Special Chapter

133 9 6
                                    

"Mom can i go to Korea?"

"No!"

Alam ko namang ganun ang isasagot ni Mom kaso nagbabakasakaling akong magbago ang isip niya. May pinareserve na akong apartment sa korea kung hindi lang sana niya ako nakitang pumunta dito nakaalis na ako! Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa labas ng bintana. Gustong gusto kong makita ang Bangtan.

"Avarah don't go out without Seb okay. I'll be back later."

Pupunta yata si Mom sa company niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ibig sabihin?"

Ngumiti ako at tumayo. Naghanap ako ng damit masusuot panlakad.

"My passport are ready. My money are ready. What are you waiting for Ava? Tara't puntahan na natin ang Bangtan."

Nababaliw na ako. Magsalita ba namang mag isa habang nagbibihis.

"Ava sayang yung 3 years na pinagpaguran mo sa Dad mo kung hindi mo gagamitin hindi ba? Habang buhay kapa kailangan sulitin mo na."

Baliw na talaga ako. Kinuha ko yung bennie at agad lumabas. Nakayuko ako habang naglalakad. Nang makalabas na ako sa hospital agad akong naghanap ng taxi.

"Kuya pwede pakibilisan ng konti. Nagmamadali kasi ako."

Sabi ko. Kung hindi lang sana nakita ni Mom na papunta akong hospital non hindi sana ganito ito ngayon. Ang galing ng espiya niya grabe! Nalaman nya tuloy kalagayan ko! Nang makarating ako sa apartment ko agad kong nilagay sa lauggage ang mga dadalhin ko. Yung gamot ko nilagay ko sa backpack.

"Gotta hurry."

Bulong ko at tumingin sa paligid. Agad akong sumakay ng taxi at dumeretso ng airport.

"Miss flight to korea!"

Nagulat ang babae dahil sa biglang pagsulpot ko. Binigay ko sa kanya ang passport. Tiningnan ako nito. Oh shoot! Tinanggal ko yung glasses ko. Mapagkamalan pa ako ng criminal dito kasi kahinahinala yung kilos! Walangye!

"Economy?"

Tumango ako. Kahit ano basta papuntang SoKor! Dalian mo na! Agad niya naman akong sinabihan kong anong plane yung sasakyan ko. Naglakad ako ng mabilis kong saan yung gate.

"Oh shoot. May ilang minuto pa bago kami papasukin!"

Umupo ako sa pinakamalapit na bench sa may gate na papasukan ko.

Calling all the passengers to Korea

Napangiti ako at agad tumayo. Inayos ko ang glasses ko.

"Korea here i go."

Makikita ko na rin kayo! Bangtan Sonyeondan!

-------------

Ngumiti ako ng malawak ng makatapak ako sa Incheon airport. Dream come true!

"Tinatawag ako ni Inang kalikasan."

Oh great i need to pee.

"Excuse me! Ack! Aray hah!"

Ay grabe! Alam ko namang maliit ako pero masakit ah! Nang makita ko ang sign na Comfort Room agad akong tumakbo. Hindi ko na nga napansin na may dala akong dalawang maleta.

"Gosh i really need-"

Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng makita ang lalaking nakatayo. Oh shoot! Maling comfort room!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!"

Sigaw ko. Hindi ko makita ang mukha niya since naka cap, glasses at mask. Pero halata rin nagulat rin siya kasi nagmamadali itong i zip ang pantalon niya! OMG hindi ko sinasadya. Tumalikod ako.

"I'm so sorry. I didn't mean to see your-"

Hindi ko tinuloy yung sinabi ko. Napakagat ako ng labi at inayos ang glasses ko bago ako naglakad palabas.

"Yah!"

Sigaw nito agad akong lumabas. Nakarinig pa ako ng sigaw pero hindi na ako nakinig. Pumunta na ako sa kabilang comfort room.

"Nakakahiya Ava!"

Pagkatapos kong gumamit ay lalabas na sana ako ng biglang lumabas yung lalaki kanina dahilan mapabalik ako. May kasama na itong kaakbay.

"Talaga? May babaeng pumasok?"

Natatawa nitong sabi. Sorry hindi ko talaga sinasadya.

"Akala ko ikaw lang yung taong nagkakamali ng pasok sa CR. May iba rin pala."

Sabi nito na parang naiinis.

"Ano nakita niya yung ano mo no?"

Napapikit ako ng tinanong yun ng kasama niya sabay tawa.

"Tumigil ka Tae-ssi!"

Sabi nito at naglakad na palayo. Hayyy salamat.

"Yah! Jiminie!"

Lumabas na ako ng CR. Napatingin ako sa dalawang nakaakbay. JIMINIE? Natawa ako. Parang si Jimin lang. Naglakad na ako palabas doon.

"Don't worry Ava. Makikita mo rin sila."

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now