Ika-23: Attack of Lykos

3.2K 125 22
                                    

Ikadalawampu’t-tatlong Kabanata
Attack of Lykos 

Kusa na akong nagising pagkat umaga na pala. Sumalubong ang nakasisilaw na sinag ng araw sa aking mata mula sa bintana. Agad ding tumambad ang mukha ni Alexeus sa aking harapan na mistulang natutulog pa, pagkat pareho kaming nakatagilid at nakaharap sa isa't isa.

Magkatabi nga pala kaming natulog. Ang amo talaga ng mukha niya na parang isang anghel. Ang dark brown at bagsak na buhok niya hanggang noo ay nagmimistulang kulay tanso kapag nasisinagan ng araw. 

Ang mga mata niyang may kaliitan, ngunit may makakapal at mahabang pilik ang lalong nagdedepina dito. Tapos kulay bughaw pa ang mga ito. Manipis at mamulamula ang kaniyang labi na parang talulot ng rosas. Samahan pa ng matangos niyang ilong na bumagay sa hugis ng kanyang mukha na may perpektong ukit ng panga. 

Tapos mas maputi at mukhang mas makinis pa ang kanyang balat kaysa sa'kin. Napangiti tuloy ako dahil sa karikitang pinagmamasdan ng aking mga mata ngayon. Pakiramdam ko'y kaya ko siyang titigan kahit magdamagan pa. Hindi nakakasawa ang kanyang mukha.

Ngayon lang ako humanga sa isang lalaki.

Teka, sinabi ko bang, humanga? Paghanga lang naman. Wala naman sigurong masama doon, 'di ba?

Hala, bigla siyang bumalikwas. Sa taranta ko, napapikit ako para magpanggap na tulog pa 'ko. Kinabahan ako do'n, ah. Akala ko mahuhuli na niya 'kong nakatitig sa kanya habang siya'y natutulog.

Pinapakiramdaman ko siya. Hindi pa siya bumabangon. Pakiramdam ko nga nakatingin siya sa'kin. Kinakabahan tuloy ako. Sana wala akong panis na laway. 

Mayamaya, naramdaman kong hinawi niya ang bangs ko. Nabigla ako kaya't lalong lumala ang kaba ko at parang may kaunting boltahe ng kuryente akong naramdaman dahil sa pagdampi ng kanyang mga daliri na naramdaman ko sa aking noo.

At sandali lang, naramdaman kong parang may hangin na umihip sa mukha ko. Napakunot tuloy ang noo at mata ko.

Narinig kong tumawa siya, "Alam kong gising ka, Charlotte. Bumangon ka na diyan."

Napabalikwas ako at napatakip ako ng aking mga palad sa aking mukha habang naririnig ko ang mahina niyang pagtawa. Alam niya? Ibig sabihin, alam din niya na kanina ko pa siya pinagmamasdan? Kung ganoon...nakakahiya ka, Charlotte!

---

Matapos namin mag-almusal kasalo ang mga Poulian ay dinala akong muli ni Kuro sa Puno ni Boreas. Pero sa pagkakataong ito, kasama na si Alexeus.

"Aba, dumami na ang mga itlog na naririto kaysa noong huli tayong nagpunta dito," sambit ko.

"Tama ka. Naging mga itlog na rin kasi ang ibang mga balahibong nakatusok sa ugat. Mukhang madadagdagan na naman ang mga miyembro ng aming tribo," natutuwa namang sambit ni Kuro.

Napansin kong may dinukot si Kuro mula sa kanyang bulsa. Isang maliit na botelya na may lamang kulay puting likido.

"Ano 'yan?" usisa ko.

"Eto ang dagta ng punong iyan. Ipakikita ko sayo ngayon ang nagagawa nito," sambit niya.

Binuksan niya ang cork na takip nito tapos ay lumagok siya ng kaunti. Mayamaya'y nagliwanag ang kanyang mga pakpak, ganoon din ang kanyang mga paa't kamay.

Pagkatapos ng liwanag ay nanlaki ang mga mata ko't napaawang ang aking bibig sa labis na pagkamangha.

"N-naglaho ang iyong mga pakpak at matutulis na kuko! Isa ka ng mortal!" mangha kong sambit.

"Pansamantala lamang ang bisa nito. Labindalawang oras lamang ang itinatagal nito," sambit niya.

"Alam ba ng iyong mga kasamahan ang tungkol diyan?" usisa ko.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon