Bulletproof 30

163 11 0
                                        

Teka? Ba't ganito yung arrangement namin? Wala naman akong ginawang masama ah!

"Wait! Bak-"

Pinanlakihan nila ako ng mata. Bakit nasama ako sa pagagalitan eh si Jihyun lang dapat! Yung pitong idol nasa sofa nakaupo habang kami ni Jihyun nasa carpet nakaupo.

"Just as I thought. Si Jihyun nga ibig sabihin niya. Small world indeed."

Lahat sila nakatingin kay Namjoon na biglang nagsalita. Si Jin lang ang tumango at yung iba kumurap kurap nalang na nakatingin sa kanilang leader. Yes it's indeed a small world! Hindi ko naman kasi alam na kapatid pala to ni Jimin! Hindi ko naman maisip na magkapatid sila kahit parehas silang may Park I mean seriously madaming Park na hindi related sa isa't isa like Park Sandara. Kapatid din ba nila yun? Lalo na ang Kim, si Kim Taehyung, Kim Namjoon at Kim Seokjin see? And they are not related!

"Jihyun mag usap tayo!"

Hinawakan ko si Jihyun at tumayo kaming dalawa. Nagulat ako ng tumayo din sila well except kay Yoongi na tulog na naman sa sofa.

"Saan kayo pupunta?"

Tanong ko sa kanila.

"Sa kung saan kayo mag uusap."

Sabi ni Taehyung na nagpatango kina Jimin at Hoseok. Pinanlakihan ko sila ng mata.

"Ah sabi mo nga dito lang kami."

Sabi ni Jimin at umupo sila ng sabay. Kinaladkad ko si Jihyun sa bedroom ko.

"Hyung! Tulungan niyo ko! Wag niyo ko iwan kay Noona."

Panghihingi ng tulong nito. Pagkarating namin sa room inilock ko agad.

"Jihyun."

Panimula ko. Hilaw itong ngumiti sa akin.

"Bakit di mo sinabi?"

Umupo ito sa bed ko at tiningnan ako. Huminga ito ng malalim.

"Kasi Noona.. Baka tawanan mo ako pagsinabi kong kapatid ko si Park Jimin."

Nakayuko nitong sabi. Binatukan ko nga! Hindi kasi bagay sa kanya ang magdrama! Ginawa pa niyang proteksyon ang kamay niya akala niya siguro babatukan ko siya ulit.

"Nakakainis kang bata ka! Kaya pala alam mo mga sched ng Bangtan noon. At sinong nagsabing pagtatawanan kita kung sinabi kung kuya mo si Jimin hah?!"

Tumaas ang ulo nito at tiningnan ako.

"Eh kasi-"

"Ibahin mo ko Jihyun! Alam mo namang mahal na mahal ko ang Bangtan. Kaya magiging masaya ako kapag nalaman kung kapatid ka ni Jimin."

Seryoso kung sabi kay Jihyun. Nakita kung naghahanap siya ng isasagot.

"Kasi yung iba pagsinabi kung kapatid ko si Jimin pagtatawanan lang ako at hindi sila maniniwala."

Umiling ako sa sagot ni Jihyun. Napatigil akong makita kung namumula ang mga mata nito. Oh no. Huminga ako ng malalim.

"Kilala mo naman ako Jihyun diba?"

Tumango ito. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ko ang buhok niya.

"I'm sorry Noona."

Napangiti ako sa pagenglish nito. Nagulat siya sa pagngiti ko pero ngumiti rin siya kalaunan. I think it's okay na rin. Tapos na eh hindi na mababalik yun atleast alam ko ng kapatid ito ni Jimin itong asungot nato.

"Noona? Papakainin mo na ba ako?"

Sabi nito. Binatukan ko ulit at tumawa. Ano kaya kinain ng batang to habang wala ako. Napatingin kami sa door ng may biglang kumatok.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now