Ikapitompu’t-apat na Kabanata
The Man From My PastNaghahanda ako ngayon papasok sa school. Nakabihis na ako ng school uniform ko at ngayon nakaupo ako sa kama habang sinusuklay ang basa kong buhok. Kanina ko pa napapansin si Alexeus na kanina pa nakatingin sa'kin. Hindi na ako makatiis kaya't tinanong ko siya.
"May problema ba, Alexeus?"
"Wala naman. Hindi ko lamang talaga maiwasang mangulila sa'yo habang hinihintay kang umuwi. Pakiramdam ko'y napakabagal ng oras sa tuwing hindi kita kasama, aking diyosa," tugon niya.
Napabuntonghininga ako nang malalim. Sa tingin ko naiinip lang siya na maghapong nandito sa kuwarto ko habang hinihintay akong umuwi.
"Pasensya ka na. Kailangan ko lang talaga pumasok sa paaralan gaya ng aking nakagawian," sambit ko.
"Naiintindihan ko naman 'yon."
"Hindi ka ba nanonood ng TV?" tanong ko.
"Alin? 'Yang malaking kuwadradong itim na bagay na 'yan?" sambit niya sabay turo sa TV ko na kaharap ng kama ko.
"Oo, 'yan nga."
"Hindi ko alam kung paano siya buksan," katuwiran niya.
"Hindi ko ba naituro sa'yo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lamang siya. "Teka, nasaan na ba 'yong remote?" tanong ko habang hinahalughog ang kama ko.
Nakita ko ang remote control ng TV sa ilalim ng unan. Kinuha ko 'to at binigay kay Alexeus.
"Ang tawag dito ay remote control. Pindutin mo lang 'tong pulang buton at magbubukas na 'yang TV," sambit ko sabay bukas sa TV.
Pagbukas ko ay nasa anime channel siya. "Eto namang buton na ito at para ilipat ang channel para makapamili ka ng papanooran," sambit ko sabay pindot sa channel button. Tila manghang-mangha naman si Alexeus sa kanyang nakikita.
"Paano nagkasya ang mga tao d'yan sa kuwadradong bagay na iyan? Ginagamitan ba iyan ng salamangka?" usisa niya.
Natawa ako. "Hindi, Alexeus."
Inilipat ko sa channel na puwede siyang manood ng mga Tagalog na drama dahil 'yon lang naman ang naiintindihan niya.
"Oh paano, Alexeus. Alis na 'ko. Kailangan ko nang pumasok. Kita na lang tayo mamaya," sambit ko sabay sakbit ng bag ko.
"Mamaya na lang ulit, Charlotte," sambit niya sabay kaway sa'kin. Ningitan ko siya bago ako lumabas ng pinto.
Pagbaba ko ay sumakay na ako sa sasakyan tapos ay minaneho na iyon ni Mang Bert para ihatid ako sa school.
Dahil hindi naman ganoon ka-traffic, nakarating kaagad ako sa school nang maaga ng konti sa oras ng klase.
Dumeretso kaagad ako sa locker ko upang kunin ang librong kailangan ko sa first subject ko. Pagbukas ko ay tumambad ang mga love letters. Palagi talaga akong nakakatanggap ng ganito ngunit binabaliwala ko lang.
"Good morning, Charie," bungad sa'kin ni William pagkasara ko ng locker. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya.
"May love letters na naman sa locker mo? Sagutin mo na kasi ako para matigil na sila kasi may boyfriend ka na," sambit niya. Nakasunod pa rin pala siya sa'kin?
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya. "Puwede ba, William? Tigilan mo na nga ako. Ibang babae na lang ang kulitin mo, 'wag na ako," sambit ko tapos ay naglakad na 'ko ulit.
"Bakit ka ba ganyan sa'kin, Charlotte? May nagugustuhan ka na ba?" tanong pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Kung meron man, hindi kayo magkakatuluyan dahil hindi kayo para sa isa't isa." Napahinto ako dahil sa sinabi niyang 'yon.
BINABASA MO ANG
Magíssa: Elemental Sorceress
Fantasy[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council. Is...