ng Aegaeon," sagot niya.
Sumilay sa'kin si Alexeus tapos ay ibinalik muli ang tingin kay Abeiron. "Ihanda ang karwahe. Aalis kami ngayon upang puntahan si Blasious," utos ni Alexeus.
"Masusunod, Kamahalan," pagbibigay-galang ni Abeiron bago ito umalis.
---
Nakasakay kami ngayon sa opisyal na karwahe ng isang maharlika. Heto rin ang karwaheng sinakyan namin ni Alexeus noong natuklasan namin na siya ang tumakas na prinsipe ng palasyo.
"Si Blasious ang kaapu-apuhan ng unang kabalyero?" usisa ko kay Alexeus. Magkatabi kami ngayon dito sa loob ng malaki niyang karwahe.
"Oo. Ang unang kabalyero, si Marcus," sagot naman niya.
"Si Margaret at si Marcus," sambit ko.
Napaisip tuloy ako. Nagka-ibigan kaya sila ng kaniyang kabalyero? Nagkatuluyan naman kaya sila? Heto kayang si Blasious ay kaapu-apuhan nilang dalawa?
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...