Ika-54: The Feast of Calidan

1.6K 69 3
                                    

Ikalimampu’t-apat na Kabanata
The Feast of Calidan

Matapos ang kaguluhan na dinulot ni Zelion ay itinuloy pa rin ang pagdiriwang matapos ang limang araw mula no'ng pangyayaring iyon. At ito'y idinaos na lamang sa hardin ng palasyo.

"Paumanhin. Maaari ko bang makuha ang atensyon ninyong lahat?" sambit ng Emperador sa harap ng kanyang mga bisita.

"Nais kong ipabatid sa inyo na ako'y nakapili na ng hihirangin upang maging susunod na Emperador ng Deucalion," masayang sambit nito.

Kitang-kita ang pagkasabik ng mga bisita rito sa pagdiriwang dahil sa sinabi ng Emperador. Maging kami ni Alexeus ay hindi na rin makapaghintay sa sasabihin nitong anunsyo.

Katabi ng Emperador ang kambal na prinsipe at ang Emperatris. At nakikita ko rin sa kanila ang kaba at pagkasabik sa sasabihin ng kanilang ama.

"Parehong karapat-dapat sa trono ang aking mga anak kaya't mahirap ito para sa akin. Ngunit kailangang isa lamang sa kanila ang kailangang hirangin. At ang aking napili ay," sambit ng Emperador habang nakangiting nakatingin sa kambal.

"Ikaw, Aristaeus."

At nagpalakpakan kaming lahat matapos iyong sabihin ng Emperador. Samantalang si Aristaeus naman ay napaawang ang bibig at tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

"Binabati kita, aking kapatid!" masayang bati ni Erasmus sabay yakap sa kapatid.

Napanasin naman namin ang pagiging tulala ni Aristaeus.

"Aristaeus? Bakit?" usisa sa kanya ni Erasmus.

Mula doon ay tila natauhan na ang hinirang na prinsipe.

"Tama ba ng aking narinig? Ako ang hinirang na tagapagmana ng trono?" inosenteng tanong nito sa kapatid na si Erasmus.

"Oo, aking kapatid! Nakakatuwa ito, hindi ba? Ngunit, mukhang hindi ka yata masaya, Aristaeus?" usisa ni Erasmus.

"H-hindi naman sa ganoon. Ngunit..." sambit nito sabay tingin sa kapatid.

"Sa ating dalawa, ikaw ang higit na may pangarap nito, Erasmus. Ayos lang ba sa'yo?" pag-aalala ni Aristaeus.

Ngumiti naman si Erasmus sa kanya. "Oo naman. Pangarap natin ito. Natin. Isa pa, umpisa pa man, sa ating dalawa'y ikaw ang mas karapat-dapat," sambit ni Erasmus.

Ngumit na rin si Aristaeus sa kapatid at niyakap ito. Pagkatapos ay ipinatong sa kanya ng Emperador ang korona para sa hinirang na prinsipe.

Ang korona ay gawa sa pilak at may mga mamahaling bato ito na kulay luntian. Kumikinang ang korona at bumagay ito sa nagsusuot nito.

---

Nakagayak na kami ni Alexeus upang umalis ng palasyo. Narito kami ngayon sa tapat ng tarangkahan ng palasyo kasama ang kambal na prinsipe. Nakapagpaalam na rin naman kami sa Emperador at Emperatris bago kami napunta rito.

"Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay patungong Calidan," sambit ni Erasmus.

Kahit tanghali na ay hindi naman kainitan ang panahon dahil taglamig pa rin. Bahagyang makulimlim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin.

"Salamat sa pagpunta sa aming kaarawan," sambit naman ni Aristaeus.

"Walang anuman iyon. O, paano. Mauuna na kami," sambit naman ni Alexeus.

"Hanggang sa muli, Prinsipe Aristaeus at Prinsipe Erasmus," sambit ko naman sabay bigay-galang.

Ngumiti naman ang kambal na prinsipe sabay tango. Pagkatapos ay sumakay na kami ng karwahe na maghahatid sa amin sa terminal ng mga pampublikong karwahe papuntang Calidan.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon