Ika-59: The Empire of Cascadia

1.2K 55 0
                                    

Ikalimampu’t-siyam na Kabanata
The Empire of Cascadia

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Alexeus sa loob ng palasyo. Papaunta raw kaming bulwagan pagkat hinihintay kami ng Emperador at ng Emperatris.

Matapos ang ilang minutong paglalakad sa malawak na pasilyo na napalilibutan ng mga nagtatayugang mga poste na may mga masususi at magarang mga disenyo ng gaya ng sa sinaunang Europa, nakarating na rin kami sa bulwagan.

"Si Prinsipe Alexeus at ang Magissa ng Stavron ay narito na!" pag-anunsyo ng isang kawal pagdating namin. Sinalubong kami ng mga dama at mga kawal ng imperyo na nakalinya sa magkabilang gilid ng pasilyo. Yumuko sila sa amin bilang paggalang.

"Maligayang pagdating sa aming Imperyo, Prinsipe Alexeus, at Magissa," magiliw na bati sa amin ng Emperador.

"Ako nga pala si Emperador Lancero ng Cascadia, at heto naman si Emperatris Aisela, ang aking kabiyak," pakilala nito sa kanilang sarili.

"Ako naman po si Charlotte, Kamahalan," pakilala ko sa aking sarili sabay bigay-galang.

Minuwestra ng Emperador ang isa niyang kamay na ani mo'y isang senyas at nag-alisan ang mga dama at mga kawal na sumalubong sa amin kanina.

"Gusto rin naming batiin ka, Magissa mula sa pagkakapanalo mo sa Taunang Labanan sa Calidan sa Imperyo ng Deucalion," sambit ng Emperador.

"Maraming salamat, Kamahalan," sambit ko.

"Prinsipe Alexeus!" magiliw na sambit nito sabay yakap sa prinsipe.

"Kamusta ka na? Matagal-tagal rin mula nang huli tayong nagkita. Natutuwa akong Makita kang muli," dagdag pa nito.

"Maayos naman po ako, Kamahalan. Masaya rin po akong Makita kang muli," sagot naman ni Alexeus.

"Balita ko'y nakapili ka na raw ng iyong mapapangasawa sapagkat nasa tamang edad ka na. Paumanhin kung hindi nakapunta sa pagdiriwang na iyon ang aking bunsong prinsesa. Siya sana ang mapipili mo," sambit pa nito. Napayuko na lamang ako sa kanyang sinabi.

"Ahm, mawalang galang na po, Kamahalan. Si Charlotte nga pala, ang aking napiling mapapangasawa," pakilala sa'kin ni Alexeus.

"Ah, ganoon ba. Naku, paumanhin sa aking inasal," natatawa-tawang sambit ng Emperador.

"Wala po iyon, Kamahalan," sambit ko.

"Prinsipe Alexeus!"

Tumingin kami sa biglang tumawag sa kanya. At tumambad sa amin ang tatlong naggagandahang mga binibini na ayon sa kanilang kasuotan ay may mataas na posiyon sila rito sa palasyo.

Mabilis silang naglapitan sa amin na mukhang sabik na sabik na Makita si Alexeus.

"Mga anak ko," sambit ng Emperador.

"Kamusta ka, Alexeus?"

"Ngayon lang ulit tayo nagkita."

"Napasyal ka yata rito?"

Usisa ng tatlong babae na kung hindi ako nagkakamali ay mga prinsesa ng Imperyo ng Cascadia.

"Nangulila kami sa iyo. Para na rin kitang nakababatang kapatid," sambit ng isang dilag na kung hindi ako nagkakamali ay ang pinakamatanda sa kanila.

"Oo nga, Alexeus. Lalo na si Calliah," sambit naman ng isa sabay siko sa babaeng katabi nito.

"A-Adelfi Damara!" nahihiyang tugon nito.

Natawa lamang si Alexeus sa inasal ng tatlong prinsesa na mukhang matagal na rin niyang mga kaibigan. Ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila.

"Siya nga pala. Heto naman si Charlotte, ang Magissa ng aming imperyo," pakilala sa'kin ni Alexeus sa tatlong prinsesa.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon