"Noona dito ako kakain ah. Tinatamad akong magluto."
Sabi nito sabay upo sa sofa at on ng TV. Wow grabe.
"Feel at home ka yata?"
Note sarcasm. Well pakainin na nga lang tinulungan niya naman ako eh. Well just this night.
Pinasok ko sa ref yung mga na grocery ko pagkatapos ay naghanda na ako para sa kakainin namin. Infairness ang mahal ng meat nila dito. I think pasta for dinner is nice too.
"You like pasta?"
Tanong ko sa kanya habang nilalabas ang mga kakailanganan ko galing sa mga pinamili ko.
"Pas-ta? Yes. Pasta! Gusto ko ng pasta."
Sabi nito habang nakatingin sa TV. Kaya nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.
"Noona ano ang pangalan mo?"
Napatingin ako sa tanong niya. Kanina pa kami nag uusap hindi ko man lang alam yung pangalan niya. Gosh.
" It's Avara Corell."
"A-vaa-rah kohrel? Ang weird naman Noona."
"Minsan tinatawag nila akong Ava."
Sabi ko sa kanya habang hinahanda na ang pasta. Nilagay ko sa counter ang dalawang plate ng Pasta.
"Yah! Ayaw mong kumain?"
Agad itong tumayo at pumunta sa kitchen counter.
"Pangalan mo."
"Park Jihyun"
Sounds familiar tho.
"PASTA! Nag aral kang french?"
Tanong nito at sumubo.
"Pasta is a common food. You don't have to study french just to make this."
"Ahh arrasso arrasso nag aral ka nga ng french."
Sabi nito. Napahampas nalang ako ng noo at kumain.
"Nag babakasyon kaba dito sa Korea?"
Napatigil ako sa pagkain.
"Hindi. May rason ako kaya nandito ako sa Korea."
Napatigil ito sa pagkain.
"Wag mong sabihin isa ka sa mga assasin na pinadala rito no!"
Binatukan ko nga.
"Aray ah! Nakakadalawa ka na."
Sabi nito at hinimas ang ulo. Nagpatuloy ito sa pagkain.
"Nagpunta lang naman kasi ako sa Korea dahil sa-"
*Latest news BTS. Bangtan sonyeondan got rank in billboard again. They've been slaying all the charts. Patuloy pa itong lumalakas-*
Napatingin din siya sa TV.
"Bangtan."
"Ahh. Sila nalang palagi yung nasa laman ng balita. Si Jimin?"
Sabay turo kay Jimin.
"Mas gwapo ako niyan."
Sabi nito at nagpatuloy sa pagkain.
"Ano nga yung dahilan kung bakit ka nandito Noona?"
"Sila."
Sabay turo ng TV. Nabilaukan naman siya. Agad siyang kumuha ng tubig. Aba bakit ko siya bibigyan eh sinabihan niyang mas gwapo siya kay Jimin.
"Sila? Yung BTS, Bangtan sonyeondan?"
"Oo."
Natulala ito sa sinabi ko.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanfictionI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...