Bulletproof 3

255 15 0
                                    

"Bio? Check! Wallet? Check! Headphone? Check! Phone? Check! Cards? Check! My signing notebook? Check! Ngayon backpack nala-"

"Noona matagal pa ba yan?"

Biglang sigaw ni Jihyun galing sa living room ko.

"Just wait! Malapit na akong matapos."

"Meron tayong 40 or more minutes kapag papuntang Incheon. Magmadali kana Noona."

Agad kung nilagay ang mga gamit ko sa backpack at bago ko ito naclose eh cheneck ko muna kung completo na ang lahat.

"Eto na nga lalabas na."

Nakita ko namang umiinom ito ng fresh milk which is binili ko yun ah.

"Hoy Jihyun hugasan mo yang ginamit mong baso. Ayaw kong may kalat na naiiwan."

"Opo Noona."

Nagmadali ito sa paghugas at lumabas na kami ng room.

"Ayun sa sched na nakuha ko sa internet yung fansigning nila nag sta-start in 10 am KST so it's still 8:30 am we have 40 or 50 min kaya hindi ako malalate."

"Hindi tayo sigurado Noona. Ang tagal mo kasi baka maipit tayo sa traffic."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Wait! What? Nagtatraffic din pala dito? Imean. Hanap ka nalang ng shortcut."

Sabay kaming pumasok sa kotse niya.

"Hindi ko alam yung shortcut no."

"Malayo pa naman yung oras eh. Makakaabot pa ako."

Umandar na yung kotse.

"Teka anong gagawin mo sa Incheon?"

Tanong ko sa kanya tumingin ito saglit balik agad sa kalsada. Inayos ko yung bonnet ko at headphone.

"Kukunin ko allowance ko."

"Sa Incheon ka nakatira? Saan ka nag aaral?"

Kumunot ang noo nito.

"Hindi ako sa Incheon nakatira Noona. Sadyang nandoon lang yung taong nagdala ng allowance ko."

Sabi nito. Baka naman pinsan or kamag anak niya? Mukhang nag iisang anak lang yata to.

"Wait! This is Bighit right!?"

Bubuksan ko sana ang bintana ng maalala ko na malamig sa labas. Naramdaman kung hininaan niya ang pagdadrive.

"Nasa second floor yata yung office nila Noona."

"Oo yun din yung sabi nila!"

Wait? What?

"Fan ka rin ng BTS no! Aminin mo na!"

His kind of fidgeting.

"Hindi no!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko itong napalunok. Mag kasing edad sila ni Kookie pero mas mature tingnan yung fetus na yun kesa kay Jihyun.

"Yah! Sino ba ang nakatira dito sa Korea hah. Diba ako!"

Umayos na ako ng upo at tumango tango nalang sa sinabi niya. Tama naman kasi siya eh.

"Matulog ka na nga lang Noona! Ang gulo mo eh. Ikaw pa dahilan kung ma aksidente tayo."

"Yah! Ba't ako? Ikaw nag dadrive diyan eh."

"Ang gulo mo kasi! Matulog ka na nga Noona!"

"Oo na! Ito na nga oh!"

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now