Ika-46: First Fall of Snow

2.6K 96 3
                                    

Ikaapatnapu’t-anim na Kabanata
First Fall of Snow

Nagdaan na ang panahon kung saan ang mga dahon ay naglalaglagan mula sa mga puno nito. Nanlalaglag ang mga ito kapag kulay kahel na. O kaya minsan nama'y kapag kulay dilaw na o pula.

Tila palaging nagkukubli ang araw sa likod ng mga ulap. Malamig ang ihip ng hangin at nagiging dahilan din ito nang pagkalat ng mga nanlagas na mga dahon kung saan-saan. Ang mga tao'y nagsusuot na rin ng kani-kanilang mga damit na panlamig. 

"Nagsisimula na namang magbago ang panahon. Mula sa taglagas hanggang sa taglamig," sambit ni Alexeus.

Narito kami ngayon sa tanggapan ng palasyo. Nakaupo ako sa malambot na upuan habang nakatapat sa pugon. Habang siya nama'y nakatayo sa tapat ng malaking hugis arkong bintana ng silid.

"Oo nga. At wala pa rin tayong natatanggap na hinuha mula sa katheftris," sambit ko naman.

Matagal-tagal na rin kaming namamalagi dito sa palasyo. Higit dalawang buwan na ang lumipas mula nang magpunta kami kay Blasious upang marinig ang kasaysayan ni Margaret.

"Wala tuloy tayong ideya kung saan natin mahahanap ang susunod na kosmima," sambit niya.

 "Sana nama'y makaalis tayo ng palasyo sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang umulan ng niyebe. Mahihirapan tayo kapag naabutan tayo mismo sa ating paglalakbay dahil sa lamig," dagdag pa niya.

May punto si Alexeus. Bigla ko tuloy naalala ang araw matapos naming magpunta kay Blasious. Nakipag-usap kaagad kami kay Aristea at ito ang aming nalaman.

Noong bagong hirang pa lamang kay Aristea noon bilang bagong punong babaylan ng palasyo ay nakipagkita siya kay Marcus.

"Hindi pa tapos ang laban. Hindi tuluyang nagapi ni Margaret si Skotadi."

Iyan ang kanyang sinabi noon kay Marcus. Si Skotadi, ang diyos na dragon ng kadiliman at kamatayan. Siya ang pangunahing kalaban na kailangang magapi ng Magissa.

Ganoon ba siya kalakas kaya't hindi pala siya tuluyang natalo ng unang Magissa? Napagkuyom ko ang aking mga palad.

"Charlotte!" Natauhan ako nang marinig kong tinawag ako ni Alexeus at napatingin ako sa kanya.

"Ang iyong bulsa, lumiliwanag!" gulat niyang sambit.

Agad-agad ko namang dinukot ang katheftris mula sa aking bulsa. Lumiliwanag nga ito. Agad na lumapit sa akin si Alexeus upang makita ang sinasabi ng salamin.

"Sandali, isang arena?" pagtataka niya.

Nakita namin sa salamin ay isang arena. Ito ay isang malawak na entablado kung saan naglalaban ang mga magkatunggali gamit ang pisikal na lakas o kaya nama'y may gamit na sandata.

Napalilibutan ito ng matataas at solidong harang at mga hagdan-hagdang mga upuan para sa mga manonood ng laban.

"Bawat imperyo ay may mga arena. Saang imperyo ang tinutukoy ng salamin?" usisa ni Alexeus.

"Tingnan mo. May bandila sa tabi ng arena," sambit ko. Agad naman itong pinagtuunan ng pansin ni Alexeus.

"Kulay luntian...alam ko na!" sabi niya.

"Sa Imperyo ng Deucalion!" wika niya nang may pagkasabik.

"Deucalion?"

"Matatagpuan natin ang susunod na kosmima sa arena ng Imperyo ng Deucalion," sambit niya.

Wala kaming sinayang na oras ni Alexeus. Agad-agad na kaming nag-ayos ng mga gamit na aming dadalhin sa paglalakbay. Pagkatapos no'n ay agad na kaming nagpaalam sa kanyang pamilya. Gaya ng inaasahan, nag-alala na naman ang mga ito para sa amin ngunit kinumbinsi namin ang mga ito na huwag nang masyadong mag-alala pa.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon