Bulletproof 35

187 8 3
                                    

"Jimin magpapraktis na."

Nagulat ako sa pagsulpot ni Yoongi at agad na sumakay sa likod ni Jimin dahilan para masubsob sila sa sahig. Natawa ako kasi naman naipit sa ilalim si Jimin.

"Hyung. Mababali yung balakang ko. Umalis kana."

Sabi ni Jimin pero hindi pa rin umaalis si Yoongi. Nakapikit lamang ito sa likod ni Jimin. Tumayo na ako.

"Yah!!"

Sigaw nito. Mukhang nahihirapan talaga siya kay Yoongi. Ngumiti ako at naglakad na palayo. Madami pa nga pala akong gagawin. Sinabi kaya ni Jihyun ang nangyari?

"Ava!"

Gulat akong napatingin kung saan nanggaling yung boses.

"Manager nim!"

Agad akong naglakad palapit sa kanya.

"Ba-bakit po?"

Tanong ko sa kanya. Sumenyas itong sumunod ako. Naglalakad kami sa hindi masyadong matao.

"Gusto kong magpareserve ka ng hotel doon. Alam mo naman siguro diba kasi doon ka nakatira!"

Matinis nitong sabi. Pumasok kami sa meeting room namin at umupo. Kinuha ko yung phone ko para matingnan kong anong hotel yung kukunin namin.

"Manager nim ano pong hotel yung kukunin natin."

Tumingin ito sa akin.

"Yung may matutulugan Ava! Yung kasya sa budget natin!"

Masungit nitong sabi. Nagmamadali akong tumango. Kinuha ko yung notebook ko.

"At oo nga pala kailangan nating maghire ng team para mag set up ng venue."

Napatingin ako sa sinabi niya. Kailangan namin ng mga taohan para maset-up ang venue. Pinakita ko sa kanya yung hotel na tutuluyan namin. Kumunot ang noo nito.

"Nagbibiro ka ba?"

Nagulat ako sa sagot Manager Joon. Umiling ako bilang sagot.

"Sisirain mo ba image ng Bangtan! Maghanap ka naman ng maganda."

Ay oo Concert nga pala to ng Bangtan. Akala ko kasi vacation to ni Manager Joon LOL joke lang. Pinakita ko ulit sa kanya ang phone ko.

"Hmmm. Maganda yung price. Kunin mo yung tatlong tao ang kasya sa room. Okay rin naman yung staff doon diba? Yung security?"

Napaisip ako. Madami ng sikat na mga artista ang pumunta doon. Isa din naman ito sa sikat ng hotel and I think it's okay.

"Pagdating po natin doon titingnan po natin kung safe ba at maayos ang security."

Tumango ito habang nakatingin sa phone.

"Inayos ko na yung flight natin. Ihanda mo na ang mga gamit mo."

Sabi nito. Hinawakan ko ang kamay ko. Hindi ako mapakali. Napunta ang mga mata namin sa kakapasok na si Manager Kim. Agad kumunot ang noo nito at tumingin sa akin.

"Bakit?"

Masungit na tanong ni Manager Joon at hindi man lang tumingin kay Manager Kim. Napa OH yung bibig ko habang nakatingin kay Manager Kim. Oh-oh first time kong narinig na sinungitan ni Manager Joon si Manager Kim. Pero heto si Tatay wala eh wa epek sa kanya.

"May meeting ngayon. Ba-baba daw si BangPD-nim makikinig sa meeting."

Pumasok na yung ibang Managers at nag si upuan. May lumapit pa na isang Manager kay Manager Kim at may binulong ito. Tumayo si Manager Joon at tumingin sa akin.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now