Ika-60: The Princess' Secret

1.1K 46 0
                                    

Ikaanimnapung Kabanata
The Princess' Secret

Narito ako ngayon sa ikalawang palapag ng palasyo habang nakadungaw sa malaking hugis-arkong bintana na ito. Hindi mawala sa isip ko 'yong nakita ko kanina.

Magkasama si Alexeus at Calliah. Tapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

Napailing ako. Magtigil ka, Charlotte. Kahit ikaw ang napili niyang mapangasawa, pagpapanggap lang naman 'yon.

Isa pa, bukod kay Adara, potensyal na mapapangasawa rin niya si Calliah. Maganda ito at mukhang mabait.

Mayamaya'y may napansin ako sa ibaba.

"Calliah. Alexeus?"

Magkasama sila at mukha na namang seryoso ang pinag-uusapan nila. Tapos ay biglang hinawakan ni Calliah ang braso ni Alexeus na para bang nakikiusap ito.

Mayamaya'y ngumiti si Alexeus sabay tango. Napangiti nang malapad si Calliah nang dahil dito.

Napaalis ako bigla sa puwesto ko at pumunta sa hardin. Pagdating ko roon ay umupo ako sa isang bakanteng upuan. Tumingala ako sabay bumuntonghininga nang malalim.

Itinapat ko ang aking palad sa aking dibdib. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing nakikita kong magkasama sina Alexeus at Calliah.

"Magissa." Napalingon ako sa dumating na dama.

"Handan a po ang hapag-kainan," sambit nito.

"Susunod na ako," sambit ko tapos ay iniwan na ako ng dama.

Pagdating ko sa hapag-kainan ay nakaupo na sa kanilang puwesto sina Prinsesa Ariadna at Prinsesa Damara. Nang Makita nila ako ay binati nila ako ng isang ngiti kaya't sinuklian ko rin ito ng ngiti.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na katapat ni Prinsesa Damara. Mayamaya'y dumating na rin sina Emperador Lancero at ang kaniyang kabiyak na si Emperatris Aisela.

Matapos nilang umupo sa kanilang puwesto sa hapag-kainan ay palinga-linga ang Emperador na parang may hinahanap ito.

"Nasaan nga pala sina Calliah at Prinsipe Alexeus?" tanong nito.

Mayamaya'y bigla na rin namang dumating ang dalawa. Umupo sa bakanteng upuan na katabi ko si Alexeus, samantalang si Calliah naman ay sa tabi niya.

Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. At habang kumakain ay pawang nagbubulungan naman sina Alexeus at Calliah sa tabi ko.

"Ano bang pina-uusapan ninyo, Calliah?"

Napahinto sina Alexeus at Calliah sabay tingin kay Damara.

"Mukhang may lihim kayong dalawa, ah?" sambit pa nito.

"Naku wala, Adelfi!" depensa ni Calliah.

"Hmm. Sabi mo, eh," nasambit na lang ni Damara at itinuloy na nito ang kanyang pagkain.

Sa mga sandaling nasa hapag-kainan kami ay hindi man lang ako inimik ni Alexeus. Palaging si Calliah ang kausap niya. At tama nga si Damara. Parang may lihim na pinagsasaluhan ang dalawa.

Ngunit napili ko na lang na huwag nang usisain pa kung ano man 'yon.

---

Narito ako ngayon sa silid ko at kahiga sa aking kama. Nakatulala ako sa kisame at iniisip sina Calliah at Alexeus.

Ano ba kasing pinag-uusapan nila? Ganoon ba talaga sila kalapit sa isa't isa? Bakit simula nang dumating kami rito ni Alexeus ay si Calliah na lang palagi ang iniintindi niya?

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon