Ika-50: Deucalion Empire and The Twin Prince

2K 106 10
                                    

Ikalimampung Kabanata
Deucalion Empire and The Twin Prince

Nananatili lang akong nakatingin sa lalaki.
"Huwag kang matakot, binibini. Ako nga pala si Agathon, ang Duke ng Calidan, isang lungsod dito sa Deucalion. Ikaw? Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, magandang binibini?" maginoo niyang tanong.

"Ah...ako si--"

"Agathon!!" Isang nakabibinging sigaw mula sa isang babaeng kabababa lamang ng karwahe ang lumapit sa amin.

"Nandito ka lang pala! Tinakasan mo na naman ako!" bulyaw niya kay Agathon. Maganda ang babae at ayon din sa kanyang kasuotan ay may posisyon din siya sa lipunan.

Nabigla ako nang mapatingin sa akin ang babae.
"Kaya naman pala. May nakita ka na namang magandang babae," seryoso niyang sambit habang naniningkit ang mga mata.

"H-hindi naman sa gano'n. Narito talaga ako para sa..." sambit ni Agathon sabay tingin sa mga nakahilerang mga armas sa tindahan.

"S-sa mga ito! Tumitingin ako ng mga armas! Tama, 'yon nga!" palusot niya.

"Sus! Hindi ako naniniwala sa iyong palusot! Para namang hindi kita kilala, Agathon!" bulyaw muli ng babae habang nakaekis ang kanyang mga braso. Pagkatapos ay tumingin naman siya sa akin.

"Naku, pasensya ka na sa inasal ng aking kabiyak, binibini. Ako nga pala si Leda, ako ang anak ng Duke ng Corban, isang lungsod dito sa Deucalion," magiliw niyang pakilala sa kanyang sarili.

"Kabiyak?" tanong ko.

Tumango ang babae. "Oo. Kakakasal ko lamang sa hangal na 'to isang buwan nang nakararaan. Matagal nang magkakilala ang mga angkan namin kaya't ipinagkasundo kami upang magpakasal. Kaso naman..." sambit niya tapos ay tumingin siya ng masama kay Agathon kaya't napalunok ang lalaki.

"Napakababaero ng isang 'yan! Nakakainis," matigas na sambit niya. Napangiti na lang ako ng pilit dahil sa kanila.

"Charlotte." Tumingin ako kay Alexeus nang lumapit siya sa'min.
Napansin ko ring napatitig sa kaniya ang dalawa.

"Sandali lang. Bughaw na mga mata..." sambit ni Agathon tapos ay nagtinginan ang dalawa.

"Prinsipe Alexeus ng Stavron!" gulat na sambit ng dalawa nang sabay.

"Oo, ako nga," sagot naman ni Alexeus.

"Ibig sabihin, kasama mo ang binibining iyan?" tanong ni Agathon. Tumango lamang si Alexeus bilang sagot. Mistulang nanlaki ang kanyang mga mata dahil do'n.

"Kita mo na! Kasama pala siya ni Prinsipe Alexeus! Nakakahiya ka talaga!" inis na sambit ni Leda habang hila-hila ang tenga ni Agathon na siya namang daing nito.

"Paumanhin po sa inasal ng lalaking ito, Kamahalan. Wala po kasi siyang alam," sambit ni Leda sabay yuko. Napayuko na rin si Agathon.

"P-pasensya na po, Kamahalan. Maniwala po kayo, wala naman po akong ginawang masama sa kanya," sambit ni Agathon na nananatiling nakayuko.

"May gagawin palang po siya," sabad naman ni Leda tapos ay siniko siya ni Agathon sa tagiliran.

Napatingin naman sila nang tumawa si Alexeus. "Ayos lang. Wala naman kayong dapat ikahingi ng paumanhin," sambit niya.

"Kung ganoon ay hayaan mo po kaming batiin kayo ng malagiyang pagdating dito sa aming Imperyo ng Deucalion, Mahal na Prinsipe Alexeus!" magiliw na pagbati ng dalawa.

"Salamat sa inyong pagbati. Siya nga pala, si Charlotte, ang hinirang na Magissa ng aming imperyo," pakilala ni Alexeus sa'kin.

Mistulan namang namangha ang dalawa sa sinabi ni Alexeus.
"Kita mo na! Siya pa pala ang Magissa ng Stavron!" bulyaw muli ni Leda kay Agathon na may kasamang batok.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon