Bulletproof 55

169 10 1
                                    

"Ava?"

"Yah~"

"Ava-chi~"

Nang binuksan ko ang aking mga mata nakita ko ang mukha ng Bangtan. Nakita ko si Jin na humawak sa dibdib niya at huminga ng malalim pati si Jimin. They seems relieved when i woke up. Nginitian ko sila.

"Each of you should be resting. May concert pa kayo mamaya."

Lahat sila humawak sa batok nila.

"Sabi ni Manager Ava-chi pwede daw kaming bumisita kahit sandali."

Sabi ni Taehyung.

"Oo atsaka tingnan mo si Yoongi Hyung nagpapahinga na."

Tiningnan ko naman yung tinuro ni Jungkook. Napangiti ako ng makita si Yoongi na natutulog sa sofa.

"Mamayang gabi pa naman ang Concert."

Sabi ni Jin. Tumabi sa akin sa magkabilang bed si Hoseok at Taehyung habang si Jimin nakaupo lang sa stool.

"Yah! Anong ginagawa niyo?"

Tanong ni Jimin na nakabusangot ang mukha.

"Bakit ba?! Gusto lang namin tumabi."

Sabi ni Hoseok. Nginitian ko ito. Ngumiti ito pabalik aww sunshine.

"Ava-chi-"

Naputol ang sasabihin ni Taehyung ng may nagbukas ng pintuan. Mom? Agad silang tumayo at nag bow.

"Eomma!"

Nanlaki ang mata ko ng makita si Minji at Jihae. Agad itong tumakbo palapit sa akin. Tumingin ako kay Mom ngumiti ito at sumenyas na lalabas baka naghihintay si Dad sa labas or may pupuntahan siya. Napatingin ako sa kambal nang lumabas na si Mom.

"Eomma? Are you okay already?"

Sabi ni Minji. Napatingin ako kay Jimin. Nakatalikod ito sa kanila. Te-teka? Umiiyak ba siya?

"Jimin?"

Ngumiti si Hoseok and he patted Jimin's shoulder. Lumapit si Taehyung kay Minji at kinarga ito. Ngumiti ako.

"I'm okay baby."

Tumayo si Jungkook galing sa sofa at lumapit kay Taehyung at Minji. Napatingin ako kay Jihae. Nakatingin ito kay Jimin habang yung kamay niya nasa bulsa. Tumingin si Jimin sa kanya.

"What are you looking at?"

Sabi ni Jihae na nagpalaki sa mga mata nila. Ilang segundo bago pumalakpak si Hoseok at tumawa.

"Jihae?"

Tawag ko sa kanya. Tumingin ito sandali sa akin bago ito tumingin ulit kay Jimin. Ilang segundo silang nagtitigan bago tumalikod si Jihae at tumabi kay Namjoon sa sofa.

"Yah~"

Tawag ni Jimin kay Jihae pero hindi siya pinansin nito. Napanga-nga nalang siya pagkatapos ay tumingin sa akin. Tumawa ang lahat ng tao sa room.

"Te-teka? Yah!"

Sigaw ni Jimin sa ka members niyang tumawa.

"Hindi ko alam pero nakikita ko si Namjoon at Jungkook sa kanya!"

Natatawang sabi ni Jin. Lumapit si Jungkook kay Jihae. Nagkatinginan silang dalawa. May kinuha si Jihae sa bulsa nito at binigay ang isang lego na iron man.

"Buti pa si Kookie nilalapitan niya."

Rinig kong bulong ni Jimin. Tumingin ako kay Jihae. Pinagkakaguluhan na siya. Pati si Namjoon nakikipag usap sa kanya. Jihae knows. Kahit hindi na siya magtanong alam niya na. Napatingin ako kay Jimin may namumuong luha sa gilid ng mata niya. Hinawakan ko ang kamay nito dahilan para mapatingin siya. He wiped his tears at tumingin sa akin.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now