Wait! What?! Nagtatrabaho siya sa BIGHIT?!
Napatayo ako sa sinabi niya na ang dahilan para magulta siya."You're kidding right?"
Napatawa ako ng konti. Baka naman jinojoke time ako nito hah. Sabi nga ni Jihyun palaging nasa news ang BTS kaya madaming nakakakilala sa kanila ngayon.
Ngumiti ito sa akin. Kanina gusto ko ang mga ngiti niya pero ngayon parang may pinaplano siya."Manager ako ng Bangtan. Noong kakadebut palang nila nandoon na ako."
Tiningnan ko siya ng maayos. Mas lumawak ang ngiti nito.
Lumaki ang mata ko ng may narealize ako. YUNG MANAGER ni Taehyung! NO! Kay Jimin? Kay Jungkook! Hindi eh. Nakikita ko siya sa lahat ng picture ng BTS kapag sa airport!
Bigla akong napapalakpak."Aha! It's you! Ikaw yun! Yung Manager na nagluluto ng meat sa isang show!"
Tumawa ito ng konti at tinakpan ng konti angmukha. OMG I CAN'T BELIEVE THIS!!!
Umupo ako. Hindi pa rin makapaniwala."Ikaw yung nagawan ng article. BTS manager can be a model."
Napatingin ito ng maayos sa akin at lumaki ang mga singkit nitong mata. Time ko naman para tumawa.
"Ikaw yun. Ang dami mo ngang fans sa bansa namin eh. Hindi lang BTS ang may fandom sa inyo kundi ikaw at si Bang-PD din."
"Talaga?"
Hindi makapaniwalang tanong sa akin. Tumawa ako ng konti. Madami nga silang fans ni Bang-PD.
Tumango ako bilang sagot. Tinaasan niya ako ng kilay."Kumain ka na. Lalamig na yang pagkain."
Sabi nito. Nginitian ko siya at tumango.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Naalala ko bigla yung offer niya. OMG chance na magkita kami ng BTS. Thank you Lord. Tinutulungan niyo po talaga ako. Eh ang gusto ko lang naman makita sila pero sinobrahan mo may sweldo na makikita ko pa sila!"Ahmm Mr. Kim. Magreretire na ba yung manager? Kailan? Ngayon na? Kailangan ko talaga kasi ng pera. Hindi ako makakauwi sa amin."
Paawa kung sabi. Tinaasan ako ng kilay at ngumiti ito. Please naman wag ka naman ngumiti ng ganyan Mr. Kim feeling ko kasi may plano kang hindi maganda.
"Sabi ni CEO bawal magtrabaho ang isang fan doon. Lalo na sa BTS."
Ngumiti ito ng mapang asar. Asar naman oh. Nagbago yata isip.
"Ahmm? Huh? Sinong BTS? Hindi ko sila kilala? Ah yung sa news ba. Sila yun? Hindi ko sila kilala. Mr. Kim tanggapin niyo na po ako."
"Hindi ako ang tumatanggap no. Si CEO tanungin mo niyan."
Wala na. Nag offer siya kanina eh. Ba't pagulat gulat pa kasi ako!
"Sige na Mr. Kim."
Kumain lang ito. Hindi na talaga mababago isip niya.
"Mr. Kim."
Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi na maexplain ang mukha ko iiyak, natatae o ano. Hanggang dito ba naman may paasa.
Bigla akong may naisip. Tumingin ako sa paligid. Ngumiti ako at huminga ng malalim."Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Yes sumigaw ako at tinuro siya. Aba kung mas titingnan mas maniniwala ang mga tao sa akin dahil kompara ba naman katawan niya eh parang ipis lang ako dahil sa liit.
Nakita kung nagulat siya at tumingin sa akin na parang natataranta. Sumisigaw pa rin ako.
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at tumingin sa paligid. Napatingin din ako lahat sila nakatingin sa amin."Ano kaba langaw lang yan. Kung makasigaw to."
Sabi bigla ni Mr. Kim at hinahawi hawi niya yung kamay sa hangin parang langaw talaga. Umaarte din.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanfictionI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...