"Magsisimula na ang Tour. Nagready na kayong lahat?"
Lahat kami tumango sa tanong ni Manager Kim.
"Madami ng nakakilala sa Bangtan. Ibig sabihin habang tumatagal mas lalong humihirap trabaho natin. Kaya lahat tayo ay magdodouble time! Nagkakaintindihan tayo?!"
Sabi ni Manager Joon. Tumango ang lahat. Except sa Bangtan na nagkukulitan.
"Nagkakaintindihan tayo Bangtan?!"
Nagulat sila sa sinabi ni Manager Joon at nag salute pa ito kaya natawa ang lahat. Si Namjoon naman umiiling nalang. Habang tumatagal kumukulit din sila.
"Fighting!"
Sigaw ni Manager Kim.
"Fighting!"
Sabay naming sabi pagkatapos ay nag si balikan sa mga ginagawa. Nakita kung lumapit sa pwesto si BangPD-nim sa Bangtan. Nagcircle sila na parang basketball team lang. Napangiti ako.
"Dul! Set! Bangtan Sonyeondan!"
Pumasok na sila sa practise room tumigil pa si Taehyung at kumaway sa akin. Ang kulit talaga ng isang ito. Inakbayan ito ni Jimin at kinaladkad.
"Ava."
Biglang lapit ni Manager Kim sa akin. Nginitian ko siya pero hindi ito ngumiti pabalik. Ano naman trip nito?
"Tay problema mo?"
Natatawa kong sabi.
"Sumunod ka sa akin."
Sabi nito at naglakad. Kinabahan ako. May problema? Nadaan kami sa practise room ng Bangtan. Natanaw ko sila at nagsisimula na silang magstretching.
"Ava makinig ka!"
Napahinto ako. May sinasabi na ba siya?
"Ang sabi ko hindi ka makakapunta sa ibang concert ng Bangtan."
Wait? What? Nabingi yata ako. Tumawa ako ng sarkastiko. Baka nangjo-joke time lang itong si tatay.
"Hindi nakakatawa. Impossibleng hindi ako makasama sa concert ng Bangtan. Kulang tayo sa staff tapos-"
"Hindi ko sinabing. Hindi ka makakapunta sa concert."
Napahinto ako. Ano ba kasi ibig sabihin niya?
"Iaasign kita sa isang lugar kung saan magcoconcert din doon ang Bangtan. Gusto kung tingnan mo ang venue doon kung maayos ba."
At saan naman yun? Am I qualified to be given by this assignment?
"Saan ba yan? Tapos susunod lang ako sa inyo kung matap-"
"Hindi."
Napahinto ako. Pati yata yung mundo ko tumigil. BAKIT?!
"Hindi ka makakapunta. Kasi sa lugar na yun huling magco-concert ang Bangtan."
Bumagsak ang balikat ko. Isang concert lang mapupuntahan ko. Malamang Ava hindi kasali sa budget kung sasabay ka sa ibang concert ng Bangtan.
"How about dito? Yung concert dito?"
Desperada kong tanong. Kahit man lang dito na concert.
"Hindi rin Ava. Kung kailan ang concert dito yun din ang flight mo."
Bakit ganito? I mean first time kung mapanuod ang Bangtan na magperform in live sa concert. Sa kadahilanang nagtatrabaho and some other problems. I don't wanna mention it.
"Yah! Ano ba? Wag kang malungkot. Tong batang to para namang hindi mo nakikita ang Bangtan araw-araw."
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito at ginulo ang buhok ko. Iba kasi yung pakiramdam kung makikita mo sila sa isang napakalaking stage na nagpeperform kasama ang mga ARMYs.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanfictionI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...